Gulong-Gulo

1597 Words
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang lahat ng ito, Crizaa? Isa pa, bakit bigla kang nawala ano'ng nangyari." Naging sunod-sunod ang tanong ko na 'yon sa kaniya. PAgkatapos niyang isiwalat sa akin ang isang kwento na medyo hirap akong intindihin ay ako naman ang bumuwelta sa kaniya. Hindi ko kaso maisip kung ano ang sense ng pagkikitang ito ngayon gayong napakarami ng taon ang nasayang, huling-huli na ako sa kwento dala niya. "Maliban sa gusto kong bumawi sa pang-iiwan ko noon sa 'yo ay na-g-guilty din ako na inilihim ako sa 'yo ang totoo. At nang nabalitaan ko kay Mrs. Valmonte na nasa school ay agad akong humingi ng permiso sa kaniya na isama ako rito ngayon... Dahil gusto kong magpaliwanag." Malaki rin ang pinagbago sa hitsura ni Crizaa, mas lalo itong gumanda kahit na simpleng make-up lang ang nakalapat sa kaniyang mukha. Nagkalaman siya ng kaunti't mas bumakat ang pagging sexy nito. Nakatitig lang ako sa kaniya. Ngunit ang pagkilatis ko sa kaniya ay natigil nang mapansin ang tila bilog na peklat sa may wrist niya, hindi lang isa ngunit may tatlong bilog na kulay itim sa kamay niya. Hindi 'yon tattoo, sigurado ako. "So, tha's why you're telling me na alam mo na may pagtingin si Russell sa akin, way back then? And you also knew na nung gabi na gusto niyang makipagkita sa akin ay magtatapat siya ng nararamdama niya? Tama ba ko?" I take on the glass of water and sipped. Gusto kong kumalma dahil medyo weird sa akin ang usapan namin. "Oo, gano'n nga 'yon Lucy." I smirked. "Sorry, pero mukhang maling kwento ang na-i-kwento mo sa akin. Hindi kami nagkita ni Russell n'ng gabing 'yon. Nagkaroon ako ng importanteng lakad, at do'n nagtapos 'yon dahil kinabukasan agad ay ni tsansa na magkasalubong kami sa halway ay hindi na nangyari pa." Tama, matapos kong hindi makasipot ng gabing 'yon ay hindi na rin nabuo pa ang buong pagpapantasya ko kay Russell. Pero bumalik pa rin ako no'n sa pagiging fangirl niya sa Campus hanggang sa nagsawa na lang din ako dahil naging rude ang pakikituungo niya sa akin. I just accepted it then, dahil alam ko naman na ako ang may kasalanan. Nanghinayang ako, oo, kasi nagkaroon din ako ng kaunting pag-asa lalo nang kausapin niya ako before the incident. At mas lalong na-pursue ko ang sarili na lumayo na lang nang malaman kong nagkaroon na ng relasyon ang kapatid ko sa kaniya makalipas ang tatlong buwan. Actually, nagtampo ako kay Lorraine pero nang makita ko kung gaano siya kasaya sa piling nito ay nag-move on ako sa nararamdaman para kay Russell. I love my sister more than anyone else. "Alam ko. Nagpaalam ka sa akin ng gabing 'yon, umuwi ka habang ako ay naiwan sa School... Kaya alam ko rin kung ano ang naging dahilan ni Russell sa paglayo sa 'yo kinabukasan." Natigalgal ako sa sagot ni CrIzaa. Alam niya ang rason? Paano? Bakit? "What do you mean." Kinuha ni Crizaa ang palad ko't pinagdaop iyon sa kaniya. "Dati, bigla akong nawala hindi dahil gusto ko 'yon. Kailangan ko kasing gawin 'yon para maka-survive ako. I'm sorry na dahil sa pagkaduwag ko nasira ang communication natin." Nakatitig lang din ako sa kaniya. Medyo magulo na ang mga sinasabi niya. "Can you just point it out?" Tumango-tango si Crizaa sa akin, pinakawalan niya in ang isang mapaklang ngiti sa akin. "Ang Kambal mo ang may pakana ng lahat, Lucy. " "Ano?" Kunot ang noo na tanong ko rito. "No'ng gabing 'yon, pinauwi ka niya at siya ang humarap kay Russell. Gumawa siya ng eksena na naging dahilan upang masira ang image mo kay Russell. Naghire siya ng lalaki na magpanggap na makipag-make out sa kaniya, at nakita 'yon ni Russell. He was frustrated that night, pero nakita kong mas pinili niyang kumalma muna't humingi ng PAliwanag. Pero dahil sa hindi naman ikaw 'yon ay talagang nagbago ang tingin niya sa 'yo--" Pinutol ko ang susundo pa na sasabihin ni Crizaa, sasabog na nga ata ang utak ko sa mga lumalabas sa bibig nto. "Wait, what? May kinalaman si Lorraine sa nangyari... I mean, kung bakit naging mailap na si Russell noon?" Tumango ulit siya. "Alam kong mahihirapan akong mapaniwala ka sa mga sinasabi ko, pero 'yon ang totoo, Lucy. 'Yong napi-picture out mo tungkol sa kapatid mo ay halos kabaliktaran lahat. Manipulative siya, lahat gagawin niya para sa sarili niiyang kapakanan." Bahagyang uminit ang ulo ko sa sinabi niyang 'yon, she didn't even personally know my sister para mang-akusa ng gano'n. "Alam mo Crizaa, it's nice meeting you again. I'm happy, promise. Pero hindi ko na ata kayang makinig sa 'yo, why do I feel that you're dragging my sister down? SInisiraan mo na siya, Crizaa." Ngayong umiling-iling naman siya, lumungkot ang ekspresyon sa mukha nito sa naging pahayag ko. 'I'm sorry if that's what you feel, I don't mean anything. Ang gusto ko lang naman talaga ay malaman mo ang katotoohanan." "Okay, I'm leaving. Sorry." Tumayo na ko't nagbayad hindi na hinintay pa na sumagot ito. Alam kong hindi perfect si LOrraine, nagkakamali, nagkamali siya even before when we were little. But I don't think na aabot 'yon sa point na pati ako ay sisiraan niya sa ibang tao. Napapara na ako ng taxi no'n pabalik sa City ng muli ay marinig ko ang boses ni Crizaa, lumingon ako pero muli pa ring ibinalik ang tingin sa kalsada. "Ano pa bang kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya. "Can you call me? I always have a free time for a friend. Naguguluhan ka sa ngayon, but sooner or later ay tiyak na malalaman mo mismo ang totoo, lalo na kapag nabasa mo ang sulat ni Russell na dapat ay para sa 'yo naman talaga.," anito. "Wala na 'kong pakialam sa sulat na 'yon ngayon, may magbabago pa ba kahit mabasa ko pa 'yon, huh? Maraming taon na ang lumpisa, mahigit isang dekada na. Si LOrraine na ang nag-ma-may-ari kay Russell." HIndi ko na rin napigilan ang sarili, hindi ko na dapat pang sinabi 'yon, pero bakit nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko ngayon? "Pero bakit nagpapanggap ka ngayon bilang siya? Bakit ka pumayag na maging si Loraine?" Napaatras ako kay Crizaa, hindi ko inaasahan mula sa kaniya 'yon. P-paano niyang nalaman ang sikreto namin ni Lorraine. "Ano'ng sinasabi mo?" "Huwag ka nang magsinugaling pa Lucy, alam ko ang plano niyo ni Lorraine. Nagtataka ka kung bakit? Pinuntahan ako ng kapatid mo bago siya umalis at pinaalam sa akin ang ginawa niyo." Doon ako mas lalong naguluhan, bakit naman gagawin ni Lorraine 'yon, confidential ang plano'ng 'yon. "Isa lang naman ang dahil Lucy, ipinalala niya sa akin ang tungkol sa itinatago kong sikreto niya. PInagbantaan niya ako na kapag nakipagkita ako sa 'yo ay sisiguraduhin niyang mawawala ako ng totoo." "Oh my God! You're not serious, right?" "Mukha ba 'kong nagsisinungaling sa 'yo Lucy? Nakataya na ang buhay ko ngayon, pero mas ginusto kong malaman mo ang katotohanan. Don't trust your sister, kakambal mo siya pero hindi mo siya gano'n kakilala Lucy. She can turn the tables." Mas lalo pa atang sumakit ang ulo ko sa naging pag-uusap namin ni Crizaa, na hanggang sa pagbaba sa taxi ay dala-dala ko ang stress nadulot niyon. Napabuntong-hininga na lang ako. Pinagdarasal ko na lang na sana'y magig maayos na lang ang lahat, lalo na sa mind state ko. "Babe? Where have you been?" NAgulantang ako sa boses na 'yon, hindi ko na namalayan ang pagbukas ng Elevator door, at naroon si Russell nakatayo sa harapan ko. Mabilis ako nitong hinila palabas at saka niyakap. "It's been a whole, what happened?" Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong niya'y isang mahigpit na yakap naman ngayon ang iginawad niya sa akin. "D@mn, akala ko'y masisiraan na ako ng bait sa pag-iisip sa 'yo. I thought you run away." Napakurap-kurap ako, nakaalalay ang aking pisngi sa may balikat ni Russell, pakiramdam ko'y nasa safe na estado ako ng buhay ko ngayon. Ngunit nanaig pa rin sa kaisipan ko na ang mga sinasabi at kilos niya ay hindi naman dapat para sa akin, kundi para sa kakambal ko. "I'm sorry kung hindi ako nakatawag o nakasagot sa calls mo. But don't worry, I'm okay. Kay Maris ako nag stay after the girls night, then kinaumagahan ay naglakad-lakad lang ako. I just had some fresh air, and I'm not running away." Natatawa kong sabi sa kaniya. "But still you should atleast inform me, puwede naman kitang samahan. Please, uwag mo nang ulit gagawin 'yon. I want to get in touch to you all the time. Hmm?" Bakit ba hindi kami nagkaroon ng maayos na pagkakataon ni Russell? Patay na Patay ako sa kaniya noong College kami, at sa totoo lang ay siya talaga ang dream man ko. Pero bakit kailangang humantong sa point na mawala yung kaunting chance na mayroon noon? Dahil nga ba talaga sa kapatid ko? Did she really do that to me? Hindi ba niya naramdaman na may pagtingin ako noon kay Russell, how can she betray me like this? "Babe, are you really okay?" Hawak niya ang magkabilang pisngi ko't pagkatapos ay sinalat naman ang aking noo. TUmango ako with matching pag-smile pa. "Hmmm. Nagugutom na ako." "See. You're not taking care of yourself. Come on, what do you want for dinner?" Then he holds my hand, gusto ko sanang bawiin 'yon ngunit nakakadarang ang init ng palad niya. "Kahit ano." Iginigiya na ako no'n ni Russell papasok sa unit namin ng biglang mag ring ang phone ko. It was an unregistered number.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD