PART 6

738 Words
Iyak pa rin nang iyak si Aileen. Hawak-hawak niya ang litrato ng kanyang asawa. Pinagmamasdan niya iyon habang lumuluha. Magtatlong araw na pero wala pa rin maibalita sa kanya si Marjorie kung ano na ang nangyari sa paghahanap kina Noel sa Dubai. "Mahal na mahal kita. Hihintayin kita, Noel!" puno ng paghihinagpis na kinakausap niya ang larawan ng asawa. 'Yun na lang ang tanging alam niyang gawin maibsan lang konti ang pag-aalala niya. Ang nagiging lakas lang niya ngayon ay ang mga ngiti ni Noel sa mga larawan nila. At ang anak nila sa sinapupunan niya. Kung 'di nga lang siya buntis ay susunod agad siya sa Dubai. Nang bigla'y napakislot siya at napahawak sa tiyan niya. "Aww!" sambit niya dahil humihilab ang tiyan niya. At nang magtuloy-tuloy ang pananakit ng tiyan niya. "MA! MA! MANGANGANAK NA YATA AKO!" ay hingi na niya ng saklolo sa inang nagbabantay sa kanya na naroon sa kusina. *** Pagkatapos nilang maghukay ng malalim-lalim sa buhangin. "Okay na ito," ay sabi na ni Gilbert. Hingal na hingal silang napaupo ni Noel. Napagod sila sa paghuhukay dahil kamay at maliit na tuyong kahoy lang ang ginamit nila. Buti na lang at malambot ang buhangin. Inabot na sila ng hapon. At nanigas na rin ang bangkay ni Licienna. "Okay na ba 'yan?" malungkot at mugto ang matang lapit sa kanila ni Ruby. Nakiupo ito sa tabi nila. Hinayaan na ni Ruby na sina Annie, Rica at Aliyah na lang ang maglinis muna sa katawan ni Licienna gamit ang tubig ng dagat. Pinunas-punasan nila ito sa kamay at sa mukha at sa paa para naman kahit paano ay maaliwalas ang kaibigan nilang iilibing nila. Na kahit doon man lang ay maipakita nila kay Licienna ang pagmamahal nila rito. Na kahit hindi nila ito mabigyan ng magandang libing ay maayos naman na libing kahit paano. Tumango si Gilbert kay Ruby na napapabuntong-hininga. Ang totoo kasi ay pinipigilan lang nito ang sarili, masakit dito ang biglaang pagpanaw ng mahal nitong babae, pero wala naman na itong magagawa. Ilang sandali pa'y muli silang nag-iyakan lahat nang magpasya na silang ilibing si Licienna, na pinigilan saglit ni Rica. "Wait lang baka nandiyan na ang mga rescuer! Kahit five minutes lang," pakiusap nito dahil kung tutuusin ay ayaw nilang ilibing sa ganitong paraan lang si Licienna. Natahimik naman ang lahat. Ngunit lumipas ang limang minuto, sampung minuto hanggang labin-limang minuto ay wala pa rin ang mga rescuer na inaasahan nila. Napahagulhol na lang ng iyak si Rica. Wala na itong magagawa at wala na itong tutol nang ilagay na nga nina Noel at Gilbert ang bangkay ni Licienna sa hukay. "Licienna.." Iyakan ang mga babae habang nagtutulungan silang tabunan si Licianna ng buhangin. Si Noel ang hindi nakayanan ang nakikita. Feeling niya kasi at mangyayari rin sa kanya ang ganito. At ayaw niyang isipin 'yon, na mamamatay rin siya oras na matagalan ang paghahanap sa kanila ng mga rescuer. Lumayo siya sa mga kaibigan. Pinaubaya na niya sa mga ito ang paglilibing kay Licienna. Doon sa 'di kalayuan siya nanghihinang umupo. At matamang nag-isip. Hindi talaga siya puwede pang mamatay. Ayaw niya talaga dahil hindi pa niya nakikita ang anak nila ni Aileen. Pero anong gagawin niya? Nasapo niya ang ulo. At napapikit siya ng mariin. T*ng ina! 'Di kaginsa-ginsa'y parang may naririnig siyang iyak ng sanggol. Napakislot siya at napaangat ng ulo. Tama! May naririnig nga siya! "Uha! Uha!" Iyak ng sanggol na parang palapit na palapit sa pandinig niya. Napatayo siya at hinanap ang sanggol. "Nasa'n ka?! Nasa'n ka?!" At napansin iyon ni Annie. Kinalabit ni Annie ang mga kaibigang nag-iiyakan kay Licienna at tinuro si Noel. "What the he's doing?" takang tanong ni Rica habang pipupunas nito ang mga luha sa pisngi. Lahat na sila ay kay Noel na ang tingin. "Parang may hinahanap," ani Gilbert. "Oo nga," sang-ayon ni Ruby. "Puntahan ko! Ako ng bahala sa kanya at baka sa labis na gutom na niya iyan!" prisenta ni Alliyah. Tumayo ito at lalapitan na si Noel. "Ikaw na ang bahala sa kanya, Alliyah. Kausapin mong mabuti baka mabaliw 'yan," may pag-aalalang habol na sabi rito ni Rica . Sana ay okay lang si Noel. Alam nilang nakakabaliw ang labis na gutom pero 'wag naman sanang panghinaan ng loob si Noel, lalo't ito pa naman ang sinasandalan nila ngayon na magkakaibigan. Dahil noon pa man ay si Noel na ang tumatayong leader at kuya nila sa barkada..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD