PART 2

707 Words
"Diyos ko!" Natutop ni Aileen ang dibdib niya at halos mahimatay siya habang pinapanood ang binabalita ngayon ng GMA na Flash report. Isang eroplanong papuntang Middle East daw kasi ang hindi na ma-trace ng Air Traffic Control kung nasaan na ngayon. They reported that the aircraft was lost from ATC radar screens an hours ago pero hindi na nakita pa. At nang makompirma ni Aileen na ang eroplanong iyon ay ang sinakyan ng asawa niha at ng mga kaibigan niya ay halos mapasigaw siya sa sobrang kaba at pag-aalala sa asawa. Pati na ang mag-asawang sina Marjorie at Shairo ay nasindak sa balita ring iyon. Kahit sa Dubai ay balita na rin ang pagkawala ng eroplanong iyon. "Oh, my God! What happened?!" hagulhol ni Marjorie. Hindi pa man ay alalang-alala na siya sa mga kaibigan. Excited pa naman na sana siyang sunduin ang mga kaibigan sa airport mamaya, tapos ganito ang nangyari. Ghad! Hindi mailarawan ang kanyang nararamdaman! Takot na takot siya! Na baka may nangyari ng masama sa mga kaibigan niya! "Honey, calm down!" Pampakalma sa kanya ng arabo niyang kasintahan na si Shairo. "Please find them, Honey." Sumiksik si Marjorie rito at sa matitiponong dibdib ni Shairo ay doon siya nag-iiyak. "Don't worry, Honey. I will do everything to find all your friends!" "Thank you, Honey!" Nang mga sandaling iyon ay lulutang-lutang ang pitong magkakaibigan na himalang ligtas na sa bigla na lang nag-crash na eroplano nilang sinakyan, na buti na lang sa dagat ito sumalpok. They didn't know exactly what happened.Basta masayang-masaya sila sa eroplano, nagkukulitan pa nga sila nang bigla na lang parang gumiwang-giwang ang eroplano. Tapos 'yon bumulusok na lang ito pababa sa dagat pagkatapos ng ilang paalala ng piloto sa intercom. Sa pagtutulungan lamang nina Noel at Gilbert kaya nakalabas sila na magkakaibigan sa eroplano bago pa man ito lumubog sa kailali-laliman ng dagat. "Okay lang kayo?!" tanong ni Noel sa anim niyang kaibigan. Nakalutang sila sa dagat na hindi nila alam kung anong parte ng dagat na iyon. Salamat at may suot silang life vest. May mga kasama rin sila na iba't ibang lahi pero wala na silang pakialam. Ang dapat nilang tulungan ay ang isa't isa. "Guys, mamamatay na ba tayo?!" Iyak nang iyak na sabi ni Annie. "Annie, relax! Maliligtas tayo!" pampalubag loob ni Gilbert dito. "Nangangawit na ako!" Iyak na rin ni Aliyah. "Aliyah, kapit lang!" Sabay-sabay nilang sabi kay Aliyah. "Ayoko pang mamatay!" hagulhol na rin ni Ruby. Inalalayan ito ni Noel dahil alam niyang ito ang pinakamahina sa kanilang lahat. "Guys, huwag kayong mawalan ng pag-asa! Mabubuhay tayo, okay?" Malakas na sigaw ni Noel sa barkada. "Si Licienna may sugat sa balikat niya! Ang lalim!" sabi ni Annie sa lahat. Nang tingnan nila si Licienna ay hawak-hawak nga nito ang balikat na duguan. Agad na kumilos si Gilbert. Lumangoy ito papuntang kinakapitan ni Licienna. Chineck nito ang dalaga. They are all worried for Licienna. "Guys, kailangan nating makahaon! Malalim nga ang sugat niya!" pagkuwa'y sabi sa kanila ni Gilbert. Mas nag-iyakan lalo ang mga babae. Napa-"Sh*t!" si Noel dahil nang iikot niya ang paningin ay wala man lang siyang makita kahit isang isla, puro bahagi ng tubig ang natatanawan niya. "Hindi siya magagamot kung nandito tayo sa tubig!" Gilbert trailed off. Niyakap na nito si Licienna para 'di makabitaw sa kinakapitan nila at huwag lumubog dahil nanghihina na ang dalaga sa dami ng dugong nawawala rito. "Lumangoy na lang tayo!" suhestiyon ni Rica sa gitna ng pag-iiyak. "Ruby is right! Walang mangyayari kung mananatili tayo rito! Kayo niyo bang lumangoy?!" tanong ni Noel sa mga babae. Tumango naman sina Aliyah, Rica at Annie. "Gilbert, ikaw na ang bahala kay Licienna!" sabi na ni Noel kay Gilbert. Nag-umpisa na silang ikampay ang mga paa nila at kamay nila, lumangoy na sila. "Eiiihhhh!" Mayamaya ay tili ni Annie at Rica dahil isang lumulutang na bangkay ang parang tumabi sa kanila. "Huwag niyo na lang pansinin!" sabi ni Gilbert sa mga ito. Malamang ay isa sa mga kasama nilang pasahero. "Huhuhuhu!" Iyak na naman ng mga babae. "Guys, langoy lang!" Malakas na boses ni Noel sa mga ito. Kung tutuusin ay swerte pa rin sila dahil buhay pa silang lahat. Ang kailangan lang nila ay makaahon sa lupa..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD