Nagulat naman si Carmela at agad tumingin sa likod niya. “M-markus?” bulong niya. Narinig kaya nito na pinag-uusapan nila si Salem? Bigla s’yang kinabahan. Maging si Josephine ay tumigil sa pagse-selfie. “Hmm. May pinag-uusapan na naman kayo? Kaaway niyo ba?” usisa nito at umupo. “So, sino ang malandi na tinutukoy niyo?” Umiwas ng tingin si Carmela. Medyo nanginginig pa ang kamay nito sa na nakapatong sa hita. Sa dalawang kambal, si Markus ang pinaka-protective at nakakatakot maging kaaway. Naalala niya noong mga bata pa sila nang minsan na may batang tinulak si Mark sa ilog noon ay agad -agad din nitong tinulak ang gumawa niyon at ang mas malala ay tumama pa ang ulo ng batang iyon sa bato. Gusto man bigyan ng leksyon ng magulang ng bata si Markus ay hindi nito magawa dahil unang-una pa

