“Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa kaarawan ko. Alam kong marami sa inyong nagtataka kung bakit wala ang mga kaibigan at ilang pamilya ko ngayon. Sa totoo n’yan gusto kong i-celebrate ang birthday ko together with the people who makes our business progressive and become well known supplier sa ating bansa. Kung wala kayo, hindi nakatayo ngayon ang hacienda. Gusto kong makasama kayo sa kaarawan kong ito, bilang pasasalamat sa paglilingkod ninyo sa amin. Sana ay makasama ko pa kayo ng matagal,” biro nitong saad sa huling sinabi. Nagtawanan naman ang lahat. “Magsasama pa tayo hanggang sa kabilang buhay, Donya!” sigaw ni Juan na lalong nakapag-patawa sa lahat. Maging si Donya Isabel ay bumulanghawit ang tawa. “Lakas talaga ng tama mo!” Pinalo ni Hubert si Juan habang tumatawa. “Alam ko

