Himas-himas ni Cazcoe ang baba habang ang isang kamay ay hawak ang beer. Nasa Club Axis siya kasama sina Alpheus at Zeki. Missing in Action na naman si Nazaron. They knew something was fishy. May tinatago sa kanila ang kaibigan. Kanina ay inimbitahan nila itong gumala. Ora-orada itong tumanggi. Marami raw itong tatapusing backlogs sa trabaho. His excuse wouldn’t fly because they knew him too well. Nazaron was always efficient and especially strict at setting deadlines. Itinaas ni Zeki ang mga paa sa pabilog na mesa. “Ban sa opisina ni Nazaron ang mga babae. Kahit si Phoebe ay hindi na makalapit d’un. The new procedure is to set an appointment with a strong reason for a personal meeting request plus physical papers to support the agenda. Kung wala ka n’un, uubanin ka na lang sa paghihinta

