DIANE POV
6 na ng magising ako, agad ako napabangon at bumaba. Medyo natandaan ko na ang mga daanan dahil narin sa paliwanag ni Christian kanina.
“Diane gising kana pala” si Colbie ang nakita ko
At promise maiinis na ako dahil hindi mawala ang ngisi sa kanyang mukha
“Wala si Christian at wala din si Carlo, kaya ako muna ang magpapakilala sayo sa mga katulong at itour din sa bahay na ito” sabi nya
Agad naman nyang hinawakan ang braso ko at hinila
“Lola” nakarating kami sa kusina at nakita ko ang tatlong katulong
“Diane sya si Lola, sya ang tutulong sayo sa pag asikaso dito sa bahay habang hindi ka busy sa iba mong DAPAT gawin”
Sa tono palang ng pananlita ni Colbie alam kong may alam sya sa kung bakit talaga ako nandito.
Tsk!
Pinakilala nya pa sa akin ang dalawa na sina Maria at Rosa at pinakilala din ako sa kanila.
Pagkatapos ay hinila nya ulet ako
“pagkagabi wala ang mga maid dito, pagkatapos nilang magluto ng dinner ay aalis na sila kaya malaya tayong dalawa dahil for sure hindi uuwi sila Christian at Carlo” nakaakbay na sa akin si Colbie na pinippilit ko namang tanggalin
Nakarating kami sa may pool area
“Araw araw dapat malinis ang pool area lalo na kapag weekend dahil naliligo kami dito ng magkakasama atleast twice a week”
Kinabisado ko ang mga impormasyon na sinasabi sa akin ni Colbie ngayon
“Mostly kapag umaga wala kami dito, nasa kumpanya sila Carlo at Christian at ako nasa shop ko, hindi ko alam ang schedule ni Carlo at hihingin mo iyon kay Christian kung kailangan mong 24/7 na nakadikit sa kanya. Pagkagabi kadalasan ang uwi namin ay 9 or 10 kaya dapat may nakahanda ng dinner sa lamesa, allergic ako sa seafood at ayaw naman ni Christian ang maanghang at siguro naman alam mo na ang mga ayaw at gusto ni Carlo dahil naging magkasintahan kayo” paliwanag nya sa akin
Napabuntong hininga ako
Naeexcite ako na kinakabahan sa muling pagkikita namin ni Carlo.
“OKAY” biglang sigaw naman ni Colbie kaya nagulat ako
Naghubad din sya ng damit nya
“Come on babe lets swim”
Lumaki ang mata ko sa sinabi nya
“C-Colbie wag kang lumapit” tumatakbo ako at umiiwas sa paglapit nya sa akin
Ngayon naman naka plaster sa mukha nya ang maaliwalas nyang mga ngiti. Wala na iyong ngisi
“Come on Diane, don’t such a KJ!” naghahabulan kami dito sa pool area, Malaki at malawak kaya malaya kaming nakakatakbo
“GOTCHA” ngiting ngiti naman na sabi ni Colbie ng maabutan ako
“waaaaah! Colbie ibaba mo ako!” sigaw ko dahil bigla nya akong binuhat at tumalon sa pool
*SPLASH*
“walangya ka! Basa na tuloy ako!” pinagpapalo ko sya habang tumatawa naman sya at iniilagan ang pagpalo ko sa kanya
At hindi ko idedeny na gumaan ang loob ko, masarap kasama si Colbie na para bang hindi nangyari yung nasa baguio kami
Nagtatalsikan kami ng tubig sa isat isa, punong puno ng tawanan, naghahabulan hanggang sa mapagod.
Namalayan ko nalang na madilim na ang paligid
“Come on Diane lets go na baka magkasakit ka pa” nakangiting sabi ni Colbie
Umahon na nga kami, inalalayan nya pa ako
“Thank you” nakangiting sabi ko sa kanya
Ngumiti lang naman sya sa akin
“Bumaba ka agad, sabay tayong kakain” sabi nya pa bago pumasok sa kwarto nya na nasa left side lang ng kwarto ko
Naligo din naman ako agad at nagbihis.
Naabutan kong si Colbie sa baba na naghahain
“Ako na nyan” sabi ko at kukunin na sana ang pinggan pero agad naman nyang iniwas
“Ako na, Umupo ka na jan”
Nagpumilit pa ako pero matigas ang ulo nya. Sya na mismo ang nagpaupo sa akin sa upuan
“Sit and relax” napairap ako ng kumindat sya sa akin
Tatawa tawa naman syang naghain kaya pinanood ko nalang sya, pagkatapos ay kumain na nga kami
“Hindi ba talaga darating sila Christian at Carlo?” tanong ko kay Colbie bago kami magsimula kumain
“Ang kulit mo. Hindi nga, nagsabi sa akin si Christian kanina busy sya sa company at ganun din si Carlo” pairap na sabi sa akin ni Colbie
Inirapan ko nga din
“alam mo para kang babae, irap ka ng irap!” komento ko agad sa ginawa nya
Napatigil naman sya sa pagsubo at tumingin sa akin ng makahulugan
“Totoo nga ang kinwento sa akin ni Carlo noon, you’re an honest woman” sabi nya at biglang ngumiti
Susubo na sana ako pero biglang tumigil ang kamay ko. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano magsisimula
“Im not in the position to tell you the details but I know one thing for sure. He loves you so much until now” nakangiti nyang sabi pero nakita ko sa mga mata nya ang lungkot
“mahal ko din naman sya eh” mahina kong sabi
Nagkatinginan kaming dalawa
“Mahal mo pa ba sya hanggang ngayon?” seryosong tanong nya sa akin
Hindi ako makasagot
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko
Ilang minuto siguro kaming nasa ganun na posisyon, nakatingin lang ako sa kanya at ganun din sya sa akin na hinihintay ang sagot ko.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko
Hindi ko alam ang dapat na sagot
“Diane, Colbie is everything alright?” nagulat kami at naghiwalay ang tinginan namin ni Colbie ng marinig namin ang boses ni Christian
“Oh, Christian I thought hindi ka uuwi” tanong naman agad ni Colbie
Napaiwas ng tingin si Christian
“Dito ko nalang tatapusin ang mga paper work” sabi nya at kumuha ng pinggan sa kusina at Umupo na din sa upuan.
Nasa harapan ko ngayon sila Christian at Colbie na Magana kung kumain
“S-si C-Carlo?” tanong ko kay Christian
Napaiwas naman agad sya ng tingin sa akin
“h-hes b-busy” hindi makasagot ng diretso si Christian
“Dude okay ka lang? Nauutal ka” agad namang sabi ni Colbie
Napaubo naman agad si Christian, inabutan naman namin sya ng tubig
“Im going first” pagkainom nya ng tubig ay tumayo na sya at umalis
Nagkatinginan naman kami ni Colbie pagkatapos. Nakita kong napa shrug sya ng balikat
Pagkatapos naming kumain ay umakyat din naman agad si Colbie. Naghugas na ako pagkatapos. Sinigurado kong sarado ang mga pintuan at bintana.
Hinintay ko pa ng ilang oras si Carlo, baka kasi dumating sya ng hating gabi.
Pero 2 am na ng umaga ay wala parin sya
Laking dismaya ko dahil hindi nga umuwi si Carlo. Pero alam kong may mali, dahil nararamdaman ko. Hindi din makatingin ng diretso sa akin si Christian at makasagot ng maayos.
Sinabi nya kaya kay Carlo na nandito ako?
Kung sinabi man nya ano kayang naging reaksyon nya?
Bakit hindi sya umuwi?
Ang dami kong tanong na hindi masagot sagot