ALDRICH: YAKAP-YAKAP KO si Monica na nakakalong sa akin. Hindi kasi makalakad. Fvck! Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya dahil para na siyang sakang na hindi maipit ang mga hita! Napaghahalataang nabiyak ko na ang kanyang talaba! Shiit! Napapangiti naman ang dalawa sa amin na halatang alam na alam kung bakit hindi makalakad ang Mokang ko. Napasandal ito sa dibdib ko na yumakap sa braso ko. Nakasakay pa rin kami ng bangka pabalik ng bahay. Sana lang ay wala na doon ang pamilya ni Monica. Hindi ko alam kung paano magpapalusot sa kanila ng kapani-paniwala kapag nandon pa sila at makita ang Mokang nila na hindi makalakad! Naman! Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Hindi pa kami formal na nakipag-usap sa mga magulang ni Monica ng tungkol sa amin. Kahit may duda na

