EPISODE 2

2756 Words
Minsan talaga kapag nakikita ko si Zach nasisira ang ulo ko hindi ko alam kung tanga-tanga 'tong tao na 'to o kukupal-kupal lang talaga. Akala ko magiging maganda ang araw ko ngayon dahil sa note na binigay ni Charles sa akin ngunit parang bumaliktad yata ang kapalaran ko at mas lalong naging worst ang araw ko dahil sa mokong si Zach. Maganda na nga yung mood ko ng pumasok ako ng building na 'to nasira lang kay Zach na mukang alipunga yung mukha! Nasusubukan talaga ni Zach ang patience ko. "Hindi talaga ako nilulubayan ng mga peste! Sa bahay may peste! Sa trabaho may peste pa rin!" inis kong sambit. Kapag nag patuloy ang mga ganitong pangyayari sa akin baka mabaliw na ako. Hindi ko parin kayang i-handle ang takot lalo na hanggang ngayon nakikita ko pa rin siya sa mga panaginip ko kahit anim na taon na ang nakalipas mula ng mawala siya. "Pull yourself Agatha." sambit ko habang kinakalma ang sarili ko. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko at kinalma ko ang sarili ko. I know! I know! Mahina akong tao tanggap ko naman na mahina ako in physical and spiritual aspects of my life kasi since birth na akong mahinang tao at ilang taon na akong hindi nag sisimba ni hindi ko na nga nababanggit o naaalala na magsimba dahil sa madaming dahilan. Masamang makalimot pero hindi mo ako masisisi dahil minsan ko na rin siyang itinanggi dahil sa mga nangyari sa buhay ko.  But I still have a fear to our God even I didn't go to church for several years. Finally! Nawala na sa isip ko ang takot at nakapag focus na ako sa trabaho ko sobrang busy ko ngayon dahil mag uundas na at madaming empleyado ang nag leave at mag le-leave sa trabaho. Lumipas ang dalawang oras ng pag tatrabaho ko ay biglang lumapit sa akin si Anna isa sa mga empleyado namin. Nakatayo lang siya sa harap ko at nakatitig sa akin habang yakap-yakap ang isang malaking brown envelope. Nakatingin lang din ako sa kanya habang inaantay na magsalita siya ngunit dahil sa kilala ko na itong tao na 'to na hindi mahilig magsalita ay ako na ang unang nagsalita sa aming dalawa. "Ano yun Anna? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Iniabot niya sa akin ang envelope na dala niya at kinuha ko ito. "Ano 'to?" tanong ko mula sa kanya. "Ahmmm... Ms. Aga? Ah Ah Ahmm," utal-utal nitong sabi. Napakunot ang noo ko sa kanya kaya binuksan ko na ang envelope na inabot niya sa akin. Vacation Leave. "Jusko naman Anna! Vacation Leave lang pala bakit hirap ka pang mag sabi sa akin? Pipi ka ba? Sinasabi ko sayo paulit-ulit na Anna na walang mangyayari sa buhay mo kung paanga-anga ka sa mga bagay-bagay dapat matuto kang makisama sa mga tao at makipag usap hindi yung puro ka nalang ganyan," panenermon ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin na para bang lumabas pasok lang sa tenga nga yung sinabi ko. "Ano? May sasabihin ka ba?"galit na tanong ko muli sa kanya. "Ano po. Mag papaalam po sana ako na mag le-leave sa darating na biyernes?" tugon nito sa akin. "Bakit kita papayagan? Anong meron sa biyernes?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ng matalim sa kanya. "Nasa bingit na po kasi ng kamatayan ang Nanay ko kaya kailangan ko po siyang dalawin bago pa man siya lagutan ng hininga," "I hope she gets well," sabi ko habang pinipirmahan ang leave niya. , "Pumunta kana sa HR department para maasikaso nila ang leave mo," "Thank you po!" sambit niya sa akin. Iniabot ko na ang leave form ni Anna at pagkatapos ay umalis siya kaagad para tumungo sa HR department. Napapadalas ang pag bu-bugtong hininga ko ngayon dahil sa mga nangyayari hindi kaya oras na din para dalawin ko ang ina ko? Ilang taon na ba ang nakalipas mula ng iniwan ko sila sa probinsya? Pagkatapos namin mag usap ni Anna ay bumalik na ako sa trabaho ko.  Habang nag aayos ako ng mga papeles ay bigla akong nakakuha ng idea habang nag uusap kami ni Anna kanina kaya agad akong bumalik sa pag susulat ko ng kwento. ~ ~ ~ Mabilis na pumatak ang luha ko habang nakatingin ako sa litrato ng Ina kong nakikipag laban sa buhay. Madaming aparato ang nakapasak sa kanyang katawan bilang dugtong sa buhay niya. Lumalaban siya para mabuhay kahit pa alam niyang mahina na ang tyansang mabuhay pa siya. Sa patuloy na paglaban niya ay patuloy din ako sa paglaban ko sa gastusin sa hospital at sa bahay. Ako nalang ang natitirang pamilya ni Inay ngunit nandito ako ngayon sa malayo upang magbanat ng buto para na rin sa kinabukasan naming dalawa. "Ilang buwan na ba ang inilalagi mo sa hospital Inay? Malaki-laki na din ang babayaran natin sa hospital ngunit hanggang ngayon ay wala ka pa ring malay?" malungkot kong sambit.  Lumalaki na ang babayaran namin dito sa ospital kaya kailangan ko ng mag isip ng pwede kong gawin. Nakatitig ako sa computer ko ng mga oras na ito habang gulong-gulo ang utak ko ng may narinig akong isang tawag sa cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag. "Sino ito?" tanong ko mula sa unknown caller. "Nasa ICU ang Inay mo. Ginagawa namin ang paraan para mag survive siya kaya kailangan ka namin dito sa ospital ngayon." sambit niya sa akin. Walang pag aalinglangan ay tumayo ako sa kinauupuan ko at patakbo akong umalis sa opisina para habulin ang oras na buhay ang Inay ko. ~ ~ ~ Busy na akong nagsusulat ng kwento ko ng biglang may nag chat sa akin. Binuksan ko agad ang chat na yun sa kabilang monitor ko at nakita kong si Zach ang nag chat kaya hindi ko nalang pinansin. Itinuloy ko ang pag susulat ko. ~ ~ "Inay! Inay!" sigaw ko sa kanya habang niyuyugyog siya. "Ginawa namin ang lahat para maisalba ang buhay niya ngunit siya na mismo ang bumitaw," sabi ng Doctor sa tabi ko. "Hindi! Hindi!" sigaw ko habang pine-perform ang CPR sa Nanay ko. "Mabubuhay pa 'to! Kaya ko 'to!" sambit ko. Nakatingin lang sa akin ang mga Doctor habang sini-CPR ko ang Inay ko.  "Time of death 8:48 ng gabi," "Bawiin mo yang sinabi mo! Bawiin mo yan!" galit kong sambit sa Doctor habang nanlilisik ang mga mata ko na nakatingin sa kanila. Wala ng magawa pa ang mga Doctor kaya iniwan nalang nila akong nag luluksa sa loob. "I'm sorry Mom! Inisip ko na I-mercy killing ka dahil hirap na akong sustentohan ang pangangailangan mo dito sa ospital pero binabawi ko na! Parang awa mo na bumangon ka diyan! Wag mo akong iwan!" sabi ko habang humahagulgol. Niyakap ko ng mahigpit si Inay sobrang higpit! "Nag kulang ako bilang isang anak mo pero alam kong alam mo na mahal na mahal kita Mama. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ngiti at tawa mo sana maging masaya kana sa kabilang buhay." ~ ~ ~ Maluha-luha ako ng sinusulat ko ang mangilan-ngilan na parte ng storya ko ng patuloy pa rin sa pag chat si zach sa akin. Kaya sa sobrang inis ko ay binuksan ko ang chat niya sa akin at bigla nalang akong napatayo sa upuan ko! "ZACHHHHH!!!!" malakas na sigaw ko mula sa opisina ko. Nanginginig ako sa galit at sa takot dahil sa chat ni Zach sa akin. Sa sobrang takot ay nag madali akong lumabas sa opisina ko at nag hanap ng may katabing pwesto sa labas ng office. Sinilip ko sa upuan si Zach at nakita kong may kausap siya sa linya kaya hi-nold ko ang tawag nila. "Yare ka sakin mamaya." bulong ko sa kanya habang matalim ang tingin ko. Nakangiti lang siya sa akin at parang nangti-trip talaga. Umalis ako ng padabog sa pwesto niya at tumungo na ako sa upuan ko para magpatuloy sa trabaho. Isinantabi ko ang pag susulat ko at ginawa ko ang trabaho ko. Matapos kong asikasuhin ang mga papeles ng kumpanya ay binuksan ko naman ang folder ng mga calls namin. Pinakinggan ko lahat ng mga calls nila pero iba ang napakinggan ko. "Magkikita din tayo." soft voice mula sa calls ni Randolf. Pag katapos na pagkatapos ng calls ni Zach ay tinawag ko agad siya para pakinggan ang narinig ko. "Zach! Punta ka dito sa pwesto ko." tawag ko sa kanya. Lumapit agad sa akin si Zach. Pagtabi niya sa akin ay kinotongan ko siya ng malakas! Sobrang lakas talaga! Lakas ng tunog ng kotong ko kaya napansin ko sa kanya na napapikit siya sa pag kotong ko. "Oooppsss! Napalakas ata ang kotong ko?" tanong ko sa kanya habang tumatawa. Tiningnan niya lang ako na parang walang nangyari kaya ako naman 'tong panay sorry sa kanya ngayon. "Sorry! takte! Bakit ako pa 'tong nag so-sorry sayo kahit na ikaw yung may malaking kasalanan sa akin? Bwisit! Pipirmahan ko na nga yung leave form mo! Asan na!" inis kong sambit sa kanya. Ngumiti siya sa akin at inabot ang papel mula sa desk niya. "Pakipirmahan nalang po Ma'am yung leave ko para sa darating na undas," nakangiting sambit niya sa akin. "Fine!" sabi ko sabay pirma ng form niya. Inabot ko agad sa kanya ang papel at kinuha niya ito sabay ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at binuksan ang palad ko sabay may nilagay sa dito. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya sa akin kaya nasampal ko siya ng kabilang kamay ko. "Aray!" mahinang sambit niya sa akin. "Bakit mo ako hinawakan sa kamay ko?" galit na sambit ko sa kanya. "May binigay lang ako sayo nanampal kana agad," inis na sambit niya sa akin habang hinihipo ang pisngi niya. "Nagulat lang ako ano ba itong binigay mo sa akin?" tanong ko sa kanya. "Buksan mo yung palad mo kapag wala na ako." bulong nito sa akin. Umalis na si Zach sa harap ko at bumalik na sa pwesto niya kaya unti-unti ko na ding binubuksan ang palad ko at sa hindi ko inaasahan ay prinank na naman niya ako. Pag kabukas na pagkabukas ko ng palad ko ay may gagamba sa kamay ko. Kaya pala mabuhok nung binigay niya sa akin. As usual, Nagulat na naman ako at napatalon sa pwesto ko buti nalang hindi ako napasigaw kasi nakakahiya sa mga tao na makakakita sa akin. Ako dapat ang role model nila pero ako pa itong pasaway. "Inis!" sambit ko habang nakatingin kay Zach. Nagkatinginan kaming dalawa ni Zach at bigla siyang napaubo sa kakatawa sa pwesto niya. "Yare pala ako sayo huh?" natatawang sambit niya. Habang pinaglalapat ko ang dalawa kong kamay ay nakatingin ako kay Zach. Lalapat na talaga ang kamao ko sa mukha nitong animal na 'to kapag hindi pa din niya ako tinigilan sa mga ganyang ginagawa niya sa akin. "Babawi din ako sayo ng malupit Zach! Asahan mo yan." sambit ko. Ilang oras ang nakalipas ay oras na para mag break time ako. Inunat ko ang kamay ko at humikab ng pagkalaki-laki sabay titig sa monitor ng laptop ko. Ilang segundo din akong nakatitig lang ako sa laptop ko ng bigla kasing sumagi sa isip ko yung narinig kong boses kanina. "Hayyy..." bugtong hininga ko. Pinatay ko ang laptop ko at tumayo na ako para pumunta kay Ma'am Angela. Si Ma'am Angela ang HR Manager namin siya ang taga approved ng mga leaves ng mga empleyado kaya medyo busy siyang tao. Mula sa malayo ay natanaw ko na agad si Ma'am Angela kaya tinawag ko na siya. "Ma'am Ange!" sigaw ko mula sa malayo. Tumingin ito agad sakin at tumayo sa kinauupuan niya. "Kamusta?" tanong niya sa akin. "Ok naman ako Ma'am Ange," sambit ko sa kanya. "Nakita ko kayo kanina ni Zachery na nag tutuksuhan. Anong meron sa inyong dalawa at sobrang close na close kayo? May namumuo na bang pagibig sa inyong dalawa?" pilyang tanong niya sa akin. "Namumuong puot at galit kamo Ma'am Ange," inis kong sambit sa kanya. Biglang natawa si Ma'am Angela sa sinabi ko. "Paano kasi Ma'am lagi akong pina-prank ng peste na yun!" inis kong sambit sa kanya. "Naku! Naku! Diyan nag sisimula yun eeh. Aasarin ka tapos yun pala nag papapansin lang sayo. Tapos biglang aamin then liligawan ka na," naka ngiting sambit nito sa akin. "Alam mo Ma'am joker ka din! Si Zach aahh... hmmm... Siraulo lang talaga yan tsaka friends lang kami," sambit ko habang nakangiti sa kanya. "Aysus! Ganyan talaga sa una," panunukso niya sa akin. "Hayy nako Ma'am. Ewan ko sayo!" natatawang sabi ko sa kanya. Pumasok na kami sa elevator ng company at medyo ok na ang pakiramdam ko dito ngunit hanggang ngayon ay iniinda ko parin ang sakit ng paa ko dahil sa natapilok ako kanina sa labas ng elevator. Tahimik at payapa ang kapaligiran ng biglang nagsalita si Ma'am Angela. "Alam mo ba Ma'am Aga?" tanong nito sa akin. "Ano yun?" tugon ko sa kanya. "Totoo pala yung sabi-sabi dito noh?" sambit niya sa akin. "Totoo ang alin?" naguguluhan kong tugon ko sa kanya. "Balita ko dito sa elevator natin merong nag paparamdam,"pananakot niya sa akin. "Huh? Ano? Bakit parang wala akong naririnig?" habang hawak-hawak ko ang mag kabilang tenga ko. "May multo dito sa elevator," pang aasar niya sa akin. "Jusko po! Nabibingi na ata ako! Bakit hindi ko naririnig ang mga sinasabi mo?" nagbibingi bingihang sambit ko sa kanya. "Hmm.... Ang pagkakaalam ko diyan sa mismo sa pinupwestuhan mo ngayon huling nakita," sambit niya sa akin habang tinuturo ang pwesto ko. "Ma'am!" sigaw ko sa kanya habang tinatakpan ang tenga ko at pinipikit ang mga mata ko. "Ayan na siya Agatha," pananakot  niya sa akin. Nakapikit lang ako ng mga oras na ito at patuloy kong tinatakpan ang tenga ko para hindi ko marinig ang pananakot ni Ma'am Angela sa akin. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay iminulat ko ang mga mata ko at tumakbo ako palabas ng elevator. "Araayy!" sigaw ko. , "Masakit pa rin pala ang paa ko dahil kay Zach," inis na sambit ko. "Ano bang nangyari sa paa mo?" tanong niya sa akin. "Gaya ng ginagawa mo! Hmmpp! Alam nyo na ngang matatakutin ako. Takot parin kayo ng takot sa akin! Mamamatay ako sa nerbyos sa inyo eeh." inis kong sambit sa kanya. Biglang humagalpak ng tawa si Ma'am Angela sa akin hindi ko alam kung anong sapi ang meron sa kanya at tuwang-tuwa din siyang natatakot ako. "Halika! Tulungan na kitang mag lakad, Ikaw naman masyado kang matatakutin. Joke lang naman yun Ma'am Agatha." pang aasar niya sa akin. Inakay ako ni Ma'am Angela dahil mas sumakit ang paa ko dahil sa ginawa niya sa akin pagkatapos ay nag lakad na kami papalayo sa building. "Bukas hindi ako papasok sa trabaho Ma'am Angela ipapa check-up ko yung paa ko kasi sobrang sakit na niya parang namamaga na siya," mangiyak-ngiyak na sambit ko sa kanya. "Hala Ma'am Agatha! Sorry hindi ko alam na masakit na pala ang paa mo kanina pa." malungkot niyan sambit sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at itinuon ko na ang sarili ko sa daan upang makaiwas ako sa disgrasiya muli sa labas. Sobrang dilim na ng kapaligiran at wala ng katao-tao sa daan ngayong oras kaya doble ingat kaming naglalakad ni Ma'am Angela sa daan. Habang nag lalakad kami ni Ma'am Angela ay hindi niya maiwasang mag kwento. "Alam mo Agatha sobrang saya ko na naging kaibigan kita kahit pa ilang taon ang agwat nating dalawa nagkakaintindihan tayong dalawa," kwento niya sa akin. "Sobrang thankful ako na naging kaibigan-ate kita Ma'am Angela kahit na minsan may pagkasiraulo ka mahal na mahal kita," malambing na sambit ko sa kanya. "Aalagaan kita na parang kapatid kaya approved na agad ang leave mo bukas. Mag ingat ka kasi pa minsan-minsan para hindi ka matapilok at masaktan," natatawa niyang sambit sa akin. "Sure ka ba sa sinasabi mo? Isa ka kaya sa dahilan kung bakit ako may sprain sa paa ngayon," inis kong sambit sa kanya. "Ayy ganun ba? Sorry na," natatawa niyang sambit sa akin. "Anong pwede mong gawin para mawala ang galit ko sayo?" tanong ko sa kanya. "Anong gusto mo? Aaahh... Alam ko na! Sige sagot ko na ang foods natin ngayon tapos ililibre pa kita ng frappe mo," nakangiting sambit niya sa akin. "Sure!" nakangiting sambit ko sa kanya. Nakaupo na kami sa kainan ng mga oras na ito at hinihintay ko na siyang umorder ng makakain naming dalawa. Ilang sandali pa'y umalis na siya sa pwesto namin para umorder ng makakain namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD