Chapter 9. [ Jealous Zachary ]
Charielle's POV
Nag aya sila Kit na pumunta sa dance room after class. Wala naman akong magawa kundi ang sumama dahil wala rin naman akong gagawin.
Si Rica kasi ay kasama ang best friend niyang si Cassidy at Ace invited sila sa birthday party ng classmates nila. By the way, Ace is Yvo's younger brother and he is not their classmate pero friend kasi siya ng birthday celebrant so he was tagged along.
Ayoko sanang sumama kina Kit sa dance room dahil gusto ko ng umuwi ng maaga, hindi ko na kasi makita si Zac so there's no good reason for me to stay.
Masaya silang nagsasayawan at pinipilit din ako ni Yvo na isayaw. I'm not in the mood. I'm thinking about Zac; ano na kaya ang ginagawa niya? Naka uwi na ba siya? Naka kain na ba siya? Lumalala na yata ang obsession ko kay Zac as time goes by.
Napansin yata ni Yvo na tahimik lang ako at malungkot kaya pinipilit akong isayaw to cheer me up. Ok, pinag bigyan ko siya, so I stood up.
Natigilan ang lahat nang lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko, kulang na lang singsing, para ng wedding proposal.
"Please Chari, be my date sa freshmen party." He pleaded.
Hindi ko inaasahan na aayain ako ni Yvo na maging date at lumuhod pa. Hindi ko alam kung paano sasabihin na, ayaw ko, without him getting hurt nagvi-video pa naman si Kit.
Si Zac kasi ang gusto ko sana gumawa niyan. In fact, I'll ask him kung pwede, ako na lang date niya. Kukuha pa ako ng lakas ng loob kaya bukas na lang. I will initiate dahil siya talaga ang gusto ko. Kung meron na siyang ibang ka-date, then I don't mind being alone in the party. If I don't do it now I'll regret it for the rest of my life.
Kaso, paano ko tatanggihan si Yvo sa ganitong eksena? Kasusuklaman ako ng mga friends ko if I'll say 'no'. At nakaka awa naman si Yvo if I will reject him.
[ Zackie! Nandyan ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap ni Carl. Anong ginagawa mo d'yan?]
Natigilan kami nang narinig naming isinigaw iyon ni Camilla mula sa labas.
"My gosh, Zachary's here!" Sabi ni Janna at lumabas ako ng dance room para tignan kung andyan nga siya at nagsunuran sila.
Pag labas ko, malayo na si Zac at sinusundan siya ni Camilla. Nakita kong may hinagis si Zac sa trash bin, ngunit hindi iyon pumasok dahil maliit lang ang b****a ng basurahan at basta-basta na lang niya iyon hinagis. He seems so upset.
Nakita kong pinulot ni Camilla yung parang papel na mukhang envelope ata yon na tinapon ni Zac kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Hi Camz!" I said to her with a pleasant smile on my face.
"Hi." She simply replied.
Napansin niyang interested ako sa hawak niyang envelope.
"Is it yours?" Tanong niya sa akin.
" Ah no! Ano kasi... " Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.
" Ow ok. You want to see? " She asked teasingly.
"May I?"
She opened the envelope and we read what's inside of it.
[ Will you be my date? ] It was Zac's beautiful penmanship. Siya mismo ang nag sulat nito.
Oh my gosh!
We're all surprised, pati na rin ang mga friends ko. Nabasa rin pala nila. We all forgot about Yvo's invitation.
Buti na lang at ganito ang nangyari at least naka iwas ako sa pressure and I don't have to embarrass Yvo in front of my friends.
~~~~~
"Sa'yo ba sana ibibigay ni Zackie yung invitation na yan?"
Tanong ni Camilla sa akin nang kami na lang dalawa ang magkasama sa parking lot. She offered me a ride.
Tatanggi na sana ako dahil si Yvo ang maghahatid sa akin pauwi pero it's all about Zac; I want to clear things out. Chance ko na rin mapalapit sa mga best friends niya.
"I don't know. I hope so." Sagot ko sa tanong niya kanina kung para sa akin ba yung tinapong invitation ni Zac.
"Malayo pa kasi nakita ko na si Zackie na nakatayo sa dance room, he's sneaking around. Nandun ka ba?"
" Ow ahm... yes."
Ayaw ko mag assume, pero para sa akin ba talaga yung invitation na iyon? Wala naman kasing nakalagay na pangalan ko.
"Confirmed. It's supposed to be for you. Kaso I wonder what made Zac so pissed off, for him to back out."
"Siguro dahil nakita niya si Yvo na inaaya akong maging date? I really don't know. I don't want to assume. Ayoko ma-disappoint."
"Oh alright, that makes sense. Knowing Zachary, he put so much effort to ask a girl na first time lang niya sana gagawin. He even took time to hand write neatly yung 'Will you be my date?' Aw! That's so low-key sweet."
I'm so flattered pero nalungkot din agad.
"Cheer up, Chari. Yaan mo, he's just a bit jealous. Or maybe he really is so jealous. Pero he will take you back. Just give him time."
Camilla said with a wink.
That's so sweet. Pero aasa pa ba ako?