Imaculate's POV:
"Oh my gosh, Imaculate! Gusto ko pang mag-asawa! Baka rito na tayo mamatay! Masyado akong maganda at sayang ang lahi! I cannot mga bhie!" sigaw ni Hillary at gumulong nang atakihin kami nung Kraken.
Napailing na lamang ako. Si Hillary talaga kahit kailan! Hay naku, ang babaeng iyan talaga. Hindi ko alam kung mapapairap ba ako o matatawa.
"Ako rin ayaw ko pang mamatay! Anong gagawin natin? Anong plano?" sigaw ko at muling umiwas.
"Kayong mga babae, pumunta kayo sa unahan at lituhin niyo ang Kraken! Lalapit naman kami sa Kraken at babasagin ang mga kristal! Gawin niyo ang lahat ng magagawa niyo, kaya natin ito! Basta huwag lutang! Hindi ko sinasabing ikaw iyon Tres pero tang ina mo!" sigaw ni Cypher at lumangoy na.
Napailing na lamang ako, ang mga lalaking iyon talaga. Kaming tatlo ni Megan naman ay sinunod ang utos nila kahit kabado na kaming tatlo. s**t, paano na ito? Baka hindi gumana ang ancient blue fire! Masyado ritong malalim ang tubig. Baka hindi kayanin ng apoy at range ko ang pressure.
"Sa bandang kaliwa! Umiwas kayo!" biglang sigaw ni Megan at lumangoy papalayo.
"s**t Hillary, aabutan na tayo!" sigaw ko nang tumingin doong banda.
"Hindi! Halina kayo! Gamitan natin ng daya at powers!" sabi ni Hillary at hinawakan ang kamay ko.
Nagteleport naman kaming dalawa at s**t, mali kami ng napuntahan ni Hillary. Nakatungtong kami sa galamay nitong Kraken at sa kabila namin ay may kalaban. Ang gagang ito, mali ang tantya! Patay kami ngayon!
"Bilis! Baka maunahan nila tayo sa kristal!" sigaw nung babaeng may gintong buntot.
Bigla namang may tumama sa aming wave kaya nahulog kami ni Hillary. Napangisi naman ako at ibinalik ang oras. Akala niyo ah, magagaling din kaya kami. Taga Daredevil Academy ito 'no!
"s**t, paano niya nagawa iyon!?" pasigaw na tanong nung babae.
Sinubukan ko namang ipunin ang energy ball ng illusion of time. Ang alam ko ay bawat abilidad o kapangyarihan ay pwedeng kuhanan ng energy ball. Susubukan ko, maigi na rin ito at na-eexplore ko ang aking abilidad. Mas lumalawak din ang kaalaman ko. Maganda nga talagang napasama kami rito sa laro nila.
Nagtagumpay ako kaya ibinato ko iyon doon sa may kristal. Tumama ito ro'n sa kristal at unti-unti itong umitim at nagcrack. Nabasag naman ito at bumagsak sa lupa. Sa wakas, nakalagas ulit kami ng isa.
Ang galing, ibig sabihin napapatanda ng energy ball ko na illusion of time ang mga bagay-bagay? Grabe, ang galing! Ang lawak pala talaga ng abilidad ko. Kulang lang ako sa practice. Paniguradong magiging halimaw pa ako sa lakas kapag lalo akong nagsanay. Sa tulong ng mga kaibigan ko ay sabay-sabay kaming lalakas. Walang iwanan!
"Daredevil Academy, 20 points na kayo! Siren Academy, 10 points at HB High ay 30 points! 4 crystals remaining participants! Galingan niyong lahat! Mukhang mainit at dikit ang nagiging laban!" sigaw nung host.
Napalingon naman ako sa kabila namin ni Hillary. s**t, katabi pala naman ang HB High! Nakatingin sa akin itong si Pilosa at nakangisi pa. Ang sarap bunutin ng gilagid niya.
"Ay 'te, mukhang may galit sa iyo," bulong ni Hillary.
"Hi Lady Imaculate, ikinagagalak kong makita ka. Ako ba ikinakagalak mong makita? Mukhang hindi kaya nakakalungkot naman," Nakangising sabi ni Pilosa.
Susugudin na sana niya ako ng biglang sumulpot si Megan at sinugod si Pilosa. Nahulog sila sa sahig at doon naglaban. Mukhang mainit ang ulo roon ni Megan. Silang dalawa na ang magharap!
"Basagin niyo na!" sigaw ni Megan.
Pinigilan ko ang mga taga HB High habang si Hillary ang nagbato ng energy ball. Sala iyon pero bigla itong nagteleport at tumama sa kristal. Grabe kaya iyong gawin ni Hillary?
"Madadaya kayo!" sigaw nung babaeng patulis ang tenga.
"Ability iyon, walang daya b***h. Inggit ka lang eh," mataray na sabi ni Hillary at hinawakan ako.
Nagteleport na kami at napunta kay Megan. Hinila naman namin siya palayo kay Pilosa. Nanlaki naman ang mata namin ni Hillary, kulay asul na ang mata ni Megan! Anong nangyari sa isang ito? Bigla akong kinabahan. Baka mamaya ay kinagat siya nung si Pilosa!
"Anong nangyari sa iyo!?" sabay na sigaw namin ni Hillary.
"Ngayon ko lang natuklasan ang abilidad ko! Kaya ko palang kopyahin ang senses ng isang nilalang. Nakopya ko ang senses ng mga sirena, ang galing. Hindi ako makapaniwala," Masayang sabi ni Megan.
Nawala naman kami sa focus kaya nagsigawan kaming tatlo nang umangat kami sa lupa. Dinadala na pala kami ng ipo-ipo at nakalutang kaming nagpaikot-ikot. Sino naman kaya ang may gawa nito?
"Hawakan niyo ang kamay ko!" sigaw ni Hillary kaya pilit namin siyang inaabot ni Megan.
Nahawakan niya si Megan kaya sumenyas akong mauna na silang dalawa. Tumango naman si Hillary bago sila naglaho.
Sinubukan ko namang pabalikin ang ipo-ipo na ito pero hindi ko kaya. s**t, masyado itong malakas! Paniguradong ang kumokontrol nito ay si Trident na anak nila Queen Oceana at King River. Isa siya sa mga pwedeng mas malakas pa sa amin o kapantay namin.
"Ano, wala ka naman pala eh!" sigaw nung Trident at ngumisi.
Nagtangis naman ang bagang ko dahil sa panlalait niya. Biglang nag-init ang buong katawan ko kaya hinayaan ko itong kumawala. Parang mas lalong madaling natitrigger ang emosyon ko sa mga nangyayari.
Naglabas ako ng napakalakas na fire wave kaya nanlaki ang mata ko. s**t, gumagana pala ito kahit sa tubig!
Dahil sa ginawa ko ay nadala ang lahat ng dahil sa pwersang inilabas ko. Nawala rin ang ipo-ipo at bumagsak ako sa sahig.
"Nakakamangha, iba talaga ang mga taga Daredevil Academy! Tapos na ang First Wave mga kalahok! Magpahinga muna kayo at maghanda sa susunod na pagsubok. Maraming salamat sa partidipasyon para sa ngayong araw," anunsyo nung host kaya nakahinga ako nang maluwag.
Ramdam ko namang may tumulong sa aking tumayo, si Cypher pala. Ang yabang ng ngisi niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"Oh, bakit ganiyan ang tingin mo?" tanong ko.
"Lakas ng baby ko, pakiss nga. Galing galing eh," sagot niya.
Pipigilan ko sana siya pero nahawakan niya ang kamay ko at mabilis akong hinalikan sa labi. Napalip bite pa siya at naghiyawan naman ang mga sirena. Mahilig talaga sa atensyon!
"Kyahh King Lucifer ang gwapo mo!"
"Bagay na bagay sila ni Lady Imaculate!"
"Solid fans niyo kami!"
Sigawan ng mga sirena kaya natawa na lang ako.
Ipinulupot ulit ni Cypher ang braso niya sa bewang ko. Naglakad na kami papunta sa lungga namin kung nasaan nakalagay ang pangalan ng Daredevil Academy.
Pagpasok namin ay naging makaluma na ulit ang damit namin. Kaniya-kaniya naman kaming pwestong lahat at nagpahinga. Grabe, nakakapagod ang araw na ito. Halos araw-araw naman.
"Grabe, bwiset na bampirang isda na iyon! Ang sakit mangalmot!" inis na sabi ni Megan.
"Mas nakakainis naman iyong Trident, ayaw lumaban ng kamay sa kamay! Napakadayang nilalang!" inis na sabi rin ni Three.
Nagkwentuhan naman kami at nagtawanan. May dumating din na pagkain kaya kumain na kaming lahat. Mabuti na lang at natunawan na kami bago pa ulit kami tawagin. Bitin na naman kami sa pahinga.
Ang sabi, limang wave lang naman daw mayroon ang Siren Games. Baka nga raw bukas ay matapos na agad ito, alam naman daw nilang may hinahabol kaming oras.
"Imaculate tara na," yaya ni Cypher at inalok ang kamay niya sa harap ko.
"Tara na," Sabi ko at tinanggap ang kamay niya.
Pasimple naman kaming nagkiss sa lips nang tumalikod na ang mga kaibigan namin. Kinindatan naman ako ni Cypher, loko talaga.
Paglabas namin ay hinarang kami ng mga bantay. Kailangan daw naming magpalit ng damit na komportable kami dahil paa raw ang gamit namin sa susunod na laban. Ano na naman kayang pakulo ng mga sirena?
"Ano kaya ang gagawin natin?" tanong ko.
"Ewan," sagot naman sa akin ni Xavier.
Mayroon namang dinalang kahon para sa amin na tig-iisa kami ang mga bantay. Kinuha ko naman ang kahon kung saan nakalagay ang pangalan ko at binuksan ito.
Isa itong kulay pulang sports bra at leggings. Nagpunta naman kami nila Megan sa cr ng mga babae at nagbihis.
Paglabas namin ay nakabihis na rin sila Cypher. Nakajogger sweat pants sila at t-shirt din na kulay pula. Ngayon ko lang din napansin, may Daredevil Academy pala na nakalagay sa gilid ng hita namin.
Nakapaa naman kaming lumabas. Hinawakan ulit ni Cypher ang kamay ko at sabay kaming naglakad.
Napatingin naman ako sa braso niya. Grabe, ang gandang tingnan nito dahil maugat. Ano kayang ginagawa ni Cypher at ang ugat ng mga kamay niya? Siguro naggygym siya? Baka nga.
Nang makalabas na kami ay napatingala ako. May walong lubid na nasa itaas. Ano kaya ito? Anong gagawin namin doon?
May tubig pa rin sa paligid pero may ipinainom sila sa aming gamot kanina para makahinga pa rin kami. Umepekto naman ito kaya nakakahinga kami ngayon.
"Maligayang pagbabalik mga kalahok! Pagmasdan niyo ang Second Wave: Balance!" Sigaw nung host at naghiyawan ang mga sirena.
"Simple lang ang laro, lahat kayo ay babalanse sa lubid. Dalawa ang maglalaban at kailangan niyong hindi mahulog. Ang mahulog ang siyang talo! Sampung puntos sa bawat mananalo kaya galingan niyo!" Sigaw ulit nung host.
Lumabas naman sa board ang mga maglalaban-laban. Una ang HB High at Bermudez High. Pumwesto naman silang lahat at bumalanse na sa lubid.
Namangha naman ako sa pakikipaglaban nila. Ang mga half-bloods, napakaganda ng kanilang itsura. Nakapukaw naman ng atensyon ko ang babaeng may matulis na tainga at iyong lalaking may dilaw na mata.
Sabi sa akin ni Cypher, iyong babae raw ay half-siren at half-fairy. Iyong lalaki naman ay kalahating werewolf at kalahating sirena. Napakagaling, ano kaya ang itsura ng kalahating demonyo at sirena?
Naglaban na sila at HB High ang nanalo. Hindi namin maipagkakaila na magagaling nga talaga sila.
Kami na ang sunod kaya umakyat na kaming lahat at pumwesto. Bumalanse naman ako sa lubid pero medyo nahihirapan pa ako.
Siren High ang kalaban namin at mukhang mga eksperto na sila. s**t, baka matalo kami rito.
"Ako si Princess Flora, ikaw siguro si Lady Imaculate. Ikinagagalak kitang makilala," nakangising pakilala niya sa akin.
"Mag-uumpisa na ang pangalawang laban. Mga kalahok, galingan niyo! Ang may pinakamaraming puntos ulit ang mananalo!" sigaw nung host.
Nagsimula naman akong tumulay at nanginginig pa ang tuhod ko. s**t, paano na ito? Ang hirap na nga bumalanse, ang bigat pa ng katawan ko!