Makailang ulit nang tinititigan ni Nazaron ang asawa niya. Nasa sofa ito at nagpapahinga. Hindi siya mapakali. Nilapitan niya ito at hinaplos ang noo nito. “Are you okay, Ane?” Tipid itong ngumiti at nagmulat ng mga mata. Sinalubong nito ang nag-aalala niyang tingin. She raised her hands to softly cup his face. “I’m okay, Naz. Nanghihina lang ako. Pero normal naman daw ito sa mga buntis.” “I think it would be best if I bring you to the hospital right now.” Umiling ito. “Huwag na. Ano ka ba, kaunting pagsama lang ng pakiramdam ko, natataranta ka na riyan. Napaghahalatang patay na patay ka sa akin.” Nakuha pa nitong magbiro. Dinampian niya ng halik ang asawa sa mga labi. He was really worried. Anemone was really pale. “Kumain ka na ba?” Tumango ito. “Tapos na po.” “Ipagluluto pa rin ki

