Patuloy ang pag perform ng defibrillator kay Agatha sa loob ng ambulansya hanggang sa magkaroon ng angat ang kanyang monitor. "May pulse na!" sambit ng rescue. "Salamat!" Isinalpak na ang oxygen mask kay Agatha para magbigay dagdag hangin sa kanya. "Kamusta na kaya si Syrina?" tanong ko na lang sa sarili ko. Ilang minuto ang itinagal namin sa biyahe at nakarating na kami agad sa hospital. Idinala agad sa emergency room si Agatha para doon bigyan muli ng karampatang medikal ng mga doctor. Napupuno ng dugo ang damit ko dahil kay Agatha. Palakad-lakad lang ako sa labas hanggang sa lumabas na ang doktor. "Ikaw ba ang guardian ng patient?" tanong niya sa akin. "Opo!" "She's ok na ipapalipat na namin siya sa kwarto niya. Tinahi lang namin 'yung malaking sugat sa ulo niya at sinalpakan s

