(Mia's POV)
What happened?
Nagising akong masakit ang ulo ko na parang pinupukpok ng martilyo. Sasandal sana ako sa headboard ng kama pero nang igalaw ko ang mga paa ko ay kaagad kong naramdaman ang kirot sa gitna ng mga hita ko. Sobrang nangangalay din ang balakang ko at halos buong katawan ko na para akong binugbog! Pati dibdib ko ay parang mabibigat na parang... Oh, my God!
Napadilat ako kasabay ng pagkaalala ko sa nangyari sa amin ng lalaking foreigner kagabi! Brian... Tama. Brian ang pangalan niya at nag-s*x kami kagabi! Siya ang nakakuha ng virginity ko nang ganoon lang kadali!
Napasabunot ako sa buhok ko at kaagad ding napapikit ng mariin dahil medyo mahapdi rin ang mga mata ko at parang mainit ang singaw ng mga ito.
Sinalat ko ang noo ko at doon ko nalaman na nilalagnat ako. s**t!
Paano na ako makakaalis sa bahay ni Brian?! At iyong nangyari sa amin kagabi, paano namin iyon pag-uusapan? O dapat pa ba namin iyong pag-usapan? Nalasing kami kaya pareho kaming nakalimot!
Pero paano na ang virginity ko na nawala sa akin?
Huhu! Kasalanan ko ito! Sana kasi ay hinayaan ko na lang ang narinig kong iyak kagabi, sana hindi na ako nakipag-inuman sa kanya para hindi iyon sa amin nangyari!
But past is past... at nangyari na iyon. Wala na akong magagawa kundi tanggapin iyon at tuparin ang pangako kong aalis na ako ngayong araw na ito bago magliwanag.
20 years old naman na ako at okay lang siguro na nawala na ang virginity ko. Marami naman ang nakikipag-one-night-stand sa panahong ito at iisipin ko na lang na isa ako mga iyon.
Tsaka kung talagang mapipilitan akong magpakasal kay Brendon ay at least hindi siya ang nakauna sa akin. Maipagyayabang at magagamit ko iyong pang-aasar sa kanya na iba ang nakauna sa akin. Kahit doon man lang ay mabawasan ko ang satisfaction niya kapag napilitan akong magpakasal sa kanya.
Pinilit ko nang bumangon at isinuot ko munang muli ang suot ko kagabi tapos ay paika-ika akong pumunta sa bintana at sumilip sa labas. s**t! Maliwanag na! Hindi na ako dapat maabutan ni Brian na nasa loob pa ng bahay niya at nasa loob pa yata ng kuwarto niya—
Natigilan ako sa paglapit sa pinto nang bigla iyong bumukas at iniluwa ang seryosong si Brian.
"You're awake." blangko ang ekspresyon niyang wika sa akin.
Tinapangan ko naman ang loob ko dahil kinuha niya sa akin ang virginity ko! Kaya bakit pa ako mahihiya sa kanya? Sobra-sobra pang kapalit iyon sa pagpapatuloy niya sa akin ng isang gabi sa bahay niya.
"Oo. Pero gaya ng sabi ko ay aalis na ako. Pasensiya na lang kung hindi agad ako nagising." Taas-noo kong sabi sa kanya.
Subukan niyang magalit sa akin na hindi pa ako nakakaalis dahil isusupalpal ko sa mukha niya na kasalanan naman niya! Kung pinigilan niya ang sarili niya na kantutin ako ay hindi sana nakapasok sa akin ang t**i niya.
"It's not the reason I'm checking on you... About last night—"
"We're both drunk, that's why it happened." putol ko sa kanya dahil baka isipin pa niya na hihilingin kong panagutan niya ako dahil lang siya ang nakauna sa akin.
Nasa modernong panahon na kami, kaya puwedeng palampasin na lang namin ang nangyari. Besides, we're both adults. Kahit 20 pa lang ako at 40 naman siya ay kapwa na kami responsable sa kanya-kanyang sarili namin.
