Malakas ang ulan noon nung nakita kong nakahandusay sa kama ang walang malay kong ina. Mahina na ang kanyang pulso! Agad akong tumawag ng ambulansya upang maidala siya sa malapit na ospital ngunit nasa biyahe pa lamang kami ay binawian na siya ng buhay. Mabigat sa dibdib na tanggapin na ang ina kong matagal na nawalay sa akin ay hindi ko na muling makikita pa. Matagal na panahon na din ang lumipas mula ng iniwan ko ang pamilya ko upang ipagpatuloy ang pangarap kong makapag trabaho sa lungsod ngunit hindi ko alam na ito pala ang dadatnan ko pag uwi ko sa aming tahanan. Isang malamig na bangkay. Agad na sinuri ang ina ko upang matukoy kung anong naging ugat ng kanyang pagkamatay. Tinanong ko ang doctor na sumuri sa kanya at napag alaman ko na hindi pala siya namatay dahil lang sa katanda

