KABANATA 29: THE NECKLACE

2268 Words

DAVE MONTE CLAIRE Kanina pa kami rito sa bahay nila Steve, pero wala pang Kenjie at Sandra na nagpakita sa amin. Sigurado akong naipit iyon sa traffic. Ang ginawa namin para malibang dito ay ang tinikman namin ang iba't ibang klase ng wine sa gilid namin habang nag-uusap. Sobrang saya ko dahil nasa tabi ko lang ang babaeng mahal ko. Ang ganda niya. Parang isang living barbie doll. Ang sarap titigan. Si Nikko naman sa tabi namin ay tahimik na kumakain. Mukhang nililibang na lang niya ang sarili sa pagkain. "Guys, dumating na sila. Tingnan niyo. Bagay na bagay talaga silang dalawa," sabi ni Cassandra. "Hello, guys. Ang aga-aga niyo, ha?" sarkastikong bati ni Nikko nang nasa harapan na namin ang dalawa. "Hoy! Traffic kaya," sagot ni Sandra. "Baka may ginawa pa kayo, ha?" pang-aasar ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD