Talaba

1214 Words
MONICA: HINDI ko maitago ang kilig at sayang nadarama habang naglilibot kami ni Aldrich dito sa luxury resort na pinag-book-an namin good for one week! Mabuti na lang at galante mag-treat ang mokong at pumayag na one week kaming dalawa dito sa Maldives! Nalulula talaga ako sa ganda ng beach resort nila dito. Napakaganda at romantic ng buong lugar lalo na sa mga katulad naming newly wed. Shemayy! asawa ko na ang mokong na playboy! "Aldrich, oh? Ang daming gwapong hayop," bulalas ko na naituro ang gawi ng mga foreigner na nag-iinuman sa kalapit naming cottage. Umasim naman ang mukha nito na napasunod ng tingin sa itinuro ko. "Gwapo? Tsk. Itong kaharap mo ang gwapo, Nics. Sobrang gwapo," ismid nito na sumipsip sa straw ng buko juice nito. Ako naman ang umasim ang mukha sa papuri nito na gwapong-gwapo na naman sa sarili at binubuhat ang sariling pwet haist. "Gwapo nga, babaero naman," pasaring ko. Napahagikhik naman itong pinaningkitan ako habang tila nang-aakit ang mga mata at ngisi. "Habulin lang sweetheart. Magkaiba ang habulin sa babaero," pangangatwiran nito na ikinangiwi kong tinaasan ito ng kilay. Matamis naman itong ngumiti na nagtataasbaba ng kilay. Napairap ako ditong sa ibang direction na lamang binaling ang paningin. Maya pa'y tumabi ito na inakbayan akong ikinapitlag ko! Tuloy maging ang puso ko ay tumatalon-talon na naman sa loob na kinikilig sa paakbay ni mokong! "Lumayo ka nga, nakakaasiwa ka," asik ko na nakurot ang pandesal nitong nakalitaw. Nakabukas kasi ang mga butones ng suot nitong puting polo na pinaresan ng itim na short. Agaw attention nga naman ang kagwapuhan ng mokong lalo na ngayon dahil nakabulandra lang naman ang walong pandesal nitong namumutok! "Sus, kunwari ka pa. Kinikilig ka nga e," panunukso nitong ikinaasim ng mukha ko. Malutong naman itong napahalakhak na mas kinabig pa ako padikit sa katawan nitong parang bato sa tigas. LIHIM akong napapangiti habang nakayakap si Aldrich sa akin mula sa likuran ko at nakapatong ang baba sa ulo ko. Nakaharap kami sa dagat kung saan kulay kahel na ang paligid dahil sa papalubog na araw. Napakagandang pagmasdan ng sunset dito sa gilid ng pampang. Humahampas sa amin ang malamig na simoy ng hangin at ang sarap sa balat ng sikat ng araw na katamtaman lang. Idagdag pang nakapagwapo at macho ng lalakeng yakap-yakap ako. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang paraiso ako. Totoong paraiso sa ganda ba naman ng lugar! "Let's go, sweetheart. It's getting dark," bulong nito sa punong-tainga ko sabay halik sa pisngi kong ikinasinghap ko. Hindi ko alam pero. Ibang-iba ang paglalambing ni Aldrich sa akin ngayon. Na tipong para talaga kaming mag-asawa kung umasta ito. At aminado akong gustong-gusto ko ang Aldrich na kasama ko ngayon. Hindi kasi siya napapabaling sa ibang babae. Kahit may mga makakapal pa rin ang mukha na yari yata sa espalto ang pagkakagawa kaya masyadong matigas at hindi makaramdam na may kasama na itong lalakeng pinagpapa-cute-an nila tsk. Habang kumakain kami ay panay ang pag-asikaso nito. Hindi ko tuloy maitago ang pag-iinit ng pisngi ko at pagsilay ng ngiti ko sa ikinikilos nitong parang totoong asawa ko. Napapangiti at kindat naman ito sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Napapailing na lamang ako dito para itago ang kilig na nararamdaman ko sa mga pakulo nito ngayong araw. Kilala ako ni Aldrich na hindi attracted sa kanya. Dahil 'yon ang pinapakita at pinapadama ko sa kanya. Sa ganoong paraan ay hindi siya naiilang sa akin. At sa ganoong paraan ko rin siya. . . malayang nakakasama. "Are you full, sweetheart?" anito na nagpunas na ako ng table napkin sa bibig. Napainom ako ng pineapple juice ko bago tumango na kiming ngumiti dito. Napainom na rin ito ng kanyang drinks na nagtawag ng waiter at sinenyas ang bill namin. "Inaantok ka na ba?" anito habang palabas na kami ng restaurant. "Medyo," pagod kong sagot. Inaantok na kasi ako. Tinitiis ko lang labanan dahil gusto kong kasama ito. Baka mamaya niyan malingat lang ako ay may katukaan na ito sa tabi-tabi. Kakakasal pa lang namin pero mambababae na ang mokong! Magkaakbay kami nitong pumasok ng hotel kung saan kami naka-check-in. Pasipol-sipol pa ito na ini-enjoy na masyado ang pagyakap-yakap sa akin tss. Ang playboy talaga ng mokong. Buti na lang hindi siya manyakis. Tumuloy kami ng room namin. Nakakainis lang na iisang silid ang kinuha nito. Para tuloy kaming totoong mag-asawa. Kasa-kasama ko siya sa bahay pero hindi naman kami nito nagtatabi matulog e. At sanay akong naka-panty lang na matulog. Natuod akong sunod-sunod na napalunok na sumagi iyon sa isipan ko Shemay ko po! "M-may problema tayo," bulalas ko habang nakamata sa kama na nakagitna dito sa silid! "Hmm? Ano?" takang tanong nito na isa-isa ng kinakalas ang butones ng suot na polo. Nag-init ang mukha kong nag-iwas ng tingin dito. Nakaharap kasi siya sa akin habang hinuhubad ang polo niya at 'di ko maiwasang mag-init ng mukha! Ang lakas kasi ng dating nito lalo na't may pilyong ngiting naglalaro sa kanyang mga labi! Pakiramdam ko tuloy ay nilalandi niya ako! Susmi, ginoo 'wag po! Baka bumigay ako! NAGLAKAD ito na dahan-dahang kinagat ang ibabang labi habang malagkit na nakatitig sa mga mata ko. Sunod-sunod akong napapalunok. Dama ko ang init na unti-unting nabubuhay sa aking himaymay! Kahit gusto kong tumakbo at iiwas ang paningin ay hindi ko magawa. Nakatuod lang ako sa kinatatayuan habang nakatitig ditong tuluyang inalis ang hinubad na polo! Namimilog ang mga mata ko. Sanay na ako na masilayan ang kakisigan ni Aldrich pero ibang-iba ngayon dahil nasa iisang silid lang kami at bagong kasal. Baka naman totohanin nito ang honeymoon namin!? Shemay God. Hindi ako prepared! Wala pa nga akong shower mula sa pamamasyal namin sa labas! Napapitlag ako na hinaplos ako nito sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ito. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko! Para akong hindi makahinga sa sobrang lapit nito. Dahan-dahan itong yumuko hanggang sa magpantay ang aming mga mukha. Napatitig ako sa kanyang mga mata na nakatitig sa aking mga labi. Hindi ko tuloy mapigilang impit na mapairit sa aking isip-isip! Para akong kinikiliti sa ginagawad niyang pagtitig na napakalagkit! Shuta! Paktay na ako! Bumibigay na ang panty ko! "Sweetheart," anas nito. Napaawang ako ng labing ikinalunok nitong doon pa rin sa mga labi ko nakamata. "A-Aldrich, bi-bibinyagan mo na ba ako?" nauutal at mahinang tanong ko. "AHHH!" NAPADAING ako na sinamaan ito ng tingin sa pagpitik nito sa noo ko. Napabusangot akong nahaplos ang noo kong pinitik nitong ikinabalik ko sa. . . realidad!? Malutong naman itong napahalakhak na nagpamewang sa harapan ko! Nag-init ang pisngi ko na mapasadaang nakadamit pa naman ito! Shiit! Imagination!? "Hoy, Mokang. Pinagpapantasyaan mo na naman ba ako, hmmm?" tudyo nito na may ngisi sa mga labi! Namilog ang mga mata at butas ng ilong kong malutong nitong ikinahalakhak na napapailing! "Ang kapal mo naman! H-hindi noh!?" asik ko para itago ang pagkakabisto ko! "Really, ha? Tinanong mo nga ako kung bibinyagan na ba kita habang nakamata ka sa kama e," patuloy nitong panunukso na lalong ikina-iinit ng mukha ko! Kitang tuwang-tuwa na naman itong inaalaskador na naman ako! "Kapal mo! Hindi ko ibibigay ang talaba ko sayo," asik ko na nagdadabog nagtungo ng banyo! Napahalakhak lang naman itong nang-aasar pa rin! Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD