THREE

2153 Words
Ilang araw lang na ibunurol sila mommy ayoko narin kasi silang pahirapan pa. At isang linggo narin akong nagkukulong dito sa kwarto. Hindi ako lumalabas natatakot na nga sila Tita sakin. Baka suicidal na daw ako at sumunod sabi ko hindi na ako ganon. Sadyang may mga pangyayari lang na mahirap paring tanggapin ng buong buo. "Saffy your food is out here. Kunin mo nalang if nagugutom kana."-dinig kung sigaw ni Tita Ynes. Sya ang mommy ni Kuya Xavier. Sila Tita Tanya at sila nalang ang naiwan dito. Pati narin pala si Kuya Mart nakaleave daw kasi sila. Pero yung iba kung pinsan pati si Kuya Xavier umuwi muna ng Cebu at Bohol to check their company. Sila Tito Ben na asawa ni Tita Ynes ang sya munang nagaasikaso ng mga naiwan nila Mommy. "I will Tita. Thank you!"-pasasalamat kung sagot dito. Napabuntong hininga ako habang nakaupo sa gilid ng bintana ng kwarto ko. Kahit ayaw kung magsenti mapapasenti ka nalang pag ganito kadrama ang buhay mo. Hindi narin namin napagusapan yung may sayad na lumitaw nung burol ng parents ko. Stress kana may dadagdag pa ang bait talaga ni Lord sinasagad ka lagi. Pagkababa ko ay sakto namang dating nila Tito Winston kasunod si Kuya Mart at Kuya Xavier nakabalik na pala sya. Akala ko sila lang ngunit bumaba din doon si Atty. Hermino ang aming pamilya de kampanilya. "Good afternoon iha.. Its nice seeing you now."-bati nito ng makalapit sa akin. Agad silang iginiya ni Tita Tanya sa sala. Nagpahanda naman si Tita Ynes ng pagkain para sa bisita. Seryoso silang naupo doon kahit ang dalawa kung pinsan kaya naupo na din agad ako sa kaharap sila ng tingnan ako ni Tito Winston. "Mabuti naman iha at maayos kana."-panimula ni Atty. Hermino ng maupo ako sa harap nito. Tahimik lang ang mga taong kasama nagmamasid at nakikinig ng magumpisa ang abogadong magbasa. Habang ako ay abala sa pagmomolde ng cake na nasa harap ko. "At para sa pinakadahilan ng will na ito sa anak kung si Saffron-"-putol ni Atty.sa kanyang binabasa kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya ng tipid bago ibinalik ang tingin sa mga dokumentong hawak nya. "Ang kompanya at lahat ng ari-arian natin ay mapupunta sa pangalan mo. Ngunit kailangang maikasal ka sa loob ng tatlong buwan simula ngayong araw." "Wtf!! Anong kalokohan yan Atty.? Mom, Dad alam nyo ba ito? How could Tito make this kind of will?"-palatak ni Kuya Mart habang napapamura din sa tabi nya si Kuya Xavier. "Wow.. For the sake of this goddam wealth I need to marry someone? Pakisampal nga ako Atty.baka kasi nanaginip ako."-natatawa kung sabi dito. Habang ang dalawa kung pinsan ay palakad lakad habang inaawat ng kanilang mga magulang para makinig ulit. "Sorry for a very shocking news. Pero ito talaga ang nakasulat sa will nya. You need to get married with in three months. Yun ang gusto nya witness doon si Winston at Ynes." "Okay given kailangan kung magpakasal sabi sa papel na yan. Pero sino ang papakasalan ko at anong mangyayari oras na hindi ako magpakasal sa kanya?"-nagugulohan kung tanong dito. Parang biglang natauhan ang mga tao sa paligid ko nag bulong bulongan ay nawala at napunta agad sa abogado namin ang atensyon ng lahat. "You need to marry Mr. Zillion Volt Barramedez. At kapag hindi ka nakasal sa kanya lahag ng ari-arian mo ay mapupunta sa kanya. Pasensya na iha sinusunod ko lang ang utos ng iyong ama. Sa ibang detalye bahala na sila Winston ang magpaliwanag sayo. Magpapaalam na ako sana mapagisipan mo ito ng maigi."-saad nito bago tumayo at nagpaalam sa mga Tiyahin ko. Sila narin ang naghatid dito palabas. Ilang minuto akong nabingi at sinariwa ang napakalaki na namang balita ng buhay ko. Last week I was being abundant by my parents now their selling me to someone I don't know. "What the hell Dad? May alam ka ba dito? At anong kinalaman dito ni Barramedez? Paanong sya ang pakakasalan ni Saffy? Hindi kami makakapayag ang bata-bata nya pa at this time kasal agad ang iniisip nila."-dinig kung palatak ni Kuya Mart kaya napabuntong hininga nalang si Tito Wilson bago tumingin sakin. I'm shocked I cant absurd all the details Atty.Hermino said. "Patawad iha. Pero sadyang iyon ang nakapaloob sa lastwill ng iyong ama. Kung may mga tanong kapa or hindi maintidihan tawagan mo nalang ako. "-saad nito bago nagpaaalam sa amin.Hinatid lang sya nila Tita Ynes palabas hindi kuna nagawang tumayo sa kinauupoan ko. Ang tagal bago nagsink in sa akin ang balitang dala ni Atty. Hermino. Ikakasal na ako with in three months ni sa hinagap ko ay ikakasal agad ako. At sa taong hindi ko pa kilala at hindi ko mahal. "Hindi mo kailangang gawin yun Saffy. Baka naman may iba pang paraan your too young marry that brute."-maagap na sabi ni Kuya Xavier kaya napatingin ako dito. Iiling iling ito habang nakatayo at palakad lakad sa harap ko. Ganoon din ang ginagawa ni Kuya Mart pareho silang hindi mapakali sa aming mga nalaman. "Pero yun lang ang pagpipilian Xavier. Ang makasal si Saffron o ang ibigay natin dito ang lahat ng ari-arian ng pinsan mo. Kahit isang sentimo walang ititira sa kanya lahat, lahat ng pinaghirapan ng Tito nyo mapupunta sa wala."-singit ni Tito Winston kaya nabaling ang tingin namin sa kanya. "Bakit si Barramedez dad? Paano sya naging connected sa pamilya natin? He's my friend yes, pero hindi sya mapagkakatiwalaan."-sabat ni Kuya Mart. Pati sila ay nagugulohan at nahihirapan sa bagong problemang hinaharap ko. Tumabi sa akin si Tita Tanya at yumakap at laking pasalamat ko dahil doon. Nakakatulong itong ipaalala sa akin na hindi ako nagiisa sa labang ito. "Kilala nyo ba ang sinasabing mapapangasawa ko?"-untag ko sa kanila. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nila. Zillion Volt Barramedez or mas kilalang "Z or Volt". Pangalan palang mukhang hindi na matino. CEO ng Barramedez Enterprise meron din silang chain of Hotels and Resort. Pero ang mas madalas nya daw hawakan ay ang mga malls at resort na pag-aari nila. Meron din syang sarili nyang negosyo na sya mismo ang nagtayo in short mayaman na simula ng nasa sinapupunan pa lamang ito ng kanyang ina. Bestfriend sya ni Kuya Mart simula palang noong Elementary ay magkasama na sila. At sya ang tumayong benefactor ng kompanya namin noon. Noong halos lumubog kami sa dami ng utang dahil nalulugi na ito. Pamilya nya ang hiningian ng tulong nila Daddy noong una ay ayaw pumayag ng pamilya nito na tulungan kami. Ngunit nagbago iyon ng makialam ang matandaang Barramedez at ako ang hinging kapalit ng lahat. Pagod akong nahiga sa kwarto matapos ang mahabang kwento ni Tito Winston. Hindi kuna alam ang ibang detalye basta ang nasa isip ko lang ay ikakasal ako. Ikakasal sa taong ni minsan ay hindi ko nakilala, at kahit katiting ay wala akong nararamdaman. "Saffy.. may bisita ka sa baba."-sigaw ni Nana Beth ang yaya ko at mayordoma namin. Sya rin ang nagalaga noon kay mommy kaya pangalawang ina ko na talaga sya. "Sige po Nana.. Magaayos lang po ako."-sigaw ko bago pumasok ulit sa banyo at maligo. Parang nadrain lahat ng enerhiya ko sa araw na ito. Samantalang katanghaliang tapat palang naman pero parang ang dami dami ng nangyari ngayon. "Nakakaabala ba ako?"-isang maliit na braso ang yumakap sa akin galing sa likod ko. Pagharap kp dito bumungad sa akin ang isang nakangiti at nagaalalang mukha ng kaibigan ko. "Fhixie..."-ang tanging nausal ko matapos syang yakapin. At doon ako humagolhol sa balikat ng kaibigan ko. Yung iyak na ilang araw kung kinikimkim sa sarili ko kaya parang isang gripo na bumuhos ng makaharap ko sya. Siguro nga kailangan ko lang ng isang yakap. Yakap ng isang taong hindi ko kailangang ikwento o sabihin ang nararamdaman ko para maintindihan ako. Ilang oras akong umiyak ng umiyak sa harapan ni Fhixie. Ang tanging ginawa nya lang habang umiiyak ako ay punasan ang luha ko at painumin ako ng tubig. Nakakatawa man na para akong bata sa harap nya pero nagpapasalamat ako na naroon sya. Meron man akong pamilya pang nagaantay para lapitan ko pero sadyang iba ang taong parang naging kaugnay na ng buhay mo. "Nakakatawa ang itsura mo ngayon. Parang nagmovie marathon ka ng K-Drama sa laki ng eyebugs mo at maga ng mata mo."-tuwang tuwang sabi ni Fhixie habang naglalakad-lakad kami dito sa mall. Nauto nya kasi ako kanina matapos kung mahimasmasan pagkatapos umiyak. "Ang yabang mo noh! Pag ako gumanda ulit kakalimutan kung kilala kita."-irap ko dito at tinalikuran sya. Pero pagikot ko hindi ko akalaing may bata pala sa likod ko. "Waaahhhh.. M-mommy"-sigaw nung batang natumba. Agad ko itong nilapitan at tinulongang tumayo pero hindi parin sya tumigil kakaiyak. "Naku Sorry baby.. Hindi kita napansin saan ang masakit? Don't cry na please.."-pagmamakaawa ko dito pero mas lalo itong umiyak. Tinulungan narin ako ni Fhixie sa pagpapatahan dito pero sadyang unli ang iyak nya. "Oh my god! What are you doing to my baby? Sinaktan mo ba sya? Omg maybe you're a kidnapper."-galit na sigaw nung babaeng biglang lumapit samin. Pinalo nya ang kamay kung nakahawak sa bata yinakap ito. Tumahan naman ang bata pero humihikbi parin ito dala ata ng sobrang pagiyak. "Naku sorry po maam. Hindi ko po kasi napansin yun anak nyo nasagi ko po sya."-hingi ko ng paumanhin dito pero tinaasan lang ako ng kilay at tiningnan mula taas pababa. "Omg maybe you're a kidnapper talaga. I saw you making hila my son. Look at you hindi ka bagay dito this mall is exclusive for rich people only. Oh my god! Guarddd..."-naghihisterya nya sigaw. Habang dinuduro kaming dalawa ni Fhixie. Makasabi naman ng itsura normal naman ako ah nakashort at crop top naman ako nakkatsinelas nga lang. Pero kahit na havs naman yung slipper ko ah hindi naman ako mukhang kidnapper baka sya pa nga sa sobrang laki ng hikaw nya pwede ng bracelet akala mo hinihipa sa dami ng alahas. "Grabi naman po kayong magsalita. Nasagi lang po ng kaibigan ko yang anak nyo bigla po kasi syang tumakbo. Dapat nga po magpasalamat pa kayo kasi tinulungan namin kayo ei."-sabat agad ni Fhixie ng mapansin nyang gumagawa na ng eksena ang nanay ng bata. Pero sa halip na tumigil ito mas lalo lang itong nagalit sa amin. Inaawat narin sya ng mga guard na lumapit sa amin pero sadyang nagmamaldita sya dahil sa nangyari. "Pasensya na po talaga maam. Hindi naman po namin sinasadya at hindi po kami masamang tao. You can check our background just to prove that were innocent."-hingi ko ng paumanhin dito. Pero bago pa ako makalapit dito ay tinulak nya ako sa sobrang inis nya sakin. Sa gulat ko sa ginawa nya ay nawalan ako ng balanse kaya madali akong nabuwal ng tinalak nya ako. "Saffronn.. How dare you push her?"-sigaw ni Fhixie ng bumagsak ako dahil sa pagtulak sa akin nung babae. "What are you doing to my wife?"-asik ng isang baritonong boses mula sa likod ko. Tatayo sana ako pero dalawang malalaking braso ang bumuhat sa akin mula sa lapag. "Kilan kita makikita na hindi kita tutulongan? Try to fight for yourself wife."-bulong nito habang itinatayo ako. "How dare you push my wife? How the hell gave you a permission to push my wife?"-galit na baling nito sa babaeng biglang parang maamong tupa na hindi nagsasalita. Nakapaligid na dito ang mga lalaking diko alam kung saan galing. Yung lalaking nasa tabi ko ay seryosong nakatingin dito halos magdikit na ang kilay nito sa sobrang kunot. "Mr. Barramedez pasensya na po. Hindi na po makakalapit ulit ang mag-inag ito sa asawa nyo."-pagyuko nung isang lalaking nakakurbata sa katabi ko. Asawa? Ako ba yun? "Ah excuse me.. Its ok im fine though and its my fault anyway. At tsaka his not my hus-"-naputol na ang sasabihin ko ng bigla nya hablutin ang kamay ko at hilahin. Pero nakakailang hakbang palang kami ay huminto na sya at bumaling ulit sa likod namin. "Just do what you need to do Mr.Tuazon. Ayoko ng makita ang pagmumukha ng maginang yan dito. At ayokong nasasaktan ang asawa ko sa mga lugar na kami mismo ang nagmamay-ari. Let's go wife we have so many things to clear."-saad nito bago muli akong hinila. And just like that he started dragging me from where I was standing a while ago. Nalunok kuna ata ang dila ko kasi hindi na ako nakapagreklamo sa ginagawa nya sakin. "Teka nga bitaw.. Bitaw sabi ei!"-waksi ko sa kamay nya ng medyo wala masyadong tao sa pasilyong dinadaanan namin. "What? Are you hurt?"-baling nya sakin ng kumalas ang kamay ko at huminto sa pagsunod dito. "Stop that... I am not your wife in the first place stop caring and stop calling me wife." "From the day I first laid my eyes on you.. I mark you mine. I've marked you as my wife."-nakakaloko nitong ngiti bago kumindat at iniwan akong nakatutulala sa mga kabaliwan nyang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD