Chapter 2

1144 Words
JIN "Oh fck! Why did you do that, bro? I'm fcking asleep! Please, get out of my room! Leave!" Tangina! Inaantok pa ako. Anong oras na kami natapos sa dalawang btch na iyon. Ang kati-kati. "Jin, mom's called us! Yari tayo!" Napatayo ako agad sa sinabi ni Jim. Tangina! Seryoso ba siya? "Fck you, bro! Paano malalaman ni mommy? Hindi ni--" binatukan ako ni Jix na nakatayo sa likod ko. Hindi ko siya nakita. Ang sakit ng batok niya. "Na-corner sila Dad!" Oh fck! Yari nga kami. "Jin, Jix and Jim! Bumaba kayo r'yan! Kung ayaw niyong bababa kayong gumugulong!" Napatingin kaming tatlo sa isa't isa. "Fck! Explain to Mom, Jix! Ikaw ang favorite ni mommy sa ating tatlo." Namutla siya sa sinabi namin. "Not anymore. Si Jas--" Hindi natapos ni Jix ang sasabihin niya ng may magsalitang duwende este tao, "yari kayo!" Nakita namin ang bubwit naming kapatid na babae habang nakataas ang hintuturo nito sa amin. "Dead na kayo kay Mommy. Come on, big bro's, baba na raw kayo sabi ni mommy." This little b***h! Lalapit sana si Jim sa kanya pero agad itong sumigaw, "Mommy!! Sinaktan ako nila kuya! Help me, Mommy!" At, biglang tumakbo pababa. Tngina, yari talaga kami. "Best actress." Umiiling-iling na sabi ni Jix. "Kasalanan mo, binaby talk mo ang duwendeng iyon." Angil ni Jim sa kanya. "Bumaba na tayo. Dapat maawa si mommy sa mukha natin, okay?" Ani ko at tumango ang dalawa. Pagkababa namin sa sala, nandoon silang lahat. Sina mommy, dad's and Jasmine. Our wicked little sister. Inukutan lang kami ng mata nito. Kasalanan talaga ni Jix 'to. Nakatayo kami sa harapan nila, para kaming mga magnanakaw o akyat-bahay na nahuli ng may-ari at ito kami nililitis. Ang dalawa kong kapatid ay nakayuko na. Paano naman kasi nakakatakot si mommy. Iyong mata ni mommy. Tsk. Yari nga kami. "Bakit parang mga tuta kayo na nakayuko, ha? Ang galing-galing niyong gumawa ng kalokohan, sinama niyo pa 'tong dalawa ito!" Napalunok ako at nakita kong 'di rin umiimik sila Dad. Sabi nila Dad, "'wag na 'wag niyong gagalitin ang mommy niyo. Iba magalit niyon." Ito na ba iyong sinasabi nila sa amin? "Bakit ayaw niyo sumagot! Fudge! Kaninong galing ang bar na iyon!" Nagsisikuhan na kami kung sino ang sasagot. "Jix! Sabi ko sa'yo bantayan mo iyang dalawa mong kakambal pero pati ikaw sumama!" Gusto ko sana ngisihan si Jix pero baka sa akin mapunta ang usapan. Favorite ni Mommy mukhang masasabon. "I'm s-sorry, Mom." "Sorry? Iyon ba ang hinihingi ko, Jix?" Biglang nagawi ang tingin ni Mommy kila Dad, "kayo? Sabi ko 'wag niyong tuturuan ng kabalastugan ang tatlong 'to pero 'di niyo ko sinunod!" "Wifey ma---" "Malaki na sila? Palayasin ko kaya ang mga iyan. Diba malaki na sila, Carl?" Natuptop ang bibig ni Dad at tumahimik na lang ulit. "Wifey, ako na bahala sa mga iyan. Kakausapin ko. Hindi magsasalita ang mga iyan sayo. Alam mong takot sila sayo." Masuyong sabi ni Daddy sa kanya. "Bahala kayo mag-usap-usap! Pare-parehas naman mga laman-loob niyo! Come on, Jasmine, 'wag kang gagaya sa mga iyan." Huling sabi ni Mommy sa amin at sumunod ang bubwit naming kapatid. "Bleh!" Aba! Nangdila pa ang duwende. Uupakan ko sana pero pinandilatan ako ni Dad. Nang makaayat sila mommy sa taas agad kaming kinausap nila Daddy. "Sit down the three of you!" Seryoso na si Daddy na iyan. Kaya agad kaming nag-unahan na umupo. Nakakatakot boses niya. Creepy. "I told you, boys, 'wag na 'wag malalaman ng mommy niyo ang tungkol sa bar! Paano niya nalaman? Na-corner kami ng Dad niyo, hindi kami marunong magsinungaling kapag sa kanya!" Lahat kami napalunok dahil sa sermon ni Daddy sa'min. "Easy, Carlos, they're turning 21 already. Nandito na, nalaman na ni Jewel, sabihin na natin ang totoo. Business nila ang bar at anong masama roon?" Pangungumbinsi ni Dad kay Daddy. "Okay, explain to her. Carl, simulan mo na mag-explain." Tumingin kami kay Dad at napalunok ito. "Why me? May kasalanan pa akong hinaharap kay Jewel." Hindi namin alam kung ano iyong tinutukoy ni Dad. Umiling naman si Daddy sa kanya. "Anong gagawin niyo, boys? Malaki na kayo, 21 yrs of age, kayo ang kumausap sa Mommy niyo habang 'di pa kayo pinapalayas dito." Agad kaming napalunok at tumingin sa isa't-isa. Sino ang kakausap kay Mommy? Wala kaming nagawa kung hindi umakyat at nadatnan namin sila Mommy sa kama habang nanonood ng tv. Kumatok kami sa pinto para sabihing nandito kami. Ang tapang-tapang ko at ang lakas ng charisma ko sa mga girls sana gumana kay Mommy. "M-mommy..." Nauuna sa amin si Jix, siya ang gagawin naming panangga kapag nabato kami ng unan na hawak niya. "What?" Tangina! Lakas talaga mang-asar ng duwendeng ito. Nasa harap siya ni Mommy at dinidilaan kami. "W-we're sorry, Mommy. 'Di na po mauulit." Napalunok kaming tatlo at hinihintay ang sasabihin niya. "Kailan pa nag-umpisa iyon?" Si Jix ang sumagot, "L-last three months, mommy. I-iyon po ang hiling namin kina Dad at Daddy, M-mommy. We're sorry." Ganyan nga Jix gamitin mo ang pagiging favorite son. "Bakit hindi niyo sinabi?" Hindi nakatingin si Mommy sa amin habang tinatanong kaming tatlo. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa tv, sa kanilang pinapanood. Okay na rin iyon, atleast hindi namin makikita ang nanlilisik niyang mga mata. Nakakatakot pa man din si Mommy. "B-baka po kasi 'di niyo kami payagan mag-business," si Jix lang pinapasagot namin. Baka ano pa masabi namin. "Talagang di ko kayo papayagan! It's a bar! Alcoholic drinks is everywhere and some girls! Ayaw at sa gusto niyo, ipapatigil ko niyang business niyo! Akala niyo hindi ko alam kung anong mayro'n sa bar na iyan!" Napaatras kami ng tumayos siya at tumingin sa amin habang nakaduro ang kanyang hintuturo sa aming tatlo. "Diyan niyo dinadala ang mga babaeng kinakama niyo!" Patay. We're dead. Goodbye, Earth! Napalunok ako sa sinabi niya. Paano nalaman ni Mommy? "Bakit hindi kayo tumulong sa business ng mga Daddy niyo? Hindi niyang bar ang inaatupag niyo! Tandaan niyo 'tong tatlo," tumingin kami sa kanya, "sa CJL Company kayo papasok starting tomorrow. No buts. Understood?" Tumango agad kami. Mahirap na. "Umalis na kayo sa harapan ko kung ayaw niyong putulin ko mga allowance niyo!" Agad kaming sumibat. Bumaba kami sa sala pero wala na roon sila Daddy, baka nasa study room na sila. Lumabas kami sa garden at naligo na lang sa swimming pool. Kailangan ko ngayon ito. "CJL Company here we go!!" Si Jix lang masaya sa amin. "Paano iyong bar natin? Kawawa ang mga employee natin." Saad ni Jim. "Sila Daddy na bahala roon." Ani ko. "Isipin natin kung paano tayo makakapagbabae kung sa office na tayo? Tngina, brothers, kawawa mga buddy natin." Dugtong ko. Bigla silang tumahimik. "We can fck pa rin naman, right? Every friday after our office time." Ngisi ni Jim. Yeah! Hindi pa rin mangangayat ang mga alaga namin. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD