DIANE POV
Ako si Diane Sanchez. Maikli ang pangalan ko. Boring ang buhay ko, pero maganda ako.
Hindi ako mayaman, at nagsosolo nalang ako sa life.
Pinalayas ako ng mga magulang ko dahil sa kahihiyan na dala ko sa pamilya namin. Hindi nila kaya na umaaligid ang isang katulad ko sa buhay nila.
Sino ba naman ako?
Wala naman ako maipagmamalaki
Isa lang naman ako s*x addict
Iyon lang.
Two years lang ang natapos ko sa kolehiyo
At kurso ko ay ict.
4 years narin nang umalis ako sa amin.
Okay! Sya! Ayoko na magdrama. Kaya hindi ko na ikekwento ang pamilya ko!
*knock knock
May kumatok sa pinto
Kilala ko na kung sino iyon
“Bakla!” masaya naming sigaw sa isat isa
Pagkatapos ng mahigpit na yakap namin ay binatukan nya ako agad
“Gaga. Kapahon palang tayo nagkita eh!”
Natatawa nyang sabi
Ngumingiti nalang ako dahil alam ko naman kung bakit sya nandito. Para magbigay ng magandang balita.
“Dali na kasi. May raket na ba ulet?” tanong ko sa kanya na super atat
May inabot naman syang card sa akin. Agad ko tong kinuha at tiningnan
“Yan ang address na pupuntahan mo mamaya, ano game ka ba?”
Tiningnan ko ang address
“Ang layo naman” komento ko
“Malaki ang kikitain mo dyan bakla. Saka ako nang bahala kay Jr” napangiti ako sa sinabi ni Ynna
“Sige. Salamat ah”
Agad narin naman akong nag asikaso. Nagpaalam narin ako sa mga boss sa mga sideline job ko at mabuti at pumayag din sila kahit na ilang araw ako mawawala.
“Ano girl nasan kana?” kausap ko ngayon si Ynna sa cellphone dahil nakasakay na ako ng bus papuntang Baguio
Malayo ang Baguio sa Capiz kaya ilang araw pa bago ako makakauwi.
“Nakasakay na ako. Si Jr kamusta?” tanong ko agad sa kanya
“Maayos lang naman sya. Ganun parin walang pinagbago” napabuntong hininga ako at nalungkot
“Ganun ba, ikaw na ang bahala sa kanya ah” sabi ko
Nagusap pa kami ng ilang minuto. Si Ynna ang nagbibigay sa akin ng mga customer na dapat kong paligayahin.
Ito lang ang tanging paraan na alam ko para kumita ng Malaki at mabilis. Dahil din dito sa trabahong ito ay nakapagtapos ako ng pag aaral at may pang tustos kami pang araw araw at may naipapadala din ako sa pamilya ko sa cavite.
Bakit ko pa ba kasi aartehan kung akoy nasasarapan lang din naman. Kumikita pa ako!
Adik lang din naman ako dito kaya bakit hindi ko pa pagkakitaan?
Ayan ang motto ko sa buhay.