3rd Person Pov
Nagising si Jarren na masakit ang ulo dahil sa hangover. Halos isang case din ang kanyang naubos kagabi at mag isa lang siyang uminom. Nakasanayan niya ng uminom ng alak bago matulog upang mapahimbing ang kanyang pagpapahinga.
Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa itaas ng kanilang TV at nakita niyang mag aalas onse na ng umaga kaya umiinat siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi na siya nakalipat sa kanyang silid kagabi dahil sa sala na siya inabot ng antok at doon na lamang natulog sa sofa kaya medyo sumakit din ang kanyang likod.
Mahilo hilo siyang dumeretso sa kusina upang magtimpla ng kape. Nasanay siyang pagkagising ay meron ng mainit na tubig sa thermos at meron na ding naluto na pagkain si Sofia para sa kanya. Buhay prinsipe siya kapag nariyan si Sofia. Pero paano na kapag nakuha na siya ni Miguel? Sino na ang magsisilbi sa kanya?
Subalit ng magsalin siya ng mainit na tubig sa kanyang tasa ay napansin niyang hindi ito umuusok. Mukhang kahapon pa ito kaya malamig na. Bago ito sa kanya kaya nagtataka siya kung bakit hindi nagluto si Sofia. Hindi pumapalya ang kapatid pagdating sa ganitong gawain at araw araw ay may bagong mainit na tubig sa thermos at nakahain na din ang pagkain..
"Lintik na babae yun. Sofia!" Sigaw niya. He had no idea na wala na si Sofia.
Naisip niya baka hindi pumasok sa trabaho ang kapatid pero kahit ganun ay nagigising pa rin ito upang maghanda ng makakain dahil kung hindi alam na nito ang sasapitin sa kamay ni Jarren.
Binuksan rin ni Jarren ang mga kaldero at napailing siya sa galit dahil ganun din. Walang bagong saing at luto na ulam.
Pumanhik siya sa kwarto ni Sofia upang gisingin ito. “Sofia anong oras na nakahilata ka pa rin dyan?! Aba’y gumising gising ka riyan kung ayaw mong tamaan sa akin!” Sigaw nito sabay ang sunod sunod at malalakas na pagkatok sa pinto.
Subalit wala siyang naririnig na sagot kaya minabuti niyang pihitin ang doorknob ngunit naka-locked pa ito. Ibig sabihin ay nasa loob lamang si Sofia.
“Sofia, wag mo akong galitin kung ayaw mong sirain ko itong pintuan ng kwarto mo!” Sigaw niya at nagsisimula ng kumulo ang kanyang dugo.
“Isa, Sofia!” halos magiba na ang pinto dahil sa sobrang lakas ng paghampas niya. Nang hindi sumagot ay tinadyakan niya ito ng malakas ngunit wala pa ring Sofia ang nagbubukas.
Sa galit niya ay tinadyakan niya ng tinadyakan ang pinto subalit baliwala iyon dahil matibay ang pagkakayari ng pintuan.
“Aba talagang ginagalit mo ko ha! Hintayin mo ko diyan at makakatikim ka sa’kin. Ngayon ka pa talaga gumanyan ngayong may hangover ako!” Sigaw nito at pumanhik sa kanyang silid upang hanapin ang spare key ng pintuan. Mabilis niya din itong nahanap dahil nasa isang lagayan lamang ang mga susi. Mabilis siyang bumalik sa kwarto ni Sofia at mabilis na binuksan.
“Sa tingin mo—” napatigil siya sasabihin ng mapansing walang tao sa silid.
“And where the hell is she?” bigkas niya at bumulusok na nga ang kanyang galit. Talagang tatamaan sa kanya ang kapatid kapag nakita niya ito. Pinuntahan niya ang cabinet at napansing walang bawas at naka ayos pa rin ang mga gamit nito.
“So hindi ka naman umuwi kahit binalaan na kita. Hindi ka talaga nagtatanda.” kausap niya sa sarili. Wala siyang kaide-ideya na nasa Cebu na si Sofia at tinakasan na siya.
Bumalik siya sa sala upang kunin ang kanyang cell phone. Chinat niya si Sofia subalit naka restrict pala siya at hindi makapag send ng message. “Pucha!” Anito na nagsisimla ng ma-frustrate. Tinawagan niya din ang numero subalit out of coverage.
“P’tang ina talaga ng babaeng yun! Wag ka lang magpakita sa akin dahil mata mo lang ang walang latay.” Anito na sumasakit na ang ulo dahil sa hangover. Wala pa siyang kape kaya mas lalo na siyang na-high blood sa ginawa ng kapatid.
Sinubukan niya ding tawagan si Jenny para kompirmahin kung naroon nga ba ito subalit naka sampung dial na siya sa numero at messenger nito ay parehong hindi makontak.
“I’m sure magkasama kayong dalawa at sigurado akong pagtatakpan niyo na naman ang isa’t isa katulad ng palagi niyong ginagawa. Ngayon pareho kayong malilintikan sa akin!” Anito saka naisipang pumunta sa bahay nila Jenny.
“Paglabas niya ay napansin niyang nasa garahe ang motor na service ni Sofia tuwing papasok sa trabaho. Kumunot ang noo nito sa pagtataka dahil alam niyang hindi umaalis si Sofia ng hindi dala ang kanyang motor. Naalala niyang pumasok pa sa trabaho si Sofia kahapon at dala itong motor niya.
Since nandito ang motor sa bahay dapat nandito lang din si Sofia. Napahilamos siya sa sobrang biglang pagkirot ng kanyang ulo.
Itinabi niya ang motor at binuksan ang gate upang makalabas ang kanyang kotse dahil hahanapin niya si Sofia.
Nang makalabas ay pinaharurot niya ang sasakyan papunta sa bahay nila Jenny at ng makarating siya ay nagsisigaw doon ng walang humpay.
“Sofia! Kumatok siya ng malakas sa pinto nila Jenny at wala siyang pakialam kung masira man ito. “Lumabas ka diyan! Talagang ginagalit mo ko ha!” sigaw nito.
“Jenny ilabas mo ang letseng kapatid ko!” Dagdag niyang sigaw. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na siya ng mga taong dumadaan.
“Hoy iho, bakit ka ba nag iiskandalo dyan? Hindi mo ba nakikitang naka padlocked ang pintuan?” Ani ng isang ginang na kapitbahay ni Jenny. Siguro ay nabulabog na ito sa ingay.
Napatigil si Jarren at napahilamos ng mukha. Ni hindi niya nilingon ang ginang na kumausap sa kanya. Tumalikod ito at bumalik sa kanyang sasakyan.
“Ay bastos na bata,” usal na lamang ng ginang at bumalik sa kanyang bahay.
Napahampas si Jarren sa manibela ng sasakyan dahil sa frustration. Mas lalo pang nadagdagan ang galit niya sa isiping sumagi sa kanya utak.
Paano kung missing in acton si Sofia? Paano kung tinakasan na siya nito? Hindi pwede dahil malalagot siya kay Miguel. Nangako siyang maibibigay niya si Sofia ng walang labis at walang kulang dahil kung hindi siya ang malilintikan dahil hindi siya tumupad sa usapan.
Bumalik muna siya sa kanilang bahay upang kumain dahil hindi na niya matiis ang sakit ng ulo at pag aalburuto ng kanyang sikmura. Mag aalas dos na ng hapon at wala pa siyang kain. Habang nasa byahe ay iniisip niya kung saan pwedeng magtago ang kapatid. Iniisip niya kung sino ang malalapit nilang kamag anak o kapamilya ng ina ni Sofia.
Kailangan niyang mahanap ang kapatid dahil next week na ang dating ni Miguel. Hindi pwedeng hindi siya tumupad sa usapan dahil limang milyon ang nakataya dito. Nang makarating siya sa kanilang bahay ay sakto namang tumunog ang kanyang cell phone. Nanginig siya sa kaba ng makita ang pangalang naka rehistro sa screen.
“H-Hello..” Nauutal niyang sagot.