Palinga-linga ako sa paligid habang sinisipat ko si William. Ilang minuto din ang ginugol ko sa labas ng salon at sa wakas ay nakita ko na siyang naglalakad patungo sa akin. Sobrang laki ng ngiti ko ngayon dahil nakikita ko na si William kaya sinalubong ko na siya. "Sabi ko 'di ba hintayin mo na lang ako sa loob?" sambit niya sa akin. "Eeh mas gusto kong hintayin ka dito sa labas lalo na't nasa loob 'yung ex mo!" "Sinong ex ko?" "Sino pa ba edi 'yung Kendra!" "Ooh? Bakit nandito 'yan?" "Aba malay ko," "Kapag inasar ka wag mo na lang pansinin huh," "Ok!" Binuksan na ni William ang pinto ng salon at pumasok na kaming dalawa. "Ms. Agatha malapit na po nating banlawan ang buhok niyo." sambit ng isang babae. Tumingin ako sa orasan at tumugon sa kanya. "Mag isang oras na pala ang lu

