ALDRICH: TAHIMIK akong nakaupo dito sa kubo sa harapan ng bahay nila Monica. Malapit sa dagat ang bahay nila. Mangingisda ang step-father nito habang si Tita Mona ay siya na ang nag-aalaga sa mga nakababatang kapatid ni Monica. Nabuntis ng turista si Tita Mona noong dalaga pa ito. Kaya sa limang magkakapatid ay kapansin-pansin ang kagandahan ni Monica dahil may lahi ito. Sa mga mata niya pa lang at kutis ay masasabi mo kaagad na hindi siya purong pinay beauty lang. Mabuti na lang at mabait ang pangalawang ama nito. Si Tito Carding. Hindi nito binibilang na iba si Monica. Kundi totoong anak ang turing niya dito. NAPAHINGA ako ng malalim na sa dagat na kaharap ko nakatanaw. Ramdam ko naman ang paglapit sa akin ng kung sino. "Hey," malambing pag-untag nito. Napabuga ako ng hangin na p

