Paglapag ng chopper sa private landing pad ni Damon sa Forbes Park, pakiramdam ko parang buong katawan ko’y mabigat na ulap na hindi humupa kahit nakabalik na kami sa lungsod. Walang island breeze. Walang tunog ng dagat. Ang kapalit ay concrete jungle at malamig na hangin ng airconditioned lobby. Tahimik ang gabi. Pero hindi ang dibdib ko. Pagbukas ng front gate ng mansion, nakita ko agad ang pamilyar na silhouette sa ilalim ng portico. “Captain…?” Napahinto ako sa hakbang. “Ma’am Skyra…” Parang biglang nawala ang paligid. Ang pamilyar na boses na akala ko’y hindi ko na muling maririnig. Tumakbo ako. Hindi ko na pinansin ang heels ko na tumama sa marble floor. Hindi ko na pinansin ang coat kong dumulas sa balikat ko. “Captain Reyes!” Paglapit ko, bumungad sa akin si Captain Reyes

