Chapter 2
.
Kahit ngawit na ngawit na si Nico sa pagsandig sa kanya ni Yna ay kanyang tinitiis, dahil natutuwa naman ang puso ni Nico, sa di niya rmaintindihan ay parang may lumukob na saya ang nararamdaman ng puso niya sa dalaga, at sa unang pagkakataon daw ay parang tumibok ang puso niya para sa babae, pero kailangan niyang paglabanan ang nararamdaman dahil hindi daw pwede, at lumipas ang mga minuto, nagising na si Yna, at ganun na lang ang gulat niya dahil noon lang niya napagtanto na nakasandig siya sa dibdib ni Nico at nakapayakap sa kanya si Nico, bumilis ang t***k ng puso ni Yna, tila may sayang naramdaman may kilig na naramdaman ang kanyang puso, sinuway niya ang sarili hindi daw niya dapat maramdaman iyon, dahil may nobyo siya, yoon ay si Poli, nagkunwari si Yna na siya ay tulog pa, kaya nananatili lang si Yna sa kanyang ayos, gusto niyang ipinatag ang isip at gusto niya din na ipanatag ang kalooban kay Nico dahil daw alam naman niya na kaya siya sumama kay Nico upang pagbayaran ang pagliligtas nito sa kanya doon sa dalawang holdaper na mapangit na ay amoy anghit pa..gusto ni Yna kung sisingilin na siya ni Nico ay ipagkakaloob niya ang p********e niya ng may kapanatagan, alam naman niya na iyon lang din ang gusto ni Nico, at sa isip niya wala ding pinagkaiba si Nico sa dalawang holdaper..alam ni Yna na nangangawit na si Nico dahil ipinapaling ng dahan dahan ni Nico sa kabilang panig ng dibdib ng binata ang ulo niya, ramdam ni Yna na may pag-iingat si Nico sa kanya dahil dahan dahan siyang inaayos sa pagkakasandig sa dibdib nito, upang huwag lang magambala ang pagtulog niya, nahiya siyang bigla sa sarili, ano daw bang ginagawa niya at mukhang nag-eenjoy pa siya sa mga bisig ni Nico, kaya nagkunwari siya na magigising na, unti unti siyang umayos ng pagkakaupo.
.
Nico : gising na pala ang prinsesa ko ah.
.
Nakaramdam naman ng kilig ang puso ni Yna nang tawagin siyang prinsesa ni Nico..pero hindi siya nagpahalata.
.
Yna : pasensiya ka na, nakatulog pala ako.
Nico : ayos lang yun. Aking prinsesa!!
.
Hindi na nakakaramdam ng takot si Yna, nasisiyahan na siya sa mga tanawin na nakikita niya, at bukod sa mga magagandang tanawin, may saya at kilig sa puso niya dahil sa kasama niya si Nico, pero sabi niya sa sarili niya ay hindi niya dapat maramdaman iyong kilig, dahil si Nico ay may hindi din magandang intensiyon sa kanya. Ngunit sa kabilang banda ng puso at isip niya ay dapat ipanatag ang loob niya, dahil mukha naman daw na may mabuting sides si Nico, natuwa si Yna dahil hindi pa din siya binibitawan ni Nico nakakulong pa din siya sa mga bisig nito, upang hindi siya mahulog sa sinasakyan nila, kaya inalis na niya ang pagkailang sa binata, dahil na din sa sitwasyon niyang iyon, nilibang na lang niya ang sarili sa pagtingin sa mga magagandang tanawin, sa mga bulubundukin at sa karagatan.
.
Yna : Ang ganda naman dito!
Nico : oo kasing ganda mo.
.
Sa pagkarinig ni Yna sa sinabi ni Nico ay kinilig na naman ang puso niya, mabuti na lang at hindi nakikita ni Nico ang mukha niya, dahil nga nakatalikod siya kay Nico..iniba na lang niya ang usapan.
.
Yna : malayo pa ba tayo sa pupuntahan natin?
Nico : malayo pa tayo, kaya itulog mo muna, sumandig ka ulit sakin.
Yna : hindi na ako inaantok.
Nico : kung sakaling antukin ka ulit, huwag kang mahihiyang sumandig sakin ha.
Yna : salamat!!
Nico : salamat din naman!
Yna : ha para saan yong pasasalamat mo?
Nico : kasi narinig ko sayo yang salita na yan, na sinabi mong salamat.
Yna : ah yun ba, dapat nga hindi pala ako dapat magpapasalamat dahil alam ko naman na may kabayaran yun..sabi ko naman sayo kahit magkano babayar—–
.
Nagulat na lang si Yna dahil sa bigla siyang binitawan ni Nico, bumalik ulit yong takot niya.
.
Nico : gaya ng sinabi ko sayo, hindi ko kailangan ng pera mo..(pagalit na sabi niya)
.
Nakaramdam ng takot si Yna, kaya minabuti na lang niya na tumahimik na lang, nagsisi tuloy si Yna sa mga sinabi niya, dahil tinanggal na ni Nico ang pagyapos sa kanya, paano na daw kung mahulog siya roon sa kinauupuan nila, sigurado daw na magkakalas kalas ang mga buto niya, kapag nahulog siya sa bangin at kumbinsido ang isip ni Yna na totoo naman na isa lang ang gusto ni Nico iyon ay ang p********e niya,.at pero sa kabilang banda naman ng isip niya kung iyon lang ang gusto ni Nico sa kanya, eh bakit kailangang kung saang lupalop pa siya dadalhin ni Nico, pwede naman sana na mag-check-in nalang sila sa hotel at doon niya pagbabayaran ang pagkakaligtas nito sa kanya, nanginginig tuloy siya dahil sa pinaghalo halong nerbiyos, una sa maaring gawin ni nico sa kanya, na baka pagkatapos na kuhanin ang p********e niya, ay baka daw ibenta siya sa mga nangunguha ng mga organ ng tao, at pangalawa ay sa takot niya dahil hindi na siya hawak ni Nico, baka mahulog siya sa jeep na iyon, kung nagkataon, magkakadurog-durog ang katawan niya, kaya natuto siyang lumaban sa hangin, at magbalanse..at lumipas pa ang mga oras, ay sa wakas ay huminto na ang jeep nilang sinasakyan at bababa na sila ni Nico, nangangatog ang tuhod niya habang tatayo siya, pero kahit na may hindi sila napagkakaunawaan ni nico ay hindi pa din pala siya pinabayaan ni Nico, noon lang niya napansin na magkatali pala sila ni Nico, Itinali ni Nico si Yna sa katawan ng binata, hindi siya talaga pababayaan ni Nico.
.
Nico : sandali lang at kakalagin ko lang yong tali natin, pasensiya ka na ha. Kinailngan itinali kita sa bewang ko. Para kahit makatulog ako sa byahe kanina eh. Hindi ka basta basta mahuhulog.
.
At habang kinakalag ni Nico ang tali sa pagitan nila, ay hindi maiwasan ni Yna na humanga sa binata, parang binuhusan ang puso niya ng malamig na tubig, parang napawi na naman ang kanyang takot sa puso. Dahil sa nakikita naman niya kay Nico ay hindi masamang tao, may mabuting puso ito, ang kaso lang, dikta naman ng isip niya ay, kailangang gawin ni Nico yun, dahil kung nagkataong nahulog siya, ay hindi na siya mapapakinabangan ni Nico, at hanggang sa nakalag na ni Nico ang Tali, at bumaba na nga sila ni Nico, todo alalay sa kanya si Nico sa pagbaba, sumakay sila ni Nico sa tricycle, at sobrang layo pa ng tinakbo ng tricycle bago huminto, ang akala ni Yna ay doon na ang pupuntahan nila ni Nico malapit ng kumubli ang araw, ay hindi pa sila nakakarating sa pupuntahan nila, at kailangan pa nilang mag-lakad, at ni hindi niya alam kung saan siya dadalin ni Nico, nagsisimula ng maghabulan ang mga daga sa dibdib niya, na kanina lang ay panatag na panatag siya.
.
Yna : maglalakad pa tayo?
Nico : oo, bilisan natin dahil baka abutin tayo ng dilim dito sa daan.
Yna : gaano pa ba tayo katagal maglalakad, malapit na lang ba?
Nico : siguro mga 10 kilometro!
Yna : Ano??? Baliw ka ba, sampong kilometro lalakarin natin..God!!
Nico : hindi, Joke lang!! Mga kalahati lang nun.
Yna : kahit na, malayo pa din ang limang kilometro.
Nico : lumakad na kasi tayo, hindi na kasi makakarating roon ang sasakyan, kaya kailangan na nating lakarin, kaya mag-umpisa na tayong lumakad, dahil gagabihin tayo, kapag nagtagal pa tayo dito, kung ayaw mo naman di maiwan ka na jan!
.
wala ng nagawa si Yna, kundi sumunod nalang kay Nico, ayaw niyang maiwan doon, baka mamaya mas mapadali siyang mamatay doon kapag nagpatiiwan siya. Baka daw mamaya ay may mga masasamang tao doon at baka daw mga cannibal pa ang mga tao doon, madaming tumatakbo sa isip niya, na puro masasama, talagang punong-puno siya ng pagsisisi kung bakit tumakas pa siya sa tita Belinda niya, di sana daw ay, nasa malambot na kutson siya ngayon, at kumakain ng paborito niyang sitsirya habang nanunuod ng TV. Nagsisi siya sa katigasan ng ulo niya, iyon daw tuloy ang napala niya, nakarma!!
.
Yna : pwede bang pahinga muna tayo, masakit na yong binti ko at mga paa..pagod na pagod na ako kakalakad.
Nico : sige pero mga 3 mins lang.
Yna : ano??kabilis naman baka pwedeng 10 mins.
Nico : hindi pwede, may mga tulisan dito, maabutan nila tayo.
Yna : ha!! Anong tulisan??
Nico : yong mga taong labas, yong mga taong sinasabi nilang NPA
Yna : ha, sige huwag na tayong magpahinga, tayo na!
.
At lumipas ang mga minuto na paglalakad nila, ay hindi nila inaasahan na biglang may manghaharang sa kanila, natakot si Yna dahil mukhang iyon na ang sinasabi ni Nico na mga tulisan?
.
Tulisan 1 : Sino kayo, at saan kayo pupunta?
Nico : ah diyan lang po sa kabila ng ilog.
Tulisan 2 : sino kayo?
Nico : ako po si Nico, at siya po ang asawa ko si Princess.
Tulisan 3 : asawa mo? Eh bakit parang nabigla pa si babae nong sinabi mong asawa mo siya.
Tulisan 1 : aba kung hindi mo siya asawa, baka pwedeng isama namin si babae sa aming kuta?
Yna : ay naku po, asawa ko po siya, sa katunayan po, magkakababy na kami.(sabay hawak sa braso ni Nico)
Tulisan 2 : parang hindi ka nagsasabi ng totoo babae!
Yna : nagsasabi ako ng totoo, diba honey!!(baling niya kay Nico)
.
Nangangatog na naman ang tuhod ni Yna sa Nerbiyos, sa isip ni Yna, talagang kinakarma na siya.
.
Nico : oo honey, halikan mo kasi ako honey, para maniwala sila na mag-asawa tayo!!
Tulisan 1 : sige babae, halikan mo siya kung talagang asawa mo siya.
.
Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Yna sa inis kay Nico kung bakit sinabi pa iyon..at hinalikan nga ni Yna si Nico sa pisngi!!
.
Tulisan 3 : hindi sila totoong mag-asawa..
Nico : ah, asawa ko po siya!(sabi agad niya)
.
Biglang hinalikan ni Nico si Yna sa mga labi, at si Yna naman ay sobrang nabigla sa ginawa ni Nico sa kanya, na bigla na lang siyang hinalikan nito sa labi, at parang naparalisa naman ang buong pagkatao ni Yna dahil sa kakaibang damdamin na kanyang naramdamam ng halikan siya ni Nico, at si Nico ay ganun din, na parang kay ligaya ng puso niya ng madampian niya ng labi niya ang mga malambot at manipis na labi ni Yna, na ubod ng tamis, at parehas silang dalawa na parang may kiliti sa kanilang puso ng magsanib ang kanilang mga labi.l, at hindi nga nagtagal ay iniwanan na sila ng mga tulisan, at para naman na may sarili silang mga mundo dahil sa nakaalis na ang mga tulisan ay magkadikit padin ang kanilang mga labi..habang magkahinang ang kanilang mga labi ay magkahinang din ang kanilang mga mata, waring nag-uusap din, sobrang bilis ng t***k ng puso ni Yna hindi dahil sa takot sa mga tulisan, kundi dahil sa tuwa at kilig sa ginawa ni Nico sa kanya…at hanggang sa bumitaw na si Nico..
.
Nico : wala na sila, pasensiya ka na kinailangan kong gawin yun, para mapaniwala natin sila na mag-asawa tayo—
Yna : wala yun, salamat nga pala.
Nico : walang anuman, kung nais mo pa ay sabihan mo lang ako, at ipagkakaloob ko ulit sayo ang pinakamatamis na halik.
Yna : Sira ka talaga!(sabay hampas sa braso ni Nico)
Nico : aray!! Bakit?
Yna : hindi ako nagpapasalamat sa halik mo sira ka.
Nico : ay sorry, akala ko kasi—
Yna : ewan ko sayo!(sabay martsa sa paglalakad)
Nico : uy, sandali lang, hintayin mo ako.
Yna : bahala ka diyan!!
napa-kagat na lang ng labi si Yna dahil ramdam pa niya ang mga labi ni Nico, sa kanyang mga labi, na wari’y nakalapat pa din ang mga malalambot na labi ni Nico sa kanya, tumatalon ang puso niya sa tuwa, naiinis na siya sa puso niya, nagiging abnormal na talaga, at sa isip ni Yna, bakit kinailangan pa ni Nico na humingi ng pasensiya na halikan siya, edi ba nga daw ay gagawin din talaga ni Nico sa kanya yun, dahil nga pagbabayaran niya kay Nico ang pagliligtas nito sa kanya sa mga holdaper, at ito na naman iniligtas nanaman siya ni Nico sa mga tulisan..madami na talaga siyang utang na loob kay Nico na kailangang pagbayaran, si Nico naman ay ganoon rin sa nararamdaman ni Yna, ramdam pa din niya ang mga labi ni Yna, na habang naglalakad si Nico ay napapangiti na lang siya dahil sa naging reaksiyon ni Yna, kitang kita niya ang pamumula ng pisngi ni Yna, at ramdam din niya ang mabilis na pintig ng puso ng dalaga, at hanggang sa marating na nga nila ang kanilang pupuntahan, isang bahay na yari sa kahoy at hindi naman kaliitan.at ang ibang bahagi ng dingding ay sawali, kumatok si Nico, at may nagbukas na isang dalagita.
.
Nico : magandang hapon Esang.
Esang : kuya Kulas, kayo po pala, pasok po kayo.