MONICA: NAPADAPA akong humahagulhol na niyakap ang unan pagdating ko ng silid namin ni Aldrich. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga sandaling ito. Kahit alam ko sa sarili ko na walang gusto si Aldrich sa akin ay nadudurog pa rin akong makumpirma iyon mula sa kanya. Lalo na ang malamang. . . may mahal na pala siya. Wala akong kalaban-laban sa natitipuhan niya. Isang international model si Mis Lara Mondragon. Matangkad. Sexy. Napakaganda at nagmula sa tanyag na pamilya dito sa bansa. Ang pamilya Mondragon. Kasalukuyan ding Presidente ng bansa ang ama nito. Si Mr Adrian Mondragon. Isa lang akong katulong nila Aldrich kung tutuusin. Kaya ako nandidito sa tabi niya. Dahil ako ang Yaya niya. Ako ang naatasan ni Ma'am Diane mula sa mansion na maging tagapagsilbi ni Aldrich

