KABANATA 6.1: THE GIRLFRIEND

2548 Words

KENJIE DEL PILAR NANLAKI ANG MGA mata ko nang bigla akong hinalikan ni Maricar. Dahil sa gulat ko, naitulak ko ito. Sinigawan ko rin siya matapos niyang gawin iyon. Gusto kong umalis na siya sa pamamahay namin. Aaminin kong nasaktan ako sa pagtaboy sa kanya, pero pasenya na dahil mahirap kalimutan iyong ginawa niya. Nagmukmok lang muna ako sa kuwarto dahil gusto kong mapag-isa. Nang maalala ko ang babaeng mahal ko. Hindi na dapat ako magpapaapekto pa nang ganito. Nandito na naman si Sandra para sa akin at mahal ko siya. Kinuha ko iyong cell phone ko at binuksan dahil naka off ito simula pa kahapon. Nang mabuksan ko na ito, sunod-sunod na ang text messages ni Sandra sa akin. Habang binabasa ko ang mga iyon. Nakaramdam ako ng lungkot. Pinag-alala ko pala ang babaeng mahal ko. Ang sama ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD