EPISODE 13

1887 Words
Switching Scenes Agatha's Pov Hinayaan ko na munang umalis si William para makapag pahinga siya. Sobrang nahihiya ako sa kanya kasi hindi ko naman siya kaano-ano pero nag exert siya ng sobrang effort para sa akin. Habang nag uusap kami ni William ay biglang dumating sila Ma'am Angela at Zach na may dala-dalang mga pasalubong sa akin. "Wow! Paborito ko ito!" nakangiting sambit ko. Agad kong ininom yung paborito kong frappe. Sobrang nakaka refresh lang dahil nainom mo ang gusto mong inumin. Kahit na medyo maganda na muli ang mood ko ngayon ay hindi pa rin maitago sa mukha ko na malungkot ako dahil hirap pa rin ako sa pag galaw malamang sa malamang next week pa ako makakarecover nito.  Pagkatapos kong ubusin ang pasalubong ni Zach sa akin na inumin ay agad ko siyang binalingan ng galit ko. "Zach! Kasalan mo 'to eeh!" inis na sambit ko sa kanya. "Luh? Bakit ako? hindi naman kita tinulak sa hagdan aah?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Heeh! Kung di mo ako tinakot sa elevator edi hindi sana ako natapilok sa labas ng elevator at hindi sana ako nalaglag sa hagdan!" inis na sambit ko sa kanya. "Anong connect?" tanong niya sa akin habang nakangisi. "Retarded ata 'tong si Zach?" singit ni Ma'am Angela. "Tama ka dyan Ma'am Angela," pag sang-ayon ko sa kanya. "Aray ko huh! Paano naman ako naging retarded Ma'am Angela?" tanong ni Zach sa kanya. "Well, simple lang naman. Ang ligalig mo kasi kaya may nag sa-suffer sayo," seryosong sambit ni Ma'am Angela. "Grabe sa ligalig Ma'am? Hindi ba pwedeng masarap lang talaga pag tripan 'tong si Agatha?" nakangising sambit ni Zach. "Masarap pag tripan o nag papapansin ka kasi may gusto ka kay Agatha?" pang asar na tanong ni Ma'am Angela kay Zach. "Gusto? Malabo yun Ma'am!" pang aasar ni Zach. "Nako! Nako Zach! Kahit di mo naman sabihin sa akin alam ko naman!" pang aasar ko kay Zach. "Kita mo! Wala ka nang kawala pa Zach! Bilhan mo kami ng agahan at nagugutom na ako," sambit ni Angela kay Zach habang abot-abot ang pera. "Libre ako dito aah," sambit niya sabay abot ng pera. "Sige bahala ka. Basta yung akin may sabaw huh! Kahit sa karinderia kana bumili or kahit saan diyan basta may sabaw sa akin," sambit ni Angela. "Ako din Zach! SABAW!" sigaw ko kay Zach. Umalis kaagad si Zach at naiwan kaming dalawa ni Ma'am Angela sa silid ko. Naging seryoso ang usapan naming dalawa dahil binusisi niya ang nangyari sa akin at ikinuwento ko naman ito sa kanya. "Ano ba talagang nangyari?" seryosong tanong ni Ma'am Angela. "Hindi ko din ma explain kung anong nangyari Ma'am Angela basta parang paranormal!" takot kong sambit sa kanya. "Paanong paranormal? Multo? Engkanto?" tanong nito sa akin. "Multo," sambit ko. "So minumulto ka?" tanong niya muli sa akin. "Oo ata? Basta hindi ko maipaliwanag yung nangyayari ngayon," sambit ko. "Isa-isahin natin para matulungan kita," sambit nito. "Ganto kasi 'yung nangyari Ma'am. Pagkatapos kong mag pacheck up sa ospital umuwi na ako agad sa bahay para mag pahinga pero hindi yun agad nangyari kasi dumating si William tapos bigla pang sumulpot si Zach," sambit ko. "Tapos?" tanong niya. "So antok na antok na ako kaya umakyat na ako sa kwarto ko para mag pahinga. Bago pa pala sa bahay dito palang sa ospital ay may nangyari ng kababalaghan sa akin," singit ko. , "Hindi ko maintindihan kung tulog ba ako ng nangyari 'yun o gising ako kasi nung nandito ako para magbayad na sa billing ay mahaba ang pila kaya kumuha muna ako ng numero sa billing at nag hintay ako sa waiting area pero pag dating ko doon walang katao-tao kaya umupo na ako sa upuan malapit sa hagdan tapos habang nag se-cellphone ako may yabag sa hagdan. Kinilabutan na ako agad nun kaya ipinikit ko ang mga mata ko para hindi ko makita kung ano 'yun kasi bago ako pumikit tiningnan ko kung may tao sa itaas ngunit wala kaya ayun na nga Ma'am Ange nakapikit na ako ng mata ko tapos biglang tumakbo yung sa hagdan sa pwesto ko kaya mas lalo akong natakot tapos after nun nagulat nalang ako ng binuksan ko ang mga mata ko ang dami ng tao sa waiting area. Tapos ang nakakagulat doon kanina pa daw ako tinatawag sa billing samantalang napaka tahimik sa loob ng waiting area," lahad ko sa kanya. "So ang ibig sabihin mo ba dito ay may nag paramdam sayo nung nag pa-ospital ka kahapon?" tanong niya sa akin. "Oo ganun na nga! Tapos ito na nga ang continuation nakauwi na ako sa bahay nito tapos dumating nga yung dalawa at nang gulo sa akin sa bahay. Nanuod kami ng mga movies eeh inaantok na talaga ako kaya Iniwan ko yung dalawa na nanunuod ng palabas  at umakyat na ako sa kwarto ko para matulog. Sinabihan ko naman yung dalawa na kapag uuwi na sila ay isara nalang nila ang pinto kaya panatag naman ako tapos pag kagising ko wala na yung dalawa sa baba at sobrang dilim ng paligid," nanginginig kong sambit. "Tapos?" "Tapos biglang lumagabog sa kwarto ko nasa hagdan na ako nun tapos yung TV biglang nag bukas kahit walang tao. Akala ko noong una si William lang yun o si Zach pero wala talagang tao nun kasi sumilip ako sa sala ng nasa hagdan ako. Tapos-ta-tapos-t-tapos pagkatapos nun." nanginginig kong sambit kay Ma'am Angela. Biglang hinawakan ni Ma'am Angela ang kamay ko. Ramdam kong lumalamig ang kamay ko kasi ang init ng kamay niya. "Nanlalamig ang mga kamay mo Agatha. Anong nangyari pagkatapos mong sumilip sa sala?" tanong niya sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ko ang mga pangyayari na 'yun. "Tapos may biglang tumulak sa akin sa hagdan kaya na pilay ako ng ganto bigla nalang akong nalaglag sa hagdan kahit napaka higpit naman nang hawak ko sa handle ng hagdan," sambit ko sa kanya habang nakapikit ako. "Ok sige. Ok na yung kwento mo wag mo na ilahad pa ng lubusan. Sa susunod pag usapan natin muli yung susunod huh? nanlalamig na kasi ang mga kamay mo kaya kailangan na nating ihinto ang usapan na ito gan'to ang gawin mo ngayon Agatha mag patawas ka kaya para malaman mo ang nangyayari sayo?" sambit niya sa akin. "Patawas? You mean pa albularyo?" tanong ko sa kanya. "Oo! Pa albularyo ka kasi hindi mo alam ang kinakalaban mo ngayon. Malakas ang negative energy na lumalabas sayo," sambit ni Ma'am Angela sa akin. "Sige. Kapag bumuti na ang lagay ko," sambit ko sa kanya. "May susubukan lang ako sayo Agatha aah. Natutunan ko 'to sa Lola ko," sambit sa akin ni Ma'am Angela. Inilabas niya ang maliit niyang cross sa kanyang bag at inilagay niya ito sa pagitan ng daliri ko. "Try lang natin," sambit niya sa akin. Pinisil niya ng madiin ang dalawa kong daliri at nakaramdam ako ng sakit sa katawan ko. Sobrang sakit nito kaya napasigaw ako. "Araaaayyy!" sigaw ko. Agad na tinanggal ni Ma'am Angela ang cross sa daliri ko. "Ang sakit Ma'am aah. Babaliin mo ba daliri ko?" sambit ko sa kanya. "Sorry naman! triny ko lang naman," sambit niya habang tumatawa. "Ang alin ba? Anong triny mo sa akin?" tanong ko sa kanya. "Kung sinasapian ka," sambit niya. "Sira! Bakit naman ako sasapian? Nahulog lang naman ako sa hagdan," natatwang sambit ko sa kanya. "Eeh? Sabi mo kasi parang paranormal," sambit niya sa akin. "Hindi ko nga sure!" inis kong sambit. "Sige ipag pe-pray nalang kita Ma'am Agatha para layuan ka ng mga masasamang espiritu," sambit niya sa akin. "Sige mas maganda yang naisip mo Ma'am," sambit ko sa kanya. Ilang minuto ang lumipas mula ng mag usap kami ni Ma'am Angela sa nangyari sa akin at pagipit niya sa daliri ko ay dumating na din si Zach dala-dala ang mga pinamili niyang agahan namin. Inilabas niya agad ang mga pagkain at nag hain na siya. Pinag saluhan naming tatlo ang masarap na agahan na binili ni Zach pagkatapos naming kumain ay nag pahinga si Ma'am Angela sa tabi ko. "Hindi ka ba mag papahinga Zach?" tanong ko sa kanya. "Maya na ng kaunti," sambit nito. "Thank you pala sa pasalubong at pag dalaw sa akin," sambit ko sa kanya habang naka ngiti. "Syempre tropa tayo dapat sa oras ng kagipitan nag tutulungan tayo," sambit niya sa akin. "Oo naman! Salamat talaga," sambit ko sa kanya habang tumatawa. "Biglang nawala ang sincerity mo! Tssss... tawa pa!" inis niyang sambit. "Sige na matulog kana muna! Dun ka sa sofa matulog tanggalin mo nalang yung mga gamit diyan at ilipat mo sa la mesa," utos ko sa kanya. "Kailan ka daw madi-discharge?" tanong niya sa akin. "Hindi ko pa alam! Wala pa akong isang araw dito," sambit ko sa kanya. "Haaayyy, Ooh siya mag pahinga ka na din. Hindi ako kumportable na nakikita kang ganyan kaya dapat sa susunod na balik ko dito nakababa na paa mo," sambit niya sa akin. "Oo." sambit ko habang tumatawa. Humiga na si Zach sa sofa at nag pahinga na siya. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mga nag text sa akin o tumawag. Pagka tingin ko ay bukas na ang mga messages at nasagot na din ang mga tawag. "Baka pinakelaman ni William yung cellphone ko. Siya siguro ang nag papunta kila Ma'am Angela at Zach dito sa ospital." sambit ko nalang. Wala namang masyadong importante sa cellphone ko at wala din naman akong hinihintay na tawag o text ng iba. Lumabas ako sa message at naglaro nalang ako ng candy crash. Level 666 na ako dito at sobrang hirap ng level na 'to ay ilang buwan na ako sa level na 'to pero hindi pa din ako nakaka alis. Ubos na ang mga coins ko dun na tumutulong sa akin na mapadali ang laro ko. Ilang minuto lang akong naglaro nito at naubos na agad ang 5 lives ko. Mag hihintay na naman ako ng ilang minuto para ulit makapag laro kaya pinatay ko nalang ulit ang cellphone ko at humiga nalang nang maayos. "Medyo nangangalay na ako!" inis na sambit ko. Nakatingin lang ako sa pinto at bigla itong bumukas. Pumasok si Nurse Jacob dala-dala ang isang piraso ng papel. "How you doing Ms. Agatha?" tanong niya sa akin. "Medyo ngalay na ako Nurse," sambit ko sa kanya. "Ok sige. Try nating ibaba yung sa paa mo huh," sambit niya sa akin. Ibinaba niya yung tali sa paa ko at inilapat ko ito sa kama. "Masakit ba?" tanong niya sa akin. "Ok naman Nurse Jacob! Hindi naman siya masakit," sambit ko sa kanya habang naka-ngiti. "Good kung ganun!" sambit niya. , "Anyway, Hawak ko na ang result ng ginawa nating test sayo," sambit niya muli sa akin. "Para saan po 'yung test na ginawa kanina? Na-cucurious po kasi ako," tanong ko sa kanya. "Aaah... Para ito sa nangyari sayo," "Ano pong nangyari?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Diba nalaglag ka sa hagdan? Syempre nag test kami sayo para malaman namin kung anong mga gamot ang pwede naming ipainom sayo na hindi makaka pag trigger sayo," "Aaah ganun po ba? sige po! salamat!" sambit ko sa kanya. "Ito na ang result ng test mo." sambit niya sa akin. Tiningnan ni Nurse Jacob ang papel at binasa niya ang nakasaad dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD