NAPANGIWI siya dahil sa mahigpit na hawak ng lalaki sa braso niya. Celestine tried pulling her arm to no avail. He is holding her tightly.
"B-bitiwan mo ‘ko!"
Instead of freeing her, mas lalo lang dumiin ang pagkakahawak sa kanya ng estranghero. Para nang mababali ang braso niya.
"How did you get inside of my house?"
"Bitiwan mo muna ako! Masakit!" reklamo niya.
She kept pulling her arm and telling him to let her go pero mistulang bingi ang lalaki. Ayaw pa ring bitiwan s'ya. He's really bad. Tama nga ang tsismis. Pinagsisihan n’ya na pumasok pa siya sa rito. Ito tuloy ang napala niya.
"Sagutin mo ‘ko!" the man demanded.
"Paano kita masasagot kung parang puputulin mo na ang braso ko? Let go!"
Nakahinga s’ya nang maluwag nang sa wakas ay binitiwan din nito ang mahigpit na hawak sa braso niya. She caressed her sore arm. Thankfully, mukha namang walang nabali sa buto niya.
"Are you one of those women who kept invading my privacy?"
Mabilis siyang umiling. He got it wrong. Aminado naman siyang tsismosa siya pero hindi naman ‘yung tipo na aalamin pa kahit pinakapribadong buhay ng tao. Nagkataon lang na akala niya nilooban ito kaya pumasok siya sa loob ng bahay nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" tanong nito. Nanliliit ang bughaw nitong mga mata.
"Nakabukas kasi ang gate mo. Akala ko...nalooban na kayo. Kaya pumasok ako para i-check," paliwanag niya.
Napanguso siya at yumuko nang lalong tumalim ang mga mata ng binata. He looked like he wasn't believing her.
Celestine doesn't care though kung maniniwala ito o hindi. At least, naipaliwanag niya ang side niya rito.
"You could've called the police to check, not by yourself!" asik nito.
Sumama naman ang mukha niya sa tono nito. Kung makapagsalita kasi parang pinapalabas na gumagawa lang s’ya ng excuse para makaalis na.
"Bakit ka pa nagtanong kung ‘di ka maniniwala? Concern na nga ako sa ‘yo, pinapagalitan mo pa ako!" umismid siya.
"I don't need your concern!" he spat.
Laglag ang panga niya dahil sa kagaspangan ng ugali nito. Pagak siyang natawa. Tama nga ang sinasabi ng mga tao tungkol sa lalaking ‘to. He's ruthless, arrogant and cruel man, who doesn't know how to be grateful. Contrast to his face. He's bad on the inside.
"Imbes na magpasalamat ka, you're telling me that? Buti nga naisipan ko pa na i-check ka! Sama ng ugali nito,” pabulong na sabi niya sa huling linya pero narinig pa rin ng lalaki. His sharp eyes look like it's ready to fire bullets at her.
"What did you say?"
Celestine averted her eyes. Kailangan n‘ya na ata tumakas. Looks like he's going livid.
"Wala!"
Tumalikod siya at lumakad palayo pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang hawakan siya nito sa braso at hinila. Napasinghap siya nang muntikan na siyang masubsob sa dibdib nito. Her heart reacted wildly.
"Liar. I heard you loud and clear. Masama ang ugali ko?"
Nagtaasan ang mga balahibo niya nang marinig ang mahinang pagtawa nito. His laugh is not just like any other normal laugh. 'Yung nakakatakot. Parang may gagawin. Napalunok siya.
"I am really bad and I don't let anyone who insulted me get away from it."
Nanigas ang mga binti niya nang hawakan nito ang magkabilang beywang niya. His big hands wrap around her waist perfectly and even with her clothes still on, she can feel his warm hands.
Celestine gathered all her strength saka hinawakan ang mga kamay nito sa bewang niya para baklasin pero tinabig lang 'yon ng binata. He even pulled her closer, so close, that her chest was already touching his. Mas lalong naghurumentado ang puso niya.
"A-Ano ba? Bitawan mo ako!"
He uses his one arm to wrapped around her waist so he can use his other one to cup her chin. Itinaas nito ang mukha niya dahilan upang magtagpo ang mga mata nila.
