CHAPTER 11- CHRISTIAN CARTER

1270 Words
CHRISTIAN POV Hindi ko alam na sila parin pala ni Carol, hindi ko alam na naka move on na pala ang kapatid ko. Ang akala ko kasi ay si Diane parin ang mahal nya magpahanggang ngayon. OO., nung nasa America kami ay agad na sumunod si Carol at kinukulit kulit nya si Carlo. At nakikita ko naman na ayaw ng kapatid ko kay Carol, na pinagtyatyagaan nya lang si Carol dahil sya ang gusto ng mga magulang namin para sa kanya. Kaya ko hinanap si Diane. Dahil alam ko at akala ko magiging masaya sya kay Diane. Nagkamali ako. Kahapon sasabihin ko na sana kay Carlo ang magandang balita pero naabutan kong may milagrong ginagawa sila ni Carol sa opisina nya pa mismo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Diane ang totoo, kasalanan ko dahil pinaasa ko sya. Ginulo ko ang buhay nya, ginulo ko ang isipan at puso nya. Nakarating na kami sa beach resort namin kung saan ko dinala si Diane, tahimik parin sya, “follow me” seryosong pagkakasabi ko sa kanya Bumaba na ako ng sasakyan at naglakad na palayo, maya mayay naramdaman kong sumusunod na sa akin si Diane. Dumiretso kami sa resting area dito sa resort kung saan pwede ka makapagpahinga, umupo. Maganda ang view dito, tahimik, payapa at mahangin kaya siguradong makakapag unwind ka dito. Dagsaan dito ang turista lalo na kung may mga special occasion. “bakit mo ako dinala dito?” napatingin ako kay Diane nang magsalita sya Tahimik akong napabuntong hininga “Diane/Diane” Napalingon kami ni Diane ng marinig namin ang boses ni Carlo sa di kalayuan. Sumunod pala si Carlo sa amin, hingal na hingal pa sya. Kitang kita ko ang ngisi sa kanyang mukha nang makalapit sya sa amin “sya na ba ngayon ang pet toy mo ha kuya?” mapang asar nyang sabi Agad naman syang nakatanggap ng isang malutong na sampal galing kay Diane “Ah hindi ba?” ngising ngising sabi naman ni Carlo habang hawak nya parin ang mukha nyang nasampal ni Diane Papaliit palit ang tingin sa amin ni Diane si Carlo “O sya ba ang sinasabi mong surprise mo para sa akin?”tanong nya pa ulet Bago pa muling makapagsalita si Carlo ay hinila ko na sya papalayo “CARLO ANO BA!” matigas kong sigaw sa kanya  May ngisi parin sa kanyang mukha “BAKIT TAMA AKO DIBA!?” matigas at sigaw nyang sabi Napabuntong hininga ako. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa ako nakabulagta dito sa sahig. “Hindi ko sya pet toy Carlo, kung sabihin kong girlfriend ko sya?” nakangisi kong sabi sa kanya  Mas lalong nanlisik ang tingin nya sa akin. Malayo sa amin si Diane at nakatingin lang sya sa amin. “Ano bang pakialam mo? Eh may girlfriend ka na diba?” sabi ko ulet sa kanya bago pa sya makapag salita Sya naman ngayon ang ngumisi “Bakit sya pa KUYA hah!? Gusto mo din ba syang matikman dahil lang sa kwento ko sayo noon hah?!” sigaw at galit nyang bigkas “Namumulot ka na rin pala ng mga basurang itinapon ko na!” madiin ang pagkakasabi nya na syang dahilan ng pagkakasuntok ko sa kanya *PAK* Hindi ko nagustuhan ang pananalita ni Carlo kay Diane. Sobrang laki ng pagkakamali kong inakala kong may pag asa pa sila ni Diane. Akala ko na mahal nya pa si Diane. Basura nalang pala ang tingin nya kay Diane! “D-Diane!” tawag ko kay Diane Nakalapit na pala sya sa amin ni Carlo, may mga luha sa mukha nya. Halatang narinig nya ang sinabi ni Carlo, nang magtama ang mga mata namin ni Diane ay bigla syang tumakbo palayo “Diane” tawag ko pa sa kanya at hinabol sya Ang bilis ng pagtakbo nya, pero dahil mas mahaba ang binti ko sa kanya ay naabutan ko sya at naharangan ko ang dinadaanan nya. “Diane please mag usap tayo” hinihingal kong sabi sa kanya Hinawakan ko ang braso nya. May mga luhang tumutulo parin sa mata nya, hindi sya makatingin sa akin. “Christian tama na! Alam ko na, hindi mo na kailangang ipamukha pa sa akin!” madiin nyang sabi habang nakaiwas ng tingin parin sa akin Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? “Diane what are you talking about? I don’t get what your saying” naguguluhan kong sabi sa kanya Pinilit kong paharapin sya sa akin, ang, tingnan nya ako pero matigas sya, kaya hindi ko na sya pinilit pa.  Nanggigigil ang katawan nya maging ang ekspresyon sa mukha nya “WAG KA NG MAG MAANGMAANGAN PWEDE BA!” nagulat ako dahil sa biglang pagtulak nya sa akin at sa pagsigaw nya “NAKA MOVE ON NA SI CARLO, NAKA MOVE ON NARIN AKO! KAYA TAMA NA ANG LARONG TO!” pinagpapalo nya ang dibdib ko Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa kagaguhan ko! Eto ang dinulot ko kay Diane, dahil sa maling akala ko. Ginulo ko ulet ang buhay nya. Alam kong nasasaktan sya Hinayaan ko syang paluin, suntukin ang dibdib ko. Iyak lang sya ng iyak habang pinaghahampas ang dibdib ko Naaawa ako kay Diane at nagagalit ako sa sarili ko. I WANT TO MAKE IT UP FOR HER I WANT TO REPAY HER FOR WHAT I JUST DID, FOR THE MISTAKES THAT IVE DONE. “Diane im not playing games with you” sabi ko ng maramdamang kumakalma na sya, muli hinawakan ko ang braso nya at pinatingin sya sa akin "Kung iniisip mo na ginusto ko tong mangyari nagkakamali ka, even mom didnt know about this and for sure kapag nalaman nya, she will do everything para hindi na kayo magkita ni Carlo ulit tulad ng ginawa nya dati" mejo kumakalma na sya pero rinig ko parin ang paghikbi nya "Kaya kung talagang mahal mo pa si Carlo let me help you" napatingin sya sa akin ng nagtatanong ang kanyang mga mata "Look kung wala na talagang nararamdaman sayo si Carlo hindi nya tayo susundan dito pero tingnan mo naman, galit na galit sya ng makitang magkasama tayong dalawa" paliwanag ko sa kanya "Noon palang nagdududa na ako sa relasyon nila ni Carol and i want to know the truth" "What truth?" tanong naman nya agad "Kung mahal ka pa ba ni Carlo? Kung pinapakisamahan  lang ni Carlo si Carol dahil gusto sya ng parents namin specially mom. At kung mahal ka pa ni Carlo i want to help you dahil alam ko namang mahal na mahal nyo ang isat isa at boto ako sa inyong dalawa katulad ng pagtulong ko sa inyo dati" Sumeryoso ang tingin nya sa akin "Bat mo to ginagawa Christian? Bakit ang bait mo sa akin?" dammit! I just sigh "because you don't deserve this Diane at paraan ko din to para humingi ng tawad sa ginawa sayo ni mom dati" napabuntong hininga ulet ako. Kahit na hindi ako ang gumawa nun kay Diane kundi si mom, kahit anong mangyari ay mama ko parin sya at gusto kong humingi ng tawad sa pananakit ni mom kay Diane. Nang malaman ko palang grabe ang pagkamuhi ko kay mom pero tulad nga ng sinabi ko kahit anong mangyari nanay ko parin yun "Noon wala akong nagawa pero ngayon pangako lahat ng kaya kong gawin ay gagawin ko para sa inyo ni Carlo. Tutulungan ko kayo" Pinagmasdan ako ni Diane ng mabuti. "Christian im here dahil may kontrata ako, may trabaho ako nothing more and nothing less" fuck that contact! excuse ko lang yan para magkabalikan silang dalawa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD