"Magdasal ka lagi Agatha para lubayan ka na niyan," seryosong sambit ni Zach sa akin habang hinihipo ang likod ko. "Alam mo Zach ilang beses na akong nagdasal at humingi ng tulong sa Diyos ngunit ni isa sa mga dasal ko ay hindi niya dininig kaya para saan pa ang pag hiling ko ngayon kung hindi rin naman matutugunan?" "Masyado mong ina-underestimate ang kapangyarihan ng Diyos kung ako sayo humingi ka nang kapatawaran para sa mga kasalanan mo at pwede ba Agatha matakot ka sa sinasabi mo dahil 'yan ang magdadala sayo sa kapahamakan. Ang kawalang tiwala mo," "Mag aaway na naman ba tayo? Pagod na akong umasa Zach kung gusto na niya akong kunin bakit hindi niya pa gawin? Bakit pinapahirapan pa niya ako?" "Ewan ko sayo Agatha! Mahirap makipagtalo sa sarado ang utak," "Ewan ko din sayo Zach!

