KAT’S POINT OF VIEW
“He’s fine, Doc. Mukhang depression po ang problema sa kaniya,” reporta ko kay Doc habang ini-scan ang file ng bago kong pasyente. Vincent Rodriguez pala ang kaniyang pangalan. He is just at my age.
“I will do some test upang ma-confirm ang kalagayan niya.” Malamig na wika ni Doc nang isuot niya ang kaniyang stethoscope “Was he violent to you?” tanong niya nang nakataas ang kaliwang kilay.
“Uhm, no.” I shook my head, “He was emotional, Doc. A heartbreak, I guess.”
“Glad he calmed down,” he sighed, “Padami na nang padami ang kaso ng depression dahil sa heartbreak,” he slowly moved his head from left to right.
“As well as suicide.” Napakamot ako sa gilid ng aking baba, “Ganoon ba talaga ka-grabe ang pag-ibig?” kuryos kong tanong na siyang nagpahinto sa kaniya.
“Well… maybe for you hindi,” he averted his attention to the computer and sat down, “May iba’t-iba tayong paraan ng pagha-handle ng emotion. Some are fragile, some are not.” Then he started strolling his fingers on his keyboard.
“Hmm,” saglit akong napaisip nang mapatingala ako sa kisame ng office ni Doc, “I want to know if I am fragile or not.”
“Seriously?” he gave me this crooked face, “Obviously, you are not. Sa palagay ko, you’ve been through a lot of relationships. At sanay ka na sa break-ups.” he said and continued what he was doing.
“Me?!” tinuro ko ang sarili ko kasabay ng pamimilog ng aking mga mata dahil sa binigkas ng labi ni Doc. Been through a lot of relationships? Hell no. I never been in a relationship with someone.
“Why so surprise, Nurse Kat?” tanong niya in a bored way without looking at me.
“It’s because no boyfriend since birth ako, Doc. But I want to try…” nakaramdam ako ng panginginit ng pisngi, “I-I mean… I spent my whole life following what my mother wants. Hindi naman siguro masama kung—“ hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang putulin niya ang pagsasalita ko.
“N-No boyfriend since birth?” It was then I realized na nakatitig na pala siya sa akin using his shocked face, “Are you serious, Kathy?”
“Yeah,” tumango ako. “B-Bakit?”
“You should get one. Do you realize how old are you now?” bahagyang kumunot ang kaniyang noo, “You spent your life, too, here in the hospital. Kailangan mo ng time para sa sarili mo… to find a man that suits you.”
“I’m…” bahagya akong napayuko nang mapagtanto kong tumatanda na nga ako, “I’m almost thirty…”
“See?” kumibit siya ng balikat, “My wife had our first child when she was twenty-two. Hindi mo ba alam na may posibility na mahirapan ka nang manganak? Siya nga na twenty-two pa lang, nahirapan nang manganak. Ikaw pa kaya na malapit nang mag-menopause?!”
Wow!
Muling namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. What on Earth is wrong with him? He’s always rude. But somehow, may point si Doc. I don’t know my body so well. Hindi ko alam kung magme-menopause ako at the age of 40, younger than that or older than that. Hindi ko alam.
Unti-unti kong naramdaman ang pagyakap ng kaba sa akin, kaya napahawak ako sa aking dibdib.
What if mahirapan nga akong manganak? What if hindi na ako magkakaanak?
Goodness! These thoughts are eating me alive.
“I should… t-take a day-off tomorrow,” dahil sa labis na pag-aalala ay nauutal na ako.
“No,” umiling siya sabay pikit ng mata, “From now on,” he exhaled, “Half-day na lang ang duty mo araw-araw.”
“Jinjaaa?!” napasigaw tuloy ako, “Half-day? But Doc, I need the mon—“ once again, he cut me off.
“You will still have your payment in full,” pa-chill niyang sagot as he leaned his back on his chair. “Masyado ka nang maraming nagawa para sa Hospital, Kathy. I admit that. And now, I am giving you time for yourself.”
**
“Vincent, pakiusap naman, inumin mo na ‘tong gamot mo.” Pakiusap ko sa kaniya. Katatapos niya lang kumain at ayaw niyang inumin ang gamot na nireseta ni Doc! He’s claiming na hindi siya baliw, at hindi niya raw deserve ang mental hospital.
“Just get out, Nurse,” malamig niyang utos.
Malayo ang tingin niya sa labas, mula sa glass window ng bago niyang room. Sabi ni Doc ay kalmado na ang pasyente at safe na itong ilipat sa ward.
“No, hindi ako aalis hangga’t hindi mo ito iniinom,” I crossed my arms.
“Bakit ba ang kulit mo?!” galit siyang lumingon sa akin, “You girls are so the same!”
Napakamot ako sa aking batok. He is so childish. Gwapo pa naman sana.
“If you take your medicine, you will get a rum,” hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan ko ‘tong sabihin. Bigla lang sumagi sa aking isipan ‘yong sinabi niya no’ng unang pagkikita namin. He was as if so obsessed with rum.
“Don’t fool me.”
“I’m not.”
“Hindi ako uto-uto.”
“Hays!” napatayo ako sa inis, “Ang hirap mo naman painumin ng gamot. You are wasting my time! You don’t even look like may sakit sa pag-iisip. Why am I giving you my patience?!”
“I told you, just get out!” Naghiganti siya ng sigaw, “At hindi ako baliw!”
“That’s it,” marahan kong hinagis ang gamot patungo sa tray, “Kung hindi mo iinumin ang gamot mo, magtatagal ka rito.” Pagbabanta ko sa kaniya.
“It’s okay, tatandaan ko ang pangalan mo.” Ngumisi siya na parang isang baliw, “Paglabas ko, maghihiganti ako sa ‘yo. You don’t know me, Nurse.”
Napaikot na lang ako ng mata. May pa-threat pa siyang nalalaman, “I don’t care, as long as you’re here, you are powerless.” I rolled my eyes at him, “Tsaka, bakit mo naman ako paghihigantihan?”
“For pushing me to take medicine!’
“Dahil trabaho ko iyon!”
“fvck this hospital!” he put his back on me at muling humarap sa bintana, “Iwan mo na ang gamot d’yan at umalis ka na.” biglang na-switch sa kalmado ang kaniyang boses.
Wow.
Kanina pa niya pinapainit ang ulo ko. Sa lahat ng naging pasyente ko, siya lang ang matigas ang ulo. Hay naku!
“Please, inumin mo na ang gamot mo at h’wag mo na akong pahirapan pa.” bumuntong ako ng hininga, “Early ang leave ko ngayon, bilisan mo na pakiusap. Maghahanap pa ako ng boyfriend.”