"Hoy Alexa!" rinig kong tawag saakin ni Cassie,si Cassie ay isa kong childhood bestfriend magkaibigan na talaga kami since elementary. Siya na ang tinuturi kong kapati, tutal hindi naman kapatid ang turing saakin ni ate Maxine.
"Oh bakit ba?,pwede mo naman akong lapitan,pa sigaw sigaw ka pa jan akala mo saki bingi?"inis kong sabi sakanya, dahil para akong mabibingi sa kaniya dahil sa pagkaka sigaw niya saakin. Narinig ko naman siyang tumawa “ano kaba Alexa masyado ka namang high blood eii, kay aga aga ang init agad ng ulo mo, ano bang problema?"
Pang iinis niya pa sa akin na may halong pag tatanong "sinong hindi h-high bloodin nito te tingnan mo naman ang activity natin sa math akala mo talaga araw araw nag tuturo ei kung maka bigay ng activity“ patianod kong sambit sa kaniya, totoo naman eh.
"Ano kaba para yan lang nahihirapan ka pa napaka reklamador mo talaga kahit kailan" anas niya "nasasabi mo lang yan dahil gets mo ang lesson, tsaka kahit hindi ka makining sa lesson kayang kaya mo paring sagutan diba"reklamo ko sakanya
"Alam mo Alexa kesa mag paka stress ka jan sa math nayan pumunta nalang tayo sa cafeteria para naman mahimasmasan yang utak mo"pang aaya nya
"Mamaya nalang Cass pag tapos na ako dito" pag tanggi ko "Hay, libre ko-" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya "tara na te bagal mo naman jan" at na una na akong mag lakad sakanya "JAN KA MAGALING ALEXA!!!!"
"Hoy Alexa anong kukunin mong strand kapag naka graduate na tayo"paninimula niya"ewan ko nga ei pag iisapan ko pa, ikaw anong kukunin mong strand?"
pa balik kong tanong sakanya "siguro mag S-stem ako yun kasi ang gusto nila mommy and daddy ei kaya wala akong magagawa"
"baka nga hindi na ako mag-aaral next year,baka mag t-trabaho nalang ako"
"huh? bakit naman sayang naman yung chance, ei sa math ka lang naman nahihirapan diba pero sa ibang subject magaling ka naman"
"ei paano nga wala nang mag papaaral sakin,alam ko din naman na hindi ako pag-aaralin ni mama alam mo naman si ate Maxine lagi ang priority nun" nakatungo kong sambit.
"hay,grabe naman kasi talaga yang mama mo napaka sama ng ugali kaya nag mana sakanya yang demonya mong ate,mali na nga ang ginagawa niya sayo kinukunsinte pa"
"Hayaan nalang natin sila,gawin nalang nila kung akong gusto nila,hindi naman natin sila mapipigilan ei"
"kaya nga ei,by the way pwede ka namang mag apply ng scholarship dito ah basta wag lang bababa ang grades mo dapat maintain lang ang grades mo"si Cass
"mag t-try ako mag apply."
Hindi nalang namin namalayan na nandito na kami sa cafeteria sa loob ng school namin dahil sa kadaldalan ni Cassie,sobrang daldal talaga kasi nun ei hindi mo na talaga mapigilan ang bibig nun kapag nakapag salita na
"anong gusto mong bilhin Alex wag kana mahiya sabihin mo nalang jan sa tindera ako naman mag babayad"
"wala naman akong sinabe na nahihiya ako ei"sabi ko sabay irap ng pabiro sa kaniya
"yan ganyan ka sakin,jan ka magaling" hindi ko nalang siya pinansin at bumili nalang.Pagka tapos namin mamili ng kakainin namin ay nag hanap na kami ng pwesto namin.
"Hey Alexa dito ka nalang umupo samin oh may bakante pa!"
"Alexa tabihan mo na ako dito oh!"
"Alexa, crush na crush kita!"
"Alexa pwede manligaw!"
Iyan lang ang aking narinig dahil sabay sabay silang mag sigawan ng mag lakad ako para mag hanap ng bakanteng upuan.
"Hala girl ang ganda mo talaga halos lahat ng boys dito sa cafeteria bumigay sayo" si Cassie, tangina kung sila lang ang lalaking mag hahabol sakin, tangina hardpass agad, puro mukha lang yan ei wala namang utak, anong e papakain sakin niyan, mukha?.
Hindi naman talaga maipagkakaila na madaming magka gusto sakin dito sa paaralan dahil narin sa halatang may lahi ako tyaka medyo kilala ako dito sa school dahil sa madami akong sinasalihang mga event dito sa school.
