"God! Where are we?" mahinang sambit ni Ruby habang pinapasadahan pa rin nila ng tingin ang malawak na desyertong napadpadan nila.
Nanlulumo ang lahat ng hitsura nila dahil kahit anong pilit nilang tanaw ay wala silang matanawan na ano man maliban sa malawak na kulay brown na buhanginan.
"Mamatay na tayo rito!" iyak na ni Rica.
"Rica, shut the hell up!" saway rito ni Annie. "We will not die here!"
"Tama si Annie! Magpakatatag tayong lahat! Kakayanin natin 'to! Alam ko gumagawa na ngayon ang mga pamilya natin ng paraan para mahanap tayo! Kaya tiwala lang!" pampalakas-loob ni Noel sa mga kaibigan kahit ang totoo ay nakakaramdam din siya ng takot.
"Oo nga," lumuluhang saad ni Aliyah. "Look at me, wala akong pakialam kahit masira ang balat ko! O pumangit ako! Basta mabuhay lang tayo!"
Tinapik ito sa balikat ni Noel.
"Ang mabuti pa maglakad-lakad tayo!. Baka makakita tayo riyan kahit pa'no ng masisilungan! It's so hot in here!" salita naman ni Gilbet habang inaalalayan ang nanghihinang si Licienna.
Totoong mainit na. Pinagpapawisan na nga sila sa tindi ng init sa desyerto dahil sa tirik na tirik na araw.
"Kaya pa ba ni Licienna?" nag-alalang tanong Ruby. Kahit paano ay lumakas na rin ang loob nito.
"Dahan-dahan lang siguro kakayanin pa niya," sagot ni Gilbert. Nakanguyngoy ang ulo ni Licienna pero nakakatayo pa rin ito sa tulong nito at sa tingin ni Gilbert ay makakalakad pa ang dalaga. "Kaya mo ba?" pero para makasigurado ay mahinang tanong nito sa dalaga.
Umungol naman si Licienna.
Tinginan silang lahat pagkuwa'y nagpasya na silang maglakad at umasang may makikita sila na makakatulong sa kanila.
Kaso'y nakakalayo na sila ay wala pa ring pagbabago ang nakikita nila. Malawak pa rin na buhangin ng desyerto ang natatanawan nila kahit saan. Parang wala itong hangganan!
Nanlupaypay na sina Annie at Ruby. "Hindi na namin kaya," at sabi ni Annie na napaupo.
"Sige magpahinga muna tayo," sabi na ni Noel. Nag-alala na siya para sa mga kaibigan.
"I'm so damn thirsty," ani Annie.
"Ako rin," sabi rin ni Rica.
"Konting tiis lang sigurado may makakita na sa 'tin mayamaya lang," ani Gilbert na todo alalay pa rin kay Licienna.
Naiiling na lang si Noel sa kalagayan nila. Paano na?! Paano kung walang makaalam kung nasa'n sila? Siguradong mamamatay silang lahat dito!
Shit! Nag-aantay sa kanya si Aileen at ang magiging anak nila! Kaya kailangan niyang makabalik kahit na anong mangyari! Hindi siya pwedeng mamatay rito"
"Aileen, 'wag kang mag-alala! Uuwi ako!" usal niya habang nakatingin sa malayo, dahil alam din niyang nag-alala na ang asawa sa kanya. Sana pala ay sinunud na lang niya ang asawa na 'wag na lang sumama rito! Sana wala siya rito!
***
"Noel!!" Umiiyak na naman si Aileen na bumangon mula sa pagkakaidlip. Nakaidlip siya konti dahil na rin sa pagod niya kakaiyak.
"Anak!" Agad siyang inalalayan ng ina niyang si Aling Gracia.
"Ma, nadinig ko si Noel! Tinatawag niya ang pangalan ko! Ma, baka kung ano na ang nangyayari sa kanya!" Ang iyak niya ay naging hagulhol na naman. Hindi niya talaga mapigilan.
"Aileen, tatagan mo ang loob mo. Tahan na, Anak. Magdasal tayo. Magdasal tayo na okay lang siya, sila ng mga kaibigan niya."
Pero iyak pa rin nang iyak ang kawawang buntis.
***
"Tara na! Lakad ulit tayo!" matatag na ulit na boses ni Noel dahil naisip niyang hindi siya puwedeng mawalan ng pag-asa o panghinaan man lang konti ng loob. Para sa asawa niya at sa anak niya ay kailangan talaga niyang makabalik sa Pilipinas kahit na anong mangyari.
Tumayo naman ang lahat pero hinang-hina na silang lahat dahil sa uhaw. Tuyong-tuyo na ang mga lalamunan nila.
"Hindi ko talaga kaya!" nakakailang hakbang palang sila ay sabi na ni Annie. Tapos ay tumakbo ito patungo sa dagat.
"Annie, anong gagawin mo?!" nahintakutang sigaw ni Aliyah dito.
Sunod tingin sila kau Annie. Takbo si Annie sa tubig at uminom doon pero anong suka rin nito dahil ang alat ng tubig dagat. Pero sumige pa rin ito sa pag-inom ng maalat na tubig na iyon.
Napailing si Noel at nang 'di matiis tingnan ang tila nababaliw nang si Annie ay tinakbo niya ito at pinigilan.
"Bitawan mo ako!" piglas ni Annie kahit masuka-suka naman ito sa ginagawa.
Kinarga ito ni Noel sa tiyan ang dalaga at inihaon. Sa tabi ng dagat niya ito pinakawalan.
"Gusto ko na lang mamatay keysa ganito!" hagulhol ni Annie, na siya ring nagpaiyak sa lahat.
Lumapit dito sina Ruby, Aliyah at Rica at niyakap nila ito.
Napapamaywang na lang si Noel na napatingin kay Gilbert.
Hindi nila masisisi ang mga ito dahil sadya naman talagang napakahirap ng kalagayan nilang ito ngayon. Ni hindi nila alam kung hanggang kailan nila kakayanin. Kung tatagal ba sila? Gayung parang unang araw pa nga lang ay kay hirap-hirap na.........