BUMALIK ako sa realization na hindi na babalik pa kailanman si Marky sa akin. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin si Marky. Ako naman talaga ang dapat sisihin sa mga nangyari sa kanya. Kung bakit nawala siya kaagad sa buhay ko.
Hindi ko rin matanong si Daddy sa kung anong pagkakakilanlan ni Marky dahil sa nahihiya akong malaman ni Daddy ang plano ko. Gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa totoong pagkatao ni Marky pero according doon sa pinagtanungan ko eh unknown daw ang pagkakakilanlan ni Marky. Wala kasi akong alam kung sino nga talaga si Marky.
Hindi rin ipinaliwanag ni Daddy kung bakit kailangan ko ng bodyguard. Isinekreto nila ito sa akin dahil alam nilang hindi ako papayag. Kahit na tinatanong ko siya ay laging umiiwas si Daddy na pag usapan ang tungkol doon.
Hindi ko rin alam ang pangalan ng mga magulang ni Marky. Pati ang address kung saan ito nakatira. Confidential ang records nito. At wala ring nakakaalam sa pribado nitong buhay. Wala man lang nag-claim sa bangkay niya. Kaya kami na lamang ang nag ayos ng paglilibingan ni Marky.
Ang alam ko lang din ay ang buong pangalan nito ay Marky Rodrigo. Pero ang sabi niya hindi talaga siya si Marky Rodrigo. Ang gulo. Naguguluhan ako sa tunay na pagkatao niya.
Sino ka ba talaga, Marky Rodrigo?
Biglang ko naman naalala ang birthday ni Marky. Malapit na ito. Lagi kaming nagcecelebrate na magkasama ni Marky noon tuwing birthday niya.
Hindi ko pa rin alam kung anong balak kong gawin sa nalalapit na birthday ni Marky. Pero may isang linggo pa naman ako para mag isip.
Nagbalik lang ako sa ulirat ng tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa table ko. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Unregistered number? Sino kaya ito?
Kinuha ko ang cellphone ko at itinapat sa tenga ko. Naririnig ko lang ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya.
"Hello," sabi ko sa kabilang linya. Pero hindi siya sumagot. At naririnig ko lang ang mga paghinga niya.
Ilang segundo pa ang dumaan pero hindi pa rin ito nagsasalita. Naiinis na ako.
"Kung wala kang magawa! Huwag kang tumawag. Nakakainis ka!" hindi na ako nakapagpigil dahil pakiramdam ko prank call ito. And I press the end call.
Tatawag tawag hindi naman magsasalita. Nakakainis talaga ang mga taong, walang ibang gustong gawin kun'di ang manloko! Sinisira niya ang mood ko.
Mayamaya ay may tumatawag ulit sa akin. Tiningnan ko iyon at unregistered number na naman ulit.
Hinayaan ko lang magring ang phone ko at hindi ko ito sinagot. Until it end. At hindi na muling tumawag pa.
Muli kong pinipirmahan ang mga dokumento na nasa table ko. Naputol lang iyon kanina dahil sa mga pinag iisip ko tungkol kay Marky. Inisip ko na lamang na marami namang tao ang magkakapareho ng pangalan sa buong mundo.
Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko nang magring na naman ang phone ko. Tiningnan ko lang kung sino ang tumatawag. At nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang numero ni Daddy.
"Hello, Dad," masiglang bati ko.
"Hija, why you didn't pick up your phone?" bungad na tanong ni Daddy sa akin na ipinagtaka ko.
"Dad, you just called once. At ngayon pa lang."
"No. How many times did Marky called you on your phone?" tanong ni Daddy sa kabilang linya sa akin. Napaawang ang labi ko. At hindi nakasagot kay Daddy.
Ilang minuto ang katahimikan naming dalawa ni Daddy. Nang mapagtanto ko na si Marky James pala ang tumatawag sa akin kanina.
"Tanya, are you still there?" tanong ulit ni Daddy sa akin.
"A-Ah, yes, D-Daddy."
"So, tell me. Bakit nga hindi mo sinasagot ang tawag niya?" usisang tanong na naman ni Daddy sa akin. Paulit ulit na lamang ang itinatanong niya. Nakakairita na din na paulit ulit.
And my Mom, kinukulit rin niya ako noong nakauwi na kami sa bahay pagkatapos ng dinner sa mga Lim. Na kesyo kaibiganin ko raw si Marky James. Mag usap at maging magkatextmate kami.
Really, textmate? As if naman may time ako para makipagbolahan sa lalaki na iyon. Gustong gusto pa ni Mommy si Marky James para raw maging boyfriend ko.
HELL, NO! NEVER!
Hinding hindi mangyayari iyon. Dahil si Marky lang ang lalaking mamahalin ko at nasa puso ko.
Huminga ako ng malalim.
"The reason is I didn't know na siya po pala ang tumatawag. Kasi po unregistered number po ang nakalagay," magalang pa rin na sagot ko. Kahit na naiinis na ako sa Marky James na iyon.
Bakit naman kasi siya tumatawag?
"He just called me. Bago kita tinawagan. At sinabi niyang ayawong sagutin ang tawag niya. Sinabi niya na pakisagoptatawagan ka niya ulit," parang inuutusan pa ako ng mokong na iyon. At ginamit pa niya si Daddy.
"Dad, pakisabi na lang po na busy ako."
"Nasabi ko nang available ka tonight. Kaya sinasabihan na kita kaagad. Umoo ka kapag tinanong ka," may awtoridad na utos ni Daddy sa akin.
Wala na akong nasabi. Daddy ko na ang sumagot sa lalaking iyon. Kaya wala akong choice pa na magsinungaling.
"Is that clear, Tanya?" tanong na naman ni Daddy.
"Alright, Dad" pumayag na ako para matapos na ang usapan namin ni Daddy tungkol sa Marky James na iyon.
"Okay, just do what I say. And take care. Bye," utos na naman ni Daddy sa akin. At nagpaalam.
"Bye," paalam ko din kay Daddy. At pinatay na ang tawag.
Nakuha yata ni Marky James ang loob ni Daddy. At mukhang pabor na pabor si Daddy sa kanya.
Nasa ganoon akong pagmumuni nang tumunog na naman ang phone ko na hawak ko.
Nakakainis talaga! Maybe I should changed my phone number. Nakakairita na talaga kung laging tatawag ang mokong na ito sa akin.
Wala sa loob na, I accept his call.
"Hello," malamig na sabi ko.
"Ah, Tanya. I apologized if maybe I bother you on keep calling you, persistent," paumanhin niyang bungad sa mababang boses. And I feel his sinserity on his voice.
"It's okay, James. I hope you don't mind if I call you on your second name?" sagot at tanong ko sa kanya.
Parang natahimik siya sandali.
"No, It's okay. And I love it," masiglang sagot niya. And it's give me chill. I just ignore what I feel. Dahil alam kong wala lang iyon.
"Ah, I just call you because I want to invite you to come in our private resort on Saturday. Bring your friends and it will be nice na marami tayo," aniya.
"Okay. As if naman na makakatanggi pa ako," sambit ko na ikinabigla ko. Dapat sa isip ko lang sasabihin iyon. Pero lumabas pa din sa bibig ko.
"I just hope na makakapunta ka. I will just text you the time and I will be the one who will fetch you," sabi pa niya na hindi na pinansin ang sinabi ko.
What! Bakit kailangan pa niyang sunduin ako? May sarili akong kotse. At kaya kong magdrive mag isa papuntang airport.
"Wait. I can go on my own. Just give me the address and I will come with my friends," pagtataray na tanggi ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Sorry, but I think you get it wrong," wika pa niya.
"Mr. Lim, maliwanag pa sa sinag ng araw sa labas na gusto mo akong sunduin sa bahay ko at sa kotse mo ako sasakay!" he really pestering me.
Nakakagigil!
Bakit kailangan sa kanya pa? Nakapang iinit ng ulo. Ang hambog!
"Hey, Tanya relax. Can you please calm down? You really didn't get what I mean," pamimilipit pa niya.
"Okay. Sige ipaliwanag mo!" umuusok na ang ilong ko sa galit.
"We will use a van. Siguro kasya na tayong lahat doon. Para less hassle sa maraming sasakyan na iiwan sa airport. And don't worry hindi ako ang magdadrive. I will bring Manong Ely para siya ang magdrive para sa atin," mahabang paliwanag niya sa akin sa malumanay na boses. At parang pinagpapasensiyahan niya lang ang pagtataray ko sa kanya.
Napakagat ako ng labi ko. Hindi naman kasi tinatapos ang sinasabi eh.
"Tapusin mo kasi," nasabi ko na lamang.
"You didn't let me. Isa pa kami na ang magsusundo at maghahatid sa mga kaibigan mo. Okay na ba?" dagdag niya at tanong na din sa akin. Ramdam ko na nangingiti siya kahit na hindi ko siya nakikita.
"Okay," maikling sagot ko.
"See you on Saturday. Bye," magiliw na wika niya at nagpaalam na sa akin.
Pinindot ko na ang end call. At hindi na nag abalang magpaalam.
Sobrang nakakahiya ang inasal ko. "Nangunguna kasi. Pinapairal ang pagtataray," suway ng sarili kong utak sa akin.
I check my phone and I almost forgot. Friday ngayon. Eh di bukas na kaagad iyon.
Napakabilis naman. Hindi pa ako nakakapag shoppping. Masyado akong kikay sa sarili ko. Pero hindi ako maarte.
"Mina, cancel all my appointment today. I just want to leave early," utos ko sa sekretarya ko.
"Noted, Ma'am," sagot niya at pinatay ko na ang intercom.
I just take my bag and put my cellphone inside. At tumayo na ako para lumabas ng opisina ko.
Kailangan kong magshopping ng maraming swimsuit. Naalala kong nakalimutan kong itanong kung ilang araw kaming mag iistay sa private resort nila James. Sa dami ng iniisip ko nakalimutan ko iyon itanong.
Nadaanan ko si Mina sa kanyang desk at tumango ng ulo sa akin. At umalis na ako.
I'm already inside my car. I'm going to the nearest mall in my office. Tinawagan ko na din ang mga kaibigan ko para sabay sabay na kaming mamili.
And when I reached the mall. I just parked my car. Saka bumaba na sa loob ng sasakyan ko.
While walking papasok sa mall ay tinawagan ko na ang kaibigan kong si Rachel kung nasa loob na silang tatlo ng mall.
Mary Ann Sanchez, is a friend of my mine na isang fashion designer. While Rachel Victorio is a free lance model. Si Olive Hanz naman ay isang business woman same like me. At pare pareho kami ng hilig. Typical na girls type. Clothes, shoes, and make up. We always going in the saloon too, for pampering ourselves.
Kaming apat ay wala pa din mga naging boyfriend, NBSB ika nga. Kahit na successful kami sa aming mga larangan. Siguro masyadong intimadating ang aura namin kaya wala kaming magustuhan sa mga lalaki na nagkakainteres sa amin.
But for me, hindi ko pa din makalimutan si Marky. Sinubukan kong bumangon mula sa sakit na naramdaman ko nuon. Binago ko ang sarili ko sa kung ano ako nuong kasa kasama ko pa si Marky. Everytime na maalala ko siya hindi ko pa din mapigilan ang maluha.
Marky is my one great love and the one that got away for me.
Hinawakan ko ang kuwintas ko at pumikit ng aking mga mata. Saka bumulong doon.
"I still love you, Marky. Ikaw lang at wala ng iba," sabi ko habang maluluhang hinalikan ang pendant na krus. Saka ko ibinalik sa loob ng blouse ko.
"Tanya!" malakas na tawag sa pangalan ko ng isang lalaki.
Nagmulat ako ng aking mga mata at napalingon ako sa likuran ko. At nagulat nang mapag sino ang tumatawag sa akin.
"Marky James?" nagtatakang tanong ko sa sarili.
Malalaki ang hakbang niya papalapit sa akin. At ang laki ng ngiti niya na halos umabot lampas sa mga mata niya.
Ano bang meron at lagi kaming pinagtatagpo ngayon?
"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko sa kanya nang makalapit na ito sa akin.
"I'm just rooming around here at the mall when I saw you. It's really nice to see you again," sagot ng nakangiti pa ding si James sa akin.
"Okay. See you. Bye," nagpaalam na ako sa kanya at tinalikuran na siya. Aalis pa lamang sana ako ng hawakan niya ang braso ko.
Ito na naman ang kuryenteng dumaloy sa kamay niya papunta sa braso ko. Kaya bigla kong iwinasiwas ang braso ko para matanggal ang pagkakahawak niya doon.
"Do you feel that too?" tanong niya sa akin ng humarap ako sa kanya. Nagmaang maangan na lang ako.
"Ang alin ba?" naiinis na tanong ko sa kanya dahil sa kakulitan niya.
"That electricity," maikling sagot niya sa akin.
"No," pagsisinungaling ko. At kunwari na hindi ko naramdaman ang kuryente na sinasabi niya. Saka tumalikod ulit kay James. At humakbang paalis.
"Wait, Tanya!" pagpigil na naman niya ulit sa akin.
I heaved a heavy sighed. And face him again.
"Ano pa bang kailangan mo?" medyo may inis na tanong ko.
"If you dont mind, can I come with you?" diretsong tanong niya.
"My friends are coming. Kaya NO!" may diing tanggi ko. Saka tumalikod ulit sa kanya at umalis na.