TPOV: NAPASUKSOK si Monica sa sulok ng silid na makita ang kakaibang pagnanasang naglalaro sa mga mata ni Ralph! Takot ang nangingibabaw sa kanyang puso at isipan sa kung ano mang planong gawin sa kanya ng lalake! Nakikilala niya ito. Amg asawa ni Cielo! Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanyang gawi na may malapad na ngisi! "H-hwag kang lalapit!" nauutal na pagbabanta nito. Pero ngumisi lang ang lalake na patuloy sa paglakad at hinahagod ng tingin ang kanyang kabuoan! Nakakatiyak siyang hindi ibibigay nila Aldrich ang halagang hinihingi nito na 500 billion para sa kanyang kalayaan! Para siyang maiiyak na hindi malaman ang gagawin! Pakiramdam niya ay mag-isa lang siya ngayon at walang ibang maaasahan kundi ang kanyang sarili! Napahinga ito ng malalim na may sumagi sa isipan

