Chapter 39 Memories “Sino po kayo?” Nakangiting tanong ni Ivan kay Lori. "Daddy! Daddy!" tawag ni Lira kay Ivan at nagpabuhat pa. Si Ivan naman ang napatigagal nang masilayan ang batang papalapit sa kanya at nakangiti. Yumakap sa kanya at hinilig ang ulo sa kanyang dibdib nang binuhat niya ito. "Daddy..." napakalambing na sambit ng batang babae. "You must be mistaken baby girl, hindi ako ang daddy mo." Malungkot ang tinig at mga mata ni Ivan nang sambitin niya iyon. Napatingala sa kanya si Lira na waring iiyak. "But... you look like my daddy." "Ahmm ano eh..." Nauutal niyang sabi at ngumiti na lang para pasayahin ang batang buhat-buhat. Tumingin sila kay Lori na tulala sa kanilang mag-ama. Nagpupunas ito ng luha. "Gagoo, pati t***d mo, hindi mo kilala--" Napatingin silang l