Cassie's POV
Hindi na ako nagulat ng madaming nag sigawan na lalaki dito sa cafeteria ng maglakad kami para mag hanap ng mauupuan,alam ko na rin naman kung bakit nag sigawan lahat ang mga lalaki dito sa cafeteria.
Syempre dahil dito sa maganda kong kasama si Alexa, maganda naman talaga si Alexa,kaso nga lang mainit ang dugo ng Velvet Girls sakanya dahil daw naagaw daw ni Alexa ang atensyon na para daw kuno sakanila.
Ang Velvet Girls ay yung grupo ng mga mean girls dito sa school,akala mo nanaman talaga ang tatapang mga takot naman ma-guidance pwe!
Nang maka hanap kami ng mauupuan ni Alexa ay umupo na rin naman agad kami, alangan namang tumayo lang kami eme ka girl,ng maka upo kami ay nag simula na rin kaming kumain.
Ang inorder ko ay isang cheesy burger at spag samatalang kay Alexa naman ay spag with Chicken and Fries,yun lang naman.
"Alexa ano na nga palang balita sa nanay at kapatid mo sinasaktan ka parin ba ng nanay mong may sapak?" paninimula ko
" ano namang bago lagi naman akong pinapagalitan nun ng walang dahilan at sinasaktan din ako ng walang dahialan" pag k-kwento niya,
naawa na talaga ako kay Alexa dahil simula nung pagka bata namin ay sinasaktan na talaga siya ng nanaya niya isama mo pa yung nakakairita ninang ate "ei paano naman yung ate mong bruha?"tanong ko muli sakanya.
"hay ganon parin naman ang trato niya sakin parang katulong parin,ano bang inaasahan mong bago ei simula namang pagka bata natin ganon na talaga yun" agad din naman namin tinapos ang pagkain namin ng marinig namin ang pag tunog ng bell hudyat naman na tapos na ang break time namin,agad din naman kaming bumalik sa classroom namin.
Alexa's POV
Para kaming mga basang sisiw dito sa may waiting shead dito malapit sa may mall na pupuntahan namin"ano ba namang ulan to kung kelan malapit na tayo sa mall tyaka pa umulan ng malakas,tinayming talaga na wala tayong dalang payong arghh! nakakainis" bulalas ni Cassie " ano ka ba malakas na nga ang ulan ganyan ka pa chill ka lang malapit na rin tayo"ako
"yun na nga ei malapit na tayo tapos umulan pa,edi tingnan mo para tayong basang sisiw na ito"
"hayy bahala ka na nga jan Cassie ang ingay mo" inis akong tumakbo papunta ng mall,tatawid na lang rin naman ei tapos dun ka na sa mall,hindi na rin naman malakas ang ulan katulad kanina.
"Alexa! hintayin mo ko!" si Cassie hindi ko na siya hinintay at pumasok na sa mall,kahit na nasa loob na ako ng mall ay nag tatatakbo parin ako " Hoy Alexa tumigil ka nga nakakahiya ka ang daming tao oh!" si Cassie, hindi ba niya alam na mas nakakahiya ang ginagawa niyang pag sigaw,tumigil din naman agad ako ng nakaramdam ako ng pagod.
"HAHAHA ambagal mo naman palang tumakbo Cass bawal ka sa sports ng running" pang aasar ko pa sakanya " alam mo nakakahiya ka talaga kasama sa ganito may pa takbo takbo ka pa"
sabay kurot pa sa tagiliran ko "anong ako ang nakakahiya ikaw nga ang mas nakakahiya dahil sumigaw ka ba naman sa mall nag tinginan kaya sayo ang mga tao alam mo ba yun" sabay tawa.
Tumigil na rin naman kami sa pag kukulitan, at nag libot na kami sa loob ng mall,nag simula nanaman kaming mag asaran at magkulitan dahil sa pinag gagawa namin kanina "nakakahiya naman talaga yung ginawa mong pag takbo dito sa loob ng mall para kang bata na nakawala sa kuna ei HAHAHA"
pang aasar niya pa sakin "mas nakakahiya yung sumigaw sa loob ng mall, Hindi mo ba ramdam yung mga tingin sayo kanina ng mga tao te HAHAHAA ta's pinag bubulungan ka pa ng mga tao kanina HAHA-" hindi ko na naituloy ang pag tawa ko ng bigla akong nabunggo sa isang matigas na bagay dahil sa pag kakalakas ng pag bunggo ko dun ay napa upo ako sa sahig.
"Ahh aray naman ang sakit ha" sambit ko habang may ngiwing naka pinta saaking mukha.
