Hinaplos-haplos ko ang likuran ni William para kahit papaano ay mahimasmasan siya sa mga kinuwento ko sa kanya. "Alam mo kahit anong kwento mo kay Agatha-" "Syrina pre," "Oo kay Syrina mahal ko pa rin siya," "Hindi naman kasi agad-agad mawawala 'yung love na 'yan. Matagal na proseso rin ang nangyari sa akin kasi 'di ba nawala ako sa picture. Ang hirap lang din talaga tanggapin na kapatid mo pa ang gagawa ng masama sayo," nakangiting sambit ko sa kanya habang nangingilid ang mga luha sa aking mata. "Hindi din kita masisisi kung bakit galit ka sa kapatid mo. Sino ba naman kasing matutuwa sa nangyari sa inyong pamilya 'di ba?" "Gustong-gusto ko siyang makita pero natatakot ako," natatawang sambit ko sa kanya. "Ewan ko ba 'yung heart ko gusto ko siyang makita kung ok ba siya at kamustah