I learned to be an independent woman years ago, so I don't need him to take responsibility about what happened. I can take care of myself whatever the effect may be. Tsaka mukhang wala naman siyang interes magkaroon ng koneksyion sa akin.
Kahit guwapo siya ay hindi ko rin naman ipagpipilitan ang sarili kong maging parte ng buhay niya.
It was only s*x and nothing more. No feelings involved and no strings attached.
"Are you sure it's nothing to you...? I mean... yeah, we were really both drunk last night. But you were a virgin—"
"It's okay, Brian. Hindi 'yan big deal sa akin." naninindigan kong sabi.
Hindi rin naman ako magiging kumportable kung sakaling i-suggest niyang panagutan niya ako dahil sa nangyari sa amin. Ang ending pala ay baka mapilitan din akong magpakasal, hindi man kay Brendon kundi sa kanya? Tss. Eh di pareho lang pala ang mangyayari. Mas malala pa dahil hindi ko siya kilala.
Pero base sa obserbasyon ko sa kanya ay parang malabo namang offeran niya ako ng kasal dahil lang sa nangyari sa amin. Sa pagkasuplado at distant niyang iyan ay napakaimposible.
"Okay... If that's what you say then we don't have a problem. But about your condition right now... You're sick. And I'm sure your muscles ache. Therefore, you still can't go unless you're absolutely okay." pormal niyang sabi sa akin. Lihim akong napapalatak dahil gaya ng naisip ko ay wala lang sa kanya ang pakikipagsex sa akin. He's a man afterall, a typical playboy despite his age.
"What do you mean? You will let me stay here longer?" taka kong tanong sa kanya.
Mabuti naman at may concern pa rin siya sa akin kahit papaano at hindi niya ako pipiliting umalis na masama ang pakiramdam ko.
"Yeah... Konsensiya ko rin kapag may nangyaring masama sa'yo kapag hinayaan kitang umalis. At kapag napahamak ka sa loob ng isla ko, baka ako pa ang masisi."
Ayon naman pala... Tsk. Akala ko pa naman concern talaga siya sa akin, iyon pala ay ayaw lang niyang madawit ang pangalan niya kapag may nangyaring masama sa akin.
"There is already food at the table. Feel free to eat whichever you like to eat. There are also some medicines for you at the table. Take it after you eat." Dagdag pa niya at tumango na lang ako sa kanya. Pero bahagya rin akong napaisip kung saan kaya galing ang mga gamot na ipapainom niya sa akin? Hindi kaya may stocks na siya roon? Posible.
Muli na akong naglakad nang paika-ika kahit nakamasid siya sa akin hanggang sa malampasan ko na siya. Tsk. Hindi man lang ako inalalayan. May pagka-selfish at manhid siya, huh! Mabuti na lang at strong akong babae at hindi pabebe na maarte.
Hinanap ko muna ang kuwartong ginamit ko kagabi at naghalf-bath muna ako para mapreskuhan at malinisan ang katawan ko. Nanlalagkit kasi ang gitna ng mga hita ko at kanina ay may nakita pa akong natuyong dugo sa kama ni Brian. Oo nga pala... Basta ko na lang iyong iniwan! Hmp... Bahala na siyang maglinis don. Siya naman ang may kagagawan non.
Ang pagkadevirginize ko rin siguro ang dahilan ng pagkakaroon ko ng lagnat. Tsk. Grabe naman kasi 'yong t**i niya! Hindi ko nakita pero pakiramdam ko ay ang laki at ang haba! Sobrang tigas pa pero mesherep naman sa pakiramdam nong bandang huli na.
Haaiiisstt! Bakit naman naisip ko pa 'yon? Ngayon lang ako naging malandi, huh! Worst, sa isang estrangherong suplado at selfish pa.
Nakatapis akong lumabas sa banyo at nagulat ko nang makitang nasa loob ng kuwarto ko si Brian. Mukhang kakapasok lang niya at may dala siyang damit na malamang ay ipapahiram ulit sa akin.
Mabilis na pumasada sa katawan ko ang mga mata niya pero kaagad din siyang nag-iwas ng tingin.
"Here... I will let you borrow my clothes again..." aniya at inilapag sa paanan ng kama ang isang white shirt at dark short.
"Okay, thank you." Pormal kong sagot.
Lumabas na rin agad siya sa kuwarto ko nang walang lingon-likod at ako naman ay kaagad nang nagbihis. Bumaba na rin agad ako sa kusina para makakain na ako at makainom na ng gamot nang sa gayon ay bumuti na ang pakiramdam ko.
Gaya ng sabi ni Brian ay may mga pagkain nga sa mesa. Bukod sa kaunting natirang ulam kagabi ay nagluto pa siya ng mga simpleng ulam sa umaga gaya ng bacon, hotdog and eggs.
Nang iinom na ako ng gamot ay naghanap ako ng pill, hindi ko alam kung anong klaseng pill basta something na mapipigilan ang pagbubuntis ko kung sakali. Pero ang naroroon lang ay gamot sa lagnat at gamot para sa sakit ng katawan...
Bakit walang contraceptive pill? Hindi ba niya alam na ipinutok niya kagabi sa loob ko ang t***d niya? Pero imposible... Naaalala nga niyang nagsex kami kagabi. Hayst, bahala na nga!
Pagkainom ko ng gamot ay bumalik ako sa ipinahiram niyang kuwarto sa akin. Humiga ulit ako at natulog para mabawi ko ang lakas ko.
Bandang hapon ay nagising ako na maayos na ang pakiramdam ko. Tolerable na ang sakit ng katawan ko at wala na ang lagnat ko. Dahil doon ay napagpasyahan kong hanapin si Brian para magpaalam, para bago dumilim ay makaalis na ako.
"You still can't go... Paano kung sumama ulit ang pakiramdam mo? Tsaka ano'ng sasakyan mo paalis sa isla ko? I doubt kung makakaya mong languyin hanggang sa kalapit na isla. You're still sore for sure, at kapag wala nang bisa ang gamot na nainom mo ay baka lalo pang sumama ang pakiramdam mo. Just go when you're totally fine. But you must still stay here tonight."
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon dahil base sa pagkakasabi niya ay parang hindi ko puwedeng suwayin ang desisyon niya. Siguro ay concern siya na baka madamay siya kapag may nangyaring masama sa akin, at hindi talaga sa akin ang concern niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Atleast makakapagpahinga pa ako.
"Okay... Salamat kung ganon. Ako na lang ulit ang magluluto ng dinner natin." sabi ko na lang na tinanguan naman niya.
Lumipas ang mga oras. Nakaluto at nakapagdinner na rin kami nang magkasunod—magkasunod lang, hindi sabay— at ngayon ay naririto pa ako sa labas ng bahay niya at nakatanaw sa madilim na kapaligiran sa labas. Maya't-maya rin akong tumitingala sa kalangitan na maraming kumikinang na stars.
Iniisip ko na dapat bukas ay makaalis na ako sa bahay ni Brian dahil baka sa susunod ay sumbatan na niya ako na nagiging abala at pabigat na ako sa kanya. Tuluyan ko na ring kakalimutan ang nangyari sa amin kagabi—
"You're still awake. Shouldn't you be resting already?"
Nagulat ako at napalingon nang biglang magsalita sa likod ko si Brian. Alas diyes na yata pero gising pa rin pala siya?
"Yeah... nagpapaantok lang." Sagot ko bago muling tumanaw sa kadiliman. May kaunting liwanag na nagmumula sa kung saan na bahagyang tumatanglaw sa kapaligiran.
"I couldn't sleep yet, either." aniya at tumunghay din siya sa madilim na kapaligiran.
Naalala ko ang tungkol sa nangyari sa amin kagabi at nagdadalawang-isip ako kung babanggitin ko ba sa kanya ang idea na paano kung mabuntis ako dahil wala naman siyang ipinainom na gamot sa akin? I mean, siya ang makakabuntis sa akin kung sakali... Kaya dapat aware siya roon.
"About last night... Ahm..."
Humarap siya at tumitig sa akin.
"Yeah? How about it? Did you enjoy it?" ngumiti siya ng pilyo sa akin kaya napakurap ako ng ilang beses. Bakit naman ngumingiti siya ng ganyan sa akin at bakit ganyan ang tanong niya?
"Ahm... Oo naman. Pero ang gusto kong sabihin—"
"But you'll surely enjoy it more next time, because it won't be that painful anymore."
"A-Ano?"
Lalo pa siyang tumitig sa akin at tuluyan na niya akong hinarap... kasabay nang unti-unti niyang paglapit lalo sa akin hanggang sa isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.
Bigla na lang bumilis at lumakas ang t***k ng puso ko! Nilalandi ba niya ako?
"You want to try?" paanas niyang tanong sa akin.
Parang biglang nagkaroon ng kaguluhan ang isip ko at nakalimutan ko na ang sasabihin ko dapat sa kanya.
Nabalot din ako ng curiosity... tungkol sa sinasabi niya at kung gaano iyon katotoo? Hindi ko rin napigilang mapatitig sa mga labi niya nang kagatin niya iyon at parang nakaramdam ako ng excitement sa kaibuturan ko.
"Do you want me to make you happy for the rest of the night? If you say yes, then I'll make sure that you will enjoy every second of it... You'll gonna forget everything and all you will do is moan my name and be pleased... You'll never gonna regret it, I swear."
Napaawang ang mga labi ko habang nagsasalita siya dahil parang naging kaakit-akit na naman siya bigla sa paningin ko.
His words... It sent shivers to my body. It made me feel excited and I suddenly felt this want and need for him...
Nalilito ako but a part of me whispered that yes, I want him to make me happy and pleasure me... more than he did to me last night.
Itinaas niya ang kanang kamay niya at hinaplos niya ang kamay ko, paakyat sa braso ko hanggang sa balikat ko. Nanindig ang mga balahibo ko pero kasabay niyon ay parang nakaramdam ako ng alinsangan at pag-iinit ng katawan ko sa kabila ng malamig na simoy ng hangging panggabi.
Naisip ko rin ang sitwasyon ko ngayon... Ang pagtatago ko kay Brendon at sa pamilya ko pati na rin ang disgusto kong matuloy ang kasal namin ni Brendon.
"If I say yes... Can I stay here longer up to a month?"
Siguro naman ay lalayas na si Brendon sa beach na pinagtaguan ko at hindi na niya ako hahanapin pa sa mga kalapit na isla niyon dahil aakalain niyang wala na ako roon. Matatakasan ko na talaga siya kapag nagkataon at saka na lang ako hahanap ng ibang pagtataguan ko.
Baka tumigil na rin siya sa kakahanap at kakapilit tungkol sa kasal namin.
Pero.... paano kung mabuntis ako?
Eh kung magpabuntis na lang kaya ako para hindi na talaga matuloy ang kasal namin ni Brendon? Kaya ko namang—
"Sure... You can stay here for a month."
Dinilaan niya ang labi niya habang nakatitig siya sa mga labi ko. Hinawakan rin niya ang gilid ng leeg ko at marahan iyong hinaplos.
Ang isang kamay niya ay humawak naman sa baywang ko, ipinasok niya sa damit na suot ko at hinaplos roon ang balat ko na tila inaakit niya ako lalo. Pero halata rin ang pagpipigil niya hanggat hindi pa ako pumapayag sa sinabi niya.
Napatitig ako sa mga mata niya at kitang-kita ko roon ang kislap ng matinding pagnanasa. Parang hinihigop niya ako at ang katinuan ko...
"Then... Make me happy and take me again, Brian... Make my body yours tonight."
Pagkasabi ko niyon ay kinabig niya ako at kaagad na hinalikan ng mapusok na halik ang mga labi ko. Tuluyan na rin niyang ipinaloob ang kamay niya sa damit ko hanggang sa sumapo na iyon sa dibdib ko.