"I am not really in a good mood. You can lighten it up by f*****g me. What do you think?"
Nag-init ang mga pisngi niya sa tinuran nito. He affects her but it's not a valid reason para mabingi siya sa sinabi nito. He'd just insulted her!
"f**k!"
Before she even knew it. Natuhod niya ang pinaka-iingatan nito. Napalayo kaagad ang binata sa kanya.
Nanlaki ang mga mata n'ya nang ma-realize ang nagawa. Napalayo ang lalaki habang hawak ang ‘di sinasadya niyang matuhod.
Lagot!
"Y-you!" he snapped.
"K-kasalanan mo ‘yan!" nauutal niyang sigaw.
He called her several times nang tumakbo siya nang walang lingon-lingon. Celestine could still hear her heart beating so fast. Gusto niyang maawa pero dapat lang dito 'yon.
He insulted her. Yeah. Tama lang ‘yon. Celestine just hoped that she would never see him again.
IT'S BEEN ONE WEEK simula nang mangyari ‘yon and she's thankful na hindi na niya nakita pa ang lalaki. Hindi niya na rin sinubukan pang pumunta sa bahay nito para kumustahin ang ginawa niyang panunuhod dito.
She can tell that it really hurt the poor man. Napalakas ang pagkakaano niya. Napangiwi siya nang maalala ang pamimilipit ng lalaki. Kasalanan naman niya iyon, eh! Ininsulto siya nito! Hindi porke gwapo ito, eh, papatol siya rito!
Napabuntonghininga na lang siya saka ipinagpatuloy ang pagkain. She doesn't want to remember it anymore.
Nasa sala siya at kumakain habang nanunuod. It's her only way to distract herself habang hindi pa siya pumapasok sa trabaho. Katok mula sa pintuan ang nagpaangat sa kanyang tingin.
Wala naman akong inaasahang bisita, ah?
Out of nowhere, bigla na namang pumasok sa isip niya ang lalaking ‘yon. She instantly feel nervous. Paano kung sinundan pala siya nito? Anong gagawin niya?
"Calm down, Celestine! Calm down."
She's still not sure though. Mamaya iba pala. Celestine was mentally praying na sana hindi nga si Alexendris ang nasa likod ng pintuang ‘yon habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa pintuan. Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang pinto.
"Ano’ng mayro’n? Bakit ganiyan ang mukha mo?"
Napamulat siya ng mga mata nang marinig ang boses na ‘yon. Tila nabunutan s'ya ng tinik nang makitang si Ericka at si Vander pala ang nasa labas. They were looking at her weirdly.
"Ahh!" alanganin siyang tumawa at ngumiti. "W-wala. Kakalabas ko lang kasi ng...banyo."
Akala niya nasundan na siya. Maybe, she's just overthinking. Hindi naman siguro magsasayang ang lalaki na ‘yon ng panahon para hanapin pa siya.
"Ano ‘yang dala n’yo?" tanong niya.
Van who is holding the drinks, puts it in the center table. Hawak naman ni Ericka ang pizza saka plastic ng fries na lulutuin pa.
"Mga bote saka karton," pilosopong sagot ni Van.
Mangali-ngali niya itong batukan dahil sa sagot nito. He's always like that. Pilosopo. Hanggang ngayon di pa rin siya nasasanay. They were friends for so long now. Kaya malakas ang loob ng mga ito na basta na lang sumugod sa bahay niya.
"Teka. Magbibihis muna ako. Bakit kasi hindi kayo nagsabi." aniya.
"Surprise nga. If we tell you, ‘di na surprise. Lutuin ko muna ‘to," saad ni Ericka na dumiretso sa kusina niya.
"Maligo ka na rin. You stink!" pahabol pa ni Van na ikinasimangot niya.
"Bakit ba parati mo na lang akong inaaway? ‘Di naman talaga ako mabaho!"
Inirapan niya ito kahit hindi naman siya nakikita ng binata. Pumunta siya sa kuwarto niya para maligo at magbihis. Nakakahiya naman sa bisita niya kung amoy anghit siya.
Before she went to the bathroom, tsinek niya muna ang phone niya kung may tumawag but she froze when she read the unread message.
It's her complete address with the devil's initials in the bottom.
Oh no...