KABANATA 4: THE SORRY

2206 Words
KENJIE DEL PILAR Nandito ako sa garden para magpahangin. Kumakanta rin nang kunti para 'di ako mabagot. Umalis kasi sina Dave at Steve dahil may binibili kaya ito mag-isa. Wala naman kasi akong kaibigan maliban sa kanila kaya 'pag wala ang dalawang iyon, wala akong kasama at mas gugustuhin ko iyon. Honestly, pili ako sa kaibigan at sapat na iyong dalawa sa akin. Habang kumakanta, napahinto ako dahil biglang may sumigaw na labis na ikinagulat ko. Kailangan niya ng tulong at 'yon ang sigurado ako. Napatingin ako sa likuran ko at tumatalong si Sandra ang nakita ko. Kaagad akong tumakbo at pinuntahan siya baka kasi ano na ang nangyari sa kanya. Grabe kasi ito makasigaw. "Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ko. "Langgam! Langgam! Langgam!" sigaw nito. Hinila ko ito at pinaupo sa bench. At pagkatapos, hinubad ang sapatos niya at tinanggal ang mga langgam na nasa paa niya. Pulang-pula na ito at namamaga kaya kinuha ko ang alcohol sa bag at pinunasan ito. Sigaw pa rin ito nang sigaw at umiiyak na parang isang bata. Instead maaawa ako sa kanya, naiingayan tuloy ako. "Ano ba! Ang ingay mo!" sigaw ko. "Ang hapdi, ang sakit!" sagot nito habang tumutulo ang luha sa mga mata niya. "Langgam lang 'yan. Parang ano ito. Tsk." "Hindi kasi ikaw ang kinagat Kenjie, kaya madali lang sa iyong sabihin 'yan! Ang sakit kaya at ang hapdi pa," aniya. Umiiyak pa rin ito. "Oo na. Please tumahan ka na. Maghihilom rin 'yan. Nalagyan ko na rin naman ng alcohol," paliwanag ko. Tinabihan ko ito sa upuan at inilagay ang paa niya sa binti ko at minasahe ng alcohol ang paa niya para mawala ang kati at hapdi ng nararamdaman niya sa sandaling ito. She looks so parang tanga right now. Ang tapang na babae, pero umiiyak sa kagat ng langgam? Ang sarap lang videohan, kaso naiwan ko iyong phone ko sa bag. SANDRA VILLA AMOR Si Kenjie Del Pilar ba talaga itong nasa harapan ko? Ibang-iba ang ugali niya ngayon sa ugaling nakasanayan ko. He's so gentle and caring na labis na ikinagulat ko. How he takes care of me nararamdaman ko ang sencerity niya. Bumilis ang t***k ng puso ko habang tinitigan itong masahiin ang paa ko ng alcohol. Grabe ang kilig ng nararamdaman ko. Sa totoo lang, mas malala pa ito sa kilig na naramdaman ko kahapon kay Dave. Pumikit ako at dinama ang hawak niya, sobrang lambot ng mga kamay niya. Hindi mapagkaila na anak mayaman talaga. Tiningnan niya ako. "'Wag mo akong titigan nang ganyan." "H-Hindi ah. Anyway, ang ganda ng boses mo Kenjie, narinig ko kanina habang kumakanta ka ng Sorry ni Justine Bieber. Hmmm fan ka niya, noh?" tanong ko rito. Biglang tumayo ito at inirapan ako. Pagkatapos, kaagad nang umalis ng wala man lang imik. Iyong ngiti kong abot panga turns to nga-nga. Bipolar ba iyon? Ang moody! Ang bait lang kanina tapos biglang sinungitan na naman ako ng hindi ko maintindihan. Wala naman akong ginawa? Sinabihan ko lang naman siya na maganda ang boses niya. Suplado talaga! Ayaw ba niyang marinig ng papuri sa talentong meron siya? O ugali niya na talaga iyon? Makabalik na nga sa classroom. KENJIE DEL PILAR Napatakbo ako paalis nang sinabi ni Sandra na narinig niya ang boses ko. Parang nahihiya ako na ewan. Hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko ngayon. Napangiti naman ako nang maalala iyong sinabi niya na maganda ang boses ko at iyong reaksyon niya habang nagtatalon dahil sa kagat ng langgam. Ang cute lang! Ay hindi pala. 