Pagkatigil ng taxi sa harap ng ospital ay nag bayad na ako ng pamasahe ko at pagkatapos ay agad akong bumababa dito. Naglakad lang ako ng bahagya upang makarating ako sa b****a ng ospital at pagkatapos nun ay pumasok ako agad sa loob ng ospital at nag lakad papunta sa silid ni Agatha.
Pag pasok ko sa silid ni Agatha ay agad kong iniabot ang dala-dala kong frappe kay Agatha at kape naman kay Doc Kim.
"Ooh! Paborito mong frappe," sambit ko kay Agatha. , "Hindi ko alam kung anong iniinom mo kaya amerikano nalang binili ko," sambit ko naman kay Doc Kim.
"Salamat!" nakangiting sambit ni Agatha sa akin.
Agad niya itong ininom at pagkalipas lang ng ilang minuto ay biglang nanikip ang dibdib niya at hindi siya makahinga.
"Agatha!" kinakabahan kong sambit sa kanya.
"Tawagin mo yung Nurse! Dalian mo!" sigaw ni Doc Kim.
Tumakbo ako palabas para tawagin yung mga available na Nurse at nakita ko si Nurse Jane sa desk.
"Jane! Hindi makahinga si Agatha! Tulungan mo kami dali!" sambit ko kay Nurse Jane.
Agad namang tumakbo si Nurse Jane sa silid ni Agatha para i-check ang condition nito.
"Nurse Jane! Dalian mo yung gamot!" sigaw ni Doc Kim sa kanya.
"Anong kinain ni Ms. Agatha bago siya mag ganyan? Dali!" pag mamadali ni Nurse Jane sa akin.
"Hazelnut frappucino," sambit ko.
"Peanut!" sigaw niya.
Bigla nalang akong napa-iling nalang ako sa nangyayari.
"Anong meron sa peanut? So ibig sabihin ba nito may allergy sa mani si Agatha?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
Tinurukan agad si Agatha ni Nurse Jane sa braso nito at medyo naging ok na ang pakiramdam niya pagkatapos siyang turukan ay bigla nalang siyang nawalan ng malay.
"Ano pong nangyari Doc Kim?" tanong ko sa kanya.
"Nanikip ang dibdib niya at hindi ko sure kung anong nangyari sa kanya at kung bakit siya biglang nagka ganyan. May papagawa akong test sa kanya bukas kay Doc Leslie para malaman natin kung anong nangyari kay Agatha," tugon nito.
"Bakit bigla siyang nahirapan sa pag hinga pagkatapos niyang uminom ng frappe?" tanong ko muli sa kanya.
"Anong flavor nga ulit nung frappe na binigay mo sa kanya?" tanong niya pabalik sa akin.
"Hazelnut frappucino yun! Favorite flavor niya 'yan dahil 'yan ang lagi niyang pinapabili," sambit ko.
Napa iling nalang si Doc Kim sa narinig niya.
"Mahilig sa nuts si Ms. Agatha, Hindi ko alam kung saan nanggaling yung paninikip ng dibdib niya. Ipapatest ko nalang talaga siya bukas para malaman natin," sambit ni Doc Kim.
"Sige Doc," sambit ko sa kanya.
"Hmmm... Ok sige una na ako para makapag pahinga na si Ms. Agatha, Salamat sa kape pero hindi ako umiinom ng gan'to," sambit niya sa akin habang abot-abot pabalik yung binili kong kape para sa kanya.
Umalis na si Doc Kim at naiwan kami ni Nurse Jane sa tabi ni Agatha.
"Puntahan nyo yung sinasabi ko sayo siya ang makakasagot sa mga katanungan mo," seryosong sambit ni Nurse Jane sa akin.
"Sige susubukan ko! Ooh heto sayo na itong amerikano kung ayaw mo tapon mo nalang," sambit ko sa kanya.
Umalis na si Nurse Jane dala-dala ang binigay kong kape sa kanya.
Umupo ako sa tabi ni Agatha at pinag masdan ko siya habang walang malay.
"Ano pa bang hindi ko alam sayo Agatha?" sambit ko nalang bigla.
Habang nakatingin ako kay Agatha ay biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya.
"Zach"
"Hayyy... Siya na naman!" inis na sambit ko.
Hinayaan ko munang mag ring yung cellphone niya.
"Tsss... Bahala ka diyan!" inis kong sambit.
Pagkatapos ng dalawang ring ng cellphone niya ay tumunog ulit ito kaya sinagot ko na ito.
"Nasa ospital siya nag papahinga!" sigaw ko sa kanya.
"Hello! Sino 'to?" tanong ng isang boses babae.
Tiningnan ko agad yung cellphone ni Agatha para makita kung sino ang tumatawag at nakita kong nakalagay sa screen ay "Ma'am Angela" kinakabahan muli akong sumagot sa tawag niya.
"Aayy sorry po! Akala ko kasi si Zach na naman yung tumatawag," sambit ko sa kanya.
"Aaahh... Oo inuutusan ko si Zach na tawagan si Agatha pero hindi siya sumasagot kaya ako na nag baka sakali na tumawag. Teka? Ang sabi mo nasa ospital si Agatha?" tanong niya sa akin.
"Nasa ospital po si Agatha ngayon," tugon ko sa kanya.
"Bakit? Anong nangyari?" nag aalalang tanong nito muli.
"Nalaglag po sa hagdan," sambit ko.
"Hala! Ano ba naman yang babae na yan. Eeh? Kamusta na siya ngayon?" tanong niya na may pag aalala.
"Wala pong siyang malay ngayon dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan," sambit ko.
"Huh? Di ko na gets? Anyway, Saang ospital yan at dadalaw ako bukas na bukas," sambit niya.
"St. Joseph Hospital, Room 213," sambit ko.
"Ok sige! Thank you," sambit nito.
"Sige po! Walang anuman," sambit ko sa kanya.
"Aayyy wait Kuya! Anong name mo pala? And kaano-ano mo si Agatha?" tanong nito sa akin.
"William," sagot ko.
"Aaah... Yung peste? Este yung katabing apartment ni Agatha? Hi! Thank you ulit at tinulungan mo yang babaita na yan aah. Sige na William! Thank you ulit," sambit nito sa akin.
"Ok!" tugon ko.
Binaba ko na ang cellphone pagkatapos naming mag usap na dalawa.
"Peste pala aah? Kapag iniwan kita dito na mag isa iiyak ka talaga at mababaliw ka." naka ngisi kong sambit.
Kinuha ko yung binili kong tinapay sa convenience store at ininom ko yung frappe ni madam.
"Masarap naman yung frappe," sambit ko nalang sa sarili ko.
Pailing-iling akong nakatingin kay Agatha habang wala siyang malay. Mas lalo akong na curious sa pagkatao niya. Sa loob lamang ng isang araw ay napaka rami ng kababalaghan na nangyari sa kanya.
Hindi ako naniniwala sa mga multo-multo na 'yan pero nung nakita ko siya kanina na nanginginig sa takot ay parang kinabahan na din ako.
"Bakit ko nga ba pinoprotektahan 'tong napaka sungit na babae na 'to? Bakit ba nagagalit ako sa mga lalaking pumapalibot sa kanya? Mahal ko na ba siya o naaawa lang ako sa sitwasyon niya?" tanong ko sa sarili ko.
Paubos ko na yung frappe na binili ko pero wala paring nangyayari sa aking masama.
Imposible naman kasi na sa frappe nanikip ang dibdib ni Agatha. Eeh paborito niyang drinks 'to. Hindi kaya may ginawa sa kanya si Doc Kim habang wala ako sa tabi niya? Kaso, Ano namang gagawin nung doctor sa kanya eeh. Nag ku-kwentuhan lang naman silang dalawa.
Sobrang gulo na ng utak ko dahil sa nangyayari ngayon. Habang malalim ang iniisip ko sa mga oras na ito ay biglang tumunog muli ang cellphone ni Agatha. Tiningnan ko agad ang pangalan na nakalagay doon at nakita ko na naman ang pangalan niya.
"Zach"
"Ang kulit talaga nitong lalaki na 'to!" galit na sambit ko.
Sinagot ko ang tawag ni Zach at kinausap ko siya.
"Ooh?" inis na sambit ko.
"Nasa ospital daw si Agatha?" nag aalalang sambit ni Zach.
"Oo," malamya kong sagot sa kanya.
"Anong nangyari? Ok pa kanina yan aah?" nag tatakang tanong niya.
"Malay ko diyan nalaglag daw siya sa hagdan," sambit ko.
"Napaka clumsy naman ni Madam. Ok sige punta nalang kami diyan mamaya," sambit ko.
"Ikaw ba mag bantay kay Madam?" tanong ko sa kanya.
"Sure!" masiglang sambit niya.
"Ge!" sabay patay ko sa cellphone.
Pagkababa na pagkababa ko ng cellphone ko ay dumating si Nurse Jane.
"Salamat pala sa kape," sambit niya.
"Wala yun! parang kape lang," sambit ko sa kanya.
"Pag nagising siya tawagin mo ko agad para kuhanan ko siya ng dugo," sambit niya.
"Sige mamaya tawagin kita agad," sambit ko.
"May litrato ka ba ni Ms. Agatha?" tanong niya sa akin.
"Meron ata," sambit ko sa kanya.
"Ikaw nalang muna ang pumunta kay Mang tasing tapos ipakita mo yung litrato ni Ms. Agatha," sambit niya sa akin.
"Ok sige pero hintayin ko muna yung resulta ng test niya," sambit ko.
"Oo pwede naman i-check mo muna results niya bago ka pumunta kay Mang Tasing," sambit nito sa akin.
"Sige," sambit ko.
"Alis na ako kapag nagising siya tawagin mo ako agad-agad para ma-check natin kung bakit biglang nanikip ang dibdib niya," sambit ni Nurse Jane.
"Sige."
Umalis na si Nurse Jane at naiwan na akong mag isa sa loob ng silid ni Agatha.
"Ano bang mga nakikita mo ngayon?" tanong ko kay Agatha.
Nakapikit lang ang mga mata niya at walang malay. Sa nangyayari ngayon piling ko ako ang unang mababaliw dahil sa kanya.
"Nakakainis! dapat nasa party ako ngayon pero heto ako ngayon nag babantay ng hindi ko naman kaano-ano!" inis na sambit ko.
Imbis na mga babae ang nasa harapan ko ngayon isang babaeng nakaratay sa higaan ang nakikita ko.
"Bukas naman makakapag pahinga ako at makakapambabae ako dahil nandito naman ang mga kaibigan niya."
Wala akong ginawa ng mga oras na ito kung di ang mag palakad-lakad sa loob ng silid ni Agatha. Binabantayan ko lang siya hanggang sa mapagod akong sa ginagawa ko.
Gusto kong lumabas ng kwarto niya para makipag kwentuhan kay Nurse Jane ngunit hindi ko magawa dahil natatakot ako na baka pag sisihan ko ang gagawin ko dahil may nangyayaring kakaiba kay Agatha ngayon.