Pangatlong beses nang hinayon ng tingin ni Anemone ang sarili sa harapan ng salamin pero hindi pa rin nababawasan ang gatla sa noo nito. Napangiti lang si Nazaron na kampanteng nakaupo sa kama, nakasunod ang tingin sa bawat galaw ng asawa. Eksasperadong nagbuga ng hangin ang babae at humugot ng panibagong damit mula sa tokador. “I’m guessing someone here is annoyed as hell,” he joked. Lumingon ito sa kanya at pinukol siya ng masamang tingin. “You left leave marks everywhere! Sa leeg ko, sa panga ko, sa balikat ko, sa braso ko, at sa iba pang bahagi ng katawan ko! Hindi ko na alam kung paano itatago ang mga ito! Argh!” “I just want them to know that someone owns you already, Mrs. A.” He winked at her naughtily. Itinirik nito ang mga mata at muling hinayon ng tingin ang sarili sa salam

