Mula sa mahabang pagtulog ko ay nagising ako sa isang malakas na tugtugan sa labas. Iminulat ko ang mga mata ko at bigla na lang akong napatingin sa orasan. Nakatapat ang maliit na kamay ng orasan sa alas dose at nakatapat naman ang mahabang kamay ng oras sa alas dose rin. "Twelve o'clock?" sambit ko na lang. Napalingon ako sa paligid ko at nakita kong wala si William rito kaya tumayo ako sa kinahihigaan ko at sumilip ako sa labas at napansin kong madilim ang kapaligiran ngunit maingay ito. Tumingin ako agad sa cellphone ko at nakita ko ang petsa. "Birthday ni Kendra ngayon." sambit ko na lang bigla. Hinanap ko sa loob si William ngunit hindi ko siya makita hanggang sa nakita ko ang isang maliit na kapiraso ng papel sa la mesa ng kusina. Binasa ko ito agad at nalaman kong pumunta siya