'Di siya cute! Panget siya, malaki ang mga mata niya. Nakakainis siya! Tarsier siya! Tarsier! Nandito na ako sa classroom at napangiti naman ako bigla. Baliw na ba ako!? Kainis! Tumayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan ang mga kaklase ko. Nakatingin din sila sa akin at nababasa ko sa mga mata nila na we-weirdohan sila sa akin. Napapangiti kasi ako mag-isa at hindi ko na sila masisisi roon. "Kenjie kanina ka pa ngiti nang ngiti sa upuan mo, ha? Nakakapanibago," sabi ng isa kong kaklase. See? Napansin nila. "Kaya nga. I guess you are in love? With whom?" pang-aasar ng babae kong kaklase. "Hindi, ah. Naalala ko lang iyong tarsier sa bohol. Ang cute lang ay 'di pala," pagbawi ko. "Tarsier or a girl?" pagsabat naman ng isa ko pang kaklase. "Tarsier nga, bahala nga kayo riyan," sagot ko rito. Lalabas na sana ako sa classroom nang makasalumuha ko na papasok ang dalawang kaibigan ko. Napahinto ako. "Where are you going, Ken?" tanong ni Steve. "Kaya nga. Saan ka, Ken?" tanong ni Dave habang inabutan ako nito ng pagkain. Tinanggap ko ito. "Thanks. Bored kasi. Ba't ba ang tagal niyo? Nababagot tuloy ako." "Calm down, Ken. Nandito na kami, oh," sabi ni Steve habang hinila ako pabalik sa upuan ko. "Bakit?" takang tanong ko. "You look so weird and paranoid. There's something on you." Tumayo si Steve. Ano ang gagawin niya? "Everyone what happened to Kenjie? May napapansin ba kayo habang wala pa kami rito?" "Kanina pa 'yan ngiti nang ngiti, Steve," sagot ng isa sa mga kaklase namin. Hinampas ako ni Dave sabay tanong. "Sino? Who is she? Who's the lucky girl who captures your heart?" "Ewan ko sa inyo. Wala akong gusto mga bro at 'di ko siya gusto," sagot ko sa mga kaibigan kong nangungulit. Tumawa si Dave. "Hindi mo siya gusto? So, meron nga gumugulo sa puso mo. Ken, lokohin mo na sarili mo 'wag kaming mga kaibigan mo." "Kaya nga. Are you afraid of falling in love again?" tanong ni Steve. "Stop, please," seryosong hiling ko sa kanila. "Okay." Tumigil na ang dalawa kaya nakahinga na ako nang malalim. Wala akong nagugustuhan at lalong hindi ako in love. Nakakainis din minsan iyong pang-aasar nila Dave at Steve. ••• Kakatapos lang namin sa practice. Ako sa badminton, si Dave naman sa basketball. Si Steve nauna ng umuwi dahil sa isang mahalagang bagay. Papalabas na kami ng gymnasium nang biglaang tumayo ang balhibo ko dahil sa boses na narinig ko. Sabay kaming nagtinginan ni Dave at napatanong sa isa't isa kung sino iyon. Actually, may kumakanta sa music hall. Everytime na may kumakanta roon ay maririnig sa buong campus dahil sa malalaking speakers at amplifier. "Ganda ng boses, Ken," nakangiting sabi ni Dave. "Indeed. Tingnan natin," pagyayaya ko dahil curious ako kung sino ang kumakanta roon. Her voice is close to perfection. Papunta na kami at 'di pa rin tumigil ang babae sa pagkanta. Kumanta siya ng Your Love ni Juris at sobrang sarap sa tainga. Nang dumating na kami sa Music Hall agad naming sinilip kung sino ang kumakanta. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko ng hindi ko mapaliwanag nang nakita ko kung sino ang babaeng kumakanta. I can keep my mouth smiling while watching her singing. This time I can't hate her at natutuwa akong tinitigan lang siya. "Ken, she's perfect right?" wika ni Dave. "Yes! Ay, 'di pala. Perfect ka riyan," pagsusungit ko. "Weh? Deny pa more. Sandraaaaaaaaaaaaaaaa!" pagtawag ni Dave. Napahinto si Sandra sa pagkanta at daliang tinakpan ang mukha niya. Ang arte kala mo naman gustuhin. Lumapit si Dave papunta sa kanya at sumunod na lang ako. Ano pa ba ang magagawa ko? "Galing, ah! Ganda pala ng boses mo. Hmm, ano pala ginagawa mo rito?" tanong nito kay Sandra. "Practice para sa singing play namin," sagot naman nito. "Wow just wow. I am so impressed with your talent even Kenjie. Napangiti lang kami habang tinitignan ka," sabi ni Dave. "Hindi kaya! Ang panget nga," sabi ko. "Sabi mo nga lang kanina napakaganda. Hmm, baka nakalimutan mong ikaw nag-aya na puntahan natin kung sino ang kumakanta. Ayieeh, Kenjie," panunukso ni Dave sa akin. "Wala akong sinabi. Hoy, Ms. Kapol, you better stop singing. Panget ng boses mo, sakit sa tainga," sabi ko. "Shut up, Boy Liit! Duhhh, bitter. Kala mo naman kung sino," inis na sagot nito. "May something ba sa inyo ng hindi ko alam? Boy liit? Ms.Kapol? Ano 'yon?" takang tanong ng walang alam na si Dave. "W-wala!" sabay naming sagot ni Sandra. "Is she Ken?" pang-aasar ni Dave. "Stop it, bro." "Oy, namumula. Sandra, I guess natamaan na si Kenjie sa 'yo. Salohin mo, ah?" "Kadiri ka, Dave!" wika ni Sandra. Tumaas ang kilay ko sa sagot nito. "Pinandidirian mo ako? Ako lang naman si Kenjie Del Pilar ang crush ng campus. Ikaw? Sino ka ba, ha?" "Ako lang naman si Sandra. Period!" "Kinikilig ako sa inyo. May sparks," walang tigil na pang-aasar ni Dave. Ngumiti si Sandra kaya lalo akong nainis. Tinuro ko ito. "Hoy! Kinikilig ka ba sa akin?" "Why should I? You are a demon! Kung sa tagalog, DEMONYO! Ba't ako kikiligin sa isang demonyo? Unless kung demonyo rin ako, pero hindi! DYOSA ako, DYOSA!" "Tarsier baka. Dyosa! Saan banda?" tanong ko. "Ikaw maghanap, ikaw naka-isip!" "'Wag na nga kayo mag-away. Sandra, uuwi ka na rin ba? Ihahatid na kita." Ngumiti naman ito at pinisil mukha ni Dave. "Ang cute mo talaga Dave at ang bait pa. Sana all. Sana all may puso kagaya mo, sana all gentleman katulad mo. Hindi tulad ng iba riyan. Ang gwapo sana, pero ang ugali? Mala-demonyo." "Nagpaparinig ka ba!?" inis kong sabi. "Natamaan ka ba? Oops, sorry for that." "Hindi," mabilisan kong sagot rito. "Hindi naman pala. So, shut up ka." "Mukha mo!" sigaw ko. "Tama na nga iyan. Tara na Sandra, Ken halika na. Uwi na tayo," ani Dave. May pahatid-hatid pang nalalaman itong kaibigan ko. At ito namang magandang tarsier, halatang kinikilig. Ngayon, naghahabulan sila na parang mga bata at sa harapan ko pa talaga ginawa. Ang sakit nila sa mata. Walang chemistry! Dumating na kami kung saan naka park iyong sasakyan namin. "Paano iyan Dave, mauna na ako," pagpapaalam ko. "Okay, Ken. Wait! Hindi ka ba magpapaalam sa crush mo?" sabi ni Dave. Ang sarap talaga sapakin. Tinuro ko ito. "That girl? Crush ko? 'Di ako pumapatol sa..." Biglang sumabat si Sandra. "Ano? Sige ipagpatuloy mo. Diyan ka naman magaling, 'di ba? Ang mang insulto ng tao?" Tumahimik na lang ako at pumasok na sa sasakyan. Paaandarin ko na sana ito nang biglang kumatok si Dave sa bintana ng sasakyan ko. Binaba ko ang windshield. "Bakit?" tanong ko. "May nagbutas na naman ng gulong ko," pagrereklamo niya. "Eh, ano ngayon?" tanong ko. "Sasabay na lang kami ni Sandra sa 'yo." "W-what!?" sigaw ko. "Sasabay kami sa 'yo," sagot nito. Okay lang sana kung si Dave 'yon. Pero kasama niya iyong babaeng kinaiinisan ko. Tiningnan ko ito kaya lalong kumulo ang dugo ko. "Hindi puwede," sagot ko. "Sige, kapag 'di mo kami pasasakayin kumpirmadong crush mo si Sandra," pang-aasar ni Dave. Aba! May ganyanan na naman! Buwesit talaga! Kung 'di ko siya pasasabayin baka masabihan naman akong gusto ko ang babaeng 'yon. Hays! "Sige na nga! Pasok na kayo." Tinuro ko si Sandra. "Ano ang tinatayo mo riyan? Pasok na rito." Umalis na kami at nagpatugtog na ako ng Justine Bieber songs which is my favorite. Para ganado na rin sa pagmamaneho. Tawa naman ako nang tawa kasi sumasabay si Dave sa kanta kahit sobrang panget ng boses. Sumabay na rin si Sandra sa pagkanta at hindi talaga mapagkaila na maganda ang boses niya. Napatigil ako sa pag ngiti nang tumugtog ang 'Sorry'. Naiilang kasi ako dahil sa nangyari kanina sa may garden kaya pinatay ko na lang. "Hoy, Ken! Bakit mo pinatay!? 'Di ba paborito mo iyan? Bahala ka, ako na lang ang kakanta! Is it too late now to say sorry cause, I'm just missing your body, is it too late now to say—" "Shut up, Dave!" sigaw ko. "Ano bang nangyari sa 'yo. Bakit ang init ng ulo mo?" "Basta," sagot ko. "Sumpungin ang may tupak," biglang sabi ni Sandra. "Ano sabi mo?!" sigaw ko. Nilingon ko ito at inirapan. "May sinabi ba ako?!" taas-kilay niyang tanong. "Bakit mo ako pinariringgan!?" inis kong tanong sa kanya. "Hindi lahat ng binabato ay para sa iyo. Minsan sinasalo mo lang. Assumero ka, e!" "Shut up!" singhal ko. "The more you hate, the more you love," panunukso ni Dave. Kainis! Tumahimik na lang ako kasi tinutukso na naman ako nito. Wala talagang preno ang bibig. Kung anong gusto niyang sasabihin, sasabihin talaga. Minutes after, nagtaka ako kung bakit ang tahimik kaya napatingin ako sa rearview mirror kung ano ang ginagawa nila. Natutulog ang dalawa at sa balikat pa talaga ni Sandra ang ginawang unan ni Dave. Inapakan ko agad ang brick para mabuwag sila at ayun nagising si Sandra at agad nag-react. Ang sakit kasi nila sa mata. Walang chemistry! "Ouch! Dahan-dahan naman, Kenjie! Gusto ko pa pang mabuhay! May pangarap pa ako sa buhay," litanya niya. "Ikaw magmaneho rito? Tara palit tayo ng puwesto! Bilis!" sagot ko sa kanya. "Biro lang ang init ng ulo mo," sagot nito. Ang laki ng ngiti ko nang mabuwag na sila. Ginising naman ni Sandra si Dave, pero ayaw nito. Magdusa ka riyan, walang kakausap sa iyo. I look at her in the rearview mirror at nababagot na ito. Napangiti na lang ako kasi ang sarap niya talagang inisin. Pero mamaya ay magpapatugtog naman ako ng kanta kasi nakakaawa rin, pero ngayon ay inisin ko mo na ang tarsier. Brace yourself, Sandra. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD