Walang kaayusan ang hitsura ni Nazaron habang nakasalampak ng upo sa executive chair. Nakatitig lang siya sa painting ni Anemone na nakakabit na sa pader. Iyon ang ipinalit nito sa dating painting na ibinigay nito sa kanya. She replaced the 'One day I will forget you' with 'Eternal Love.' Anemone painted their wedding picture. Para rito ay pag-ibig na walang katapusan ang ibig sabihin niyon. “Paano kung bigla na lang akong mawala?” “Huwag kang magsasalita nang ganyan. I can’t lose you, okay? I just can’t. Hindi ko kakayanin.” Naisabunot niya ang mga kamay sa buhok nang maalala ang usapan nilang iyon ni Anemone. “God, please give me more time to show her how much I love her.” Napahagulhol siya. What if he was meant to marry her at an early age because they were never destined to grow

