MONICA: LUMIPAS ANG MGA araw na mas naging makulay at masaya ang pagsasama namin ni Aldrich sa pagbabalik namin ng syudad. Araw-araw na itong pumapasok ng kumpanya at naiiwan naman ako ng unit. Maaga din naman itong umuuwi dahil alam nitong wala akong ibang kasa-kasama dito sa unit. Naiiling na lamang ako na sa tuwing dumarating ito ay meron at merong dalang pasalubong sa akin. Human size teddy bear, bouquet at red roses at chocolate. Kahit dati pa naman ay spoiled na ako dito. Pero mas lalo siyang naging clingy ngayon na kahit nasa trabaho ito ay oras-oras pa ring tumatawag para lang kulitin ako at alamin ang mga ginagawa ko dito sa unit. Napaka-sweet nitong dinaig pa ang teenager kung mangulit. At syempre? Ginagabi-gabi ako nitong kinakain at pinapasok na gustong-gusto ko naman.

