(Mia's POV) Pinanuod ko na lang ang papalayong bulto ni Brian habang paisa-isa nang pumapatak sa pisngi ko ang mga luha ko hanggang sa manlabo na ang paningin ko at tuluyan na siyang hindi maabot ng tanaw ko. Sabi ni kuya Luke ay wag kong papasinungalingan ang akala ni Brian na gusto ko na rin si Brendon. Mahigpit ang bilin na iyon sa akin ni kuya Luke kaya napilitan akong sundin iyon kahit hindi ko alam ang dahilan niya. Kitang-kita ko tuloy ang pagbalatay ng walang kapantay na sakit sa mukha ni Brian nang sabihin kong gusto ko na rin si Brendon. Pero bakit parang wala man lang siyang pakialam? Akala ko pa naman ay magagalit siya sa akin at magwawala katulad nang dati, noong nagselos siya kay Brendon na naging dahilan ng pag-amin niyang mahal niya rin ako. Pero wala man lang siyang sin

