Chapter 5

665 Words
Brielle's P.O.V. *11 MESSAGE REQUEST* Medyo draining yung pakiramdam ko ngayon kaya wala ako sa hulog makipag usap. Nag-scroll scroll lang ako saka nag-basa ng mga motivational quotes na makikita sa feed. Nandito ako ngayon sa may school cafeteria upang kumain habang hinihintay ko yung bestfriend kong si Elodie na hindi pa rin tapos kumuha ng pagkain nya mula sa nakahanay na mahabang lamesa. Si Christian. Sya lang madalas kong nakakachat pero nakapagtataka dahil ilang araw na yung lumipas pero hindi pa rin ako nakakatanggap ng reply mula sa kanya. Kamusta na kaya sya? Sa dami ng nakausap ko, sya lamang yung pinaka nagtaggal. Sobra akong napalapit sa kanya kahit na puro daing lang sa buhay ang madalas naming pinaguusapan. Ewan ko ba pero masaya ako kapag sinasabi nya na napapagaan ko yung loob nya sa tuwing nagkakausap kami. Hopefully, magkita tayo someday. At 'yun lang ang huling mensahe ang nataggap ko mula sa kanya. Hindi pa talaga kami nagkikita dahil hindi naman sya nagbibigay ng kanyang litrato. Hindi pa rin namin nasubukan mag video calling dahil daw ay nahihiya sya. Gayun pa man, masaya na ko na sa loob ng tatlong taon, dalawang beses ko na narinig yung boses na minsan syang tumawag sa'kin. Naalala ko nung una naming pagkilala taong 2014. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari nang s'ya ay nag-messag at nag tanong kung pwede ko ba syang makausap. At dahil hindi pa naman pa naman ako dinalaw ng antok noon, (alas dos ng madaling araw), ay sumang-ayon naman ako sa kanya. Patuloy lang syang nagkukwento ng iba't-ibang karanasan nya habang ako naman ay tahimik lang na nagbabasa at nakikinig sa mga sinasabi nya. "Does anyone knows what you are going throught? Wala ka bang malalapit na kaibigan na pwede mong sabihan?" "Wala", sagot nya. "Eh,.." yun lang ang nasagot ko kasi kahit subukan ko na ilagay yung sitwasyon ko sa kanya, hindi ko pa rin ito mauunawan dahil hindi ko naman pinagdaanan. "Buti nalang nandyan ka," sabi n'ya. "Bakit naman?" "Wala talaga akong ibang makausap. Pagod na ko." "H-ha? Anong ibig mong sabihin na pagod?" "Galit sakin ang parents ko kasi hindi ko sinunod yung gusto nila. I just wanted to be happy with myself." "BRIE!" sigaw ni Elodie na lumalakad papalapit sa kinauupuan ko. Agad nyang binaba yung tray na may lamang pakakain sa lamesa sabay hawi ng palda nya upang ito ay umupo. "Ba't ngayon ka lang? Tapos na kong kumain oh!" "Ang haba kaya ng pila! Palibhasa hindi naman ako nagdadiet na katulad mo," kunwaring pagalit na sabi nito. "Ha-ha! K. fine!" "Oh, bakit natahimik ka?" tanong nya. "Ilang araw na kasi yung nakalipas pero naiisip ko parin yung mommy mo. Alam mo bang sobrang galit na galit sya sakin?" malungkot na sabi ko. "Bestfriend, ano ka ba! ganon lang si mommy. Kasalanan ko ko kaya yun kasi ang dami kong nainom." "Loka-loka ka kasi!" sabi ko tapos mahinhin ko lang na tinapik yung batok nya. "Crush ka nung lalaki! Ops! - and speaking ha, babae ka dito pala sya nag-aaral!" patili na sabi nito. "Type mo yun hindi ako." "Muntik ka na kayang matunaw sa mga titig nya hahaha! "Ano ako ice-cream? "Oo tapos sya ang apa. Ang sarraaaaap!" nasisiraan na talaga sya. "Wag ako ha, hindi ko sya type. Ayoko sa mga lalaking nasusuot ng checkered--" "Apa!"pangaasar nya. "Nakikiliti ako Elodie!" pano ba naman kasi tinutusok-tusok na naman nya ako sa tagiliran. "Kanina tahimik ka ngayon naman bakit pangiti ngiti ka?" pinag cross nya yung mga braso nya saka tumitig sakin. "Hmm." "Whaat!?" tanong ko. "Si Christian na naman ba yan?" taas-kilay pa sya habang uminom sa water bottle. "Friends lang kami nung tao. Besides, never pa kaming nagkita. Imposible naman na magkagusto ako sa kanya," paliwanag ko. "Pwede yun! Kung love ipaparramdam nya sayo, for sure mamahalin mo sya. Kilala kita Brielle, marupok ka eh!" walang tigil sa pagtawa si Elodie at muntik pang lumabas mula sa bibig nya yung repolya na kinakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD