Chapter 22 MACARTHUR “Sasagad siguro ang galit mo kapag inangkin kita ngayon.“ Napakalungkot ng mga mata ni Lori. Nangingilid na ang kanyang mga luha. Hindi naman niya gusto na ganito ang sinapit ni Max. "Max, bumalik ka na sa dati. Nami-miss na kita.“ Tila nabasag ang bato nang puso ni Max dahil sa paki-usap ni Lori na ’yon. Samahan pa ng malungkot nitong mga mata na ayaw na ayaw niyang makita dahil nasasaktan din siya. “Mahal na mahal ko si Ivan.“ Kumawala na sa mga mata ni Lori ang luha na kanina pa nangingilid. Tumulo na rin ang luha ni Max. Paano niya aangkinin ang babaeng kahit anong gawin niya ay hindi mapapa sa kanya? Pinakawalan na rin Max ang pulsuhan ni Lori at humiga sa tabi nito. "Pinapalaya na kita," sabi ni Max sa mababa at malungkot na tinig. Pinawi na ni Lori