"ano ba Cass hindi mo ba ako tutulongan para kang bato jan na tumigas talaga"parang ewan to si Cassie na hindi maka galaw,
ei hindi niya ako tinulungan edi ako nalang tumulong sa sarili ko.Nang tingnan ko kung ano at sino ang nakabangga sakin ay napatigil din ako para rin akong naging bato na ewan dito dahil sa nakita,
putcha sobrang gwapo ate kiz sobrang tangkad pa hanggang dib dib niya lang ako hindi ko maialis ang tingin ko sa mga mata niya na kulay charcoal gray maputi din siya ate ko tyaka bagay na bagay din sakanya yung suot niya na texudo "Why are you looking at me"tanong niya sakin at may pa taas taas pa ng kilay.
"get out of my way your wasting my time" masungit niyang saad "sir Fionne you're 5 minutes late to your appointment on Mr.Cuangco"
rinig kong sambit ng kasama niyang babae sa tabi niya,siguro secretary niya madami pa siyang kasamang mga lalaki siguro mga sa lima yun pero dun talaga na baling ang paningin ko sa isang lalaki na kasama nung tinatawag nilang sir Fionne na masungit,sana all may secretary
"get out of my way woman" tyaka lang ako bumalik sa ulirat ng mag salita ito " A-ay s-sorry po hehe" tyaka ako umalis sa harap niya "Tsss" rinig ko paang asik niya,tyka siya ng lakad papalayo tiningnan ko pa siya habang papalayo,nang hindi ko na makita ang kanyang bulto ay ibinaling ko ang tingin ko kay Cassie na naka nganga parin
" Hoy Cassie ano maya maya lang papasukan na nag langay yang bibig mo" para siyang timang "H-Huh?"si Cassie"Huh Harorot ,tara na nga"
nag libot libot lang naman kami dito sa mall,nang maisipan kong tumingin saaking wrist watch,nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong alas 8:00 na pala ng gabi,
"Oh my God Cass tara na yari na talaga ako nita kay mama 8:00 na oh" sabi ko sabay hatak sakanya palabas ng mall,hindi na rin naman umuulan, hindi na kami sumakay ng jeep or anything else jan walking distance lang naman yung mall at yung subdivison kung saan kami naka tira,
habang nag lalakad ay hindi ko mapigilang nakaramdam ng kaba dahil alam ko nanaman na papagalitan ako ni mama hindi lang paninirmon ang matatanggap ko kundi panakit din
Nang makarating kami sa subdivision ay nag hiwalay na rin kami ng daan ni Cassie parehas lang naman kami ng subdivision pero iba ang dadaanan namin,
nang nasa tapat na ako ng bahay namin ay ramdam ko ang pag bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba ng maka pasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko kaagad si mama at si ate pagka pasok ko palang sa pinto ng bahay "Oh ano Alexa nakaisip ka pa umuwi?! sana hindi ka nalang umuwi hindi ka naman namin kailangan dito sa bahay pabigat ka lang naman dito sa pamamahay nato Huh! anong oras na ah uwi ba to ng matinong babae huh?"
sambit ni mama at bigla niyang hinila ang buhok ko "M-ma m-masakit po tama na po ma h-hindi ko na po uulitin" naiitak kong sambit " Hay nako ma nakipag kita lang yan sa boyfriend niyan kaya anong oras na naka uwi,malay ba natin ma ma hindi na pala virgin yang anak mo na yan" pangungunsinti oa ni ate
"Ano Alexa ano nanamang kalandian ang pinag gagawa mo Alexa ha?!!" si mama "h-hindi po totoo yun ma h-hindi ko po yun gagawin ma b-bitawan niyo na po ako ma nasasaktan po ako hindi naman po totoo yung sinasabi ni ate" pa utal utal kong sambit
"gagawin mo pang sinungaling yang ate mo huh Alexa malay ba namin na totoo yang sinasabi ng ate mo" si mama "h-hindi p-po ako n-nag sinungaling ma h-hindi po a-ako malandi" ako "malaman ko lang na nakikipag landian ka jan Alexa hindi lang yan ang gagawin ko sayo tandaan mo yan!"
nakikita ko pa ang pagpipigil ng tawa ni ate Maxine,tuwang tuwa talaga siya na makita ako sa ganitong kundisyon.
pagtapos akong pagalitan at saktan ni mama ay pumunta nalang ako sa kwarto ko iniisip ko kung ano ba ang nagawa kong mali kila mama para tratohin nila ako ng ganito,simula palang sa pagkabata ko kung ei trato nila ako parang hindi pamilya.