EPISODE 4

1676 Words
Pagka-out na pagka-out ko sa trabaho ay dumiretso agad ako sa hospital na hawak ng kumpanya namin para magpatingin ng sprain ko at humingi ng gamot upang mapabilis na maibsan ang pananakit ng paa ko. Paika-ika akong naglalakad nito papasok ng ospital nang mapansin ako ng isang gwardiya. "Sobrang sakit ba ma'am? Ikuha ko na po kayo ng wheel chair." sambit niya sa akin. Pinatigil niya ako sa guard post upang hintayin ang pagbabalik niya. Mabilis lang nakabalik ang gwardiya na nag alok sa akin ng wheel chair at nakangiting sinalubong ako. "Sakay na ma'am at ipapahatid kita sa Doctor mo," "Salamat kuya." Tinap niya ang isang Nurse sa daan at humingi ng tulong para idala ako kay Doctor Kim. Pahikab-hikab na ako ng mga oras na ito habang binabaybay namin ang daanan patungo sa clinic ni Doc Kim.  "Mukang antok na antok pa kayo Ma'am," nakangiting sambit ng Nurse sa akin. "Sa katunayan nga eeh wala pa akong tulog," "Ayy ganun po ba? Bpo po?" "Oo." Binilisan ng Nurse ang paglalakad niya kaya bigla akong napahawak ng mahigpit sa hawakan ng wheel chair. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa clinic ni Doc Kim at pag pasok na pag pasok namin ay gulat na nakatingin sa akin si Doc. "Ooh? Anong nangyari sa paa nyo Ma'am Agatha?" gulat na tanong ni Doc. Kim sa akin. "Natapilok ako sa labas ng elevator namin Doc." nahihiyang tugon ko sa kanya. Agad niya akong nilapitan sa wheel chair na kinauupuan ko at lumabas na ang Nurse na naghatid sa akin. Inakay ako ni Doc Kim sa upuan na mataas at doon ako pinaupo. Pagkatapos niya akong pinaupo doon ay agad niyang itinaas ang paa ko at hinawakan ito. "Saan banda ang masakit?" tanong niya sa akin. "Dito po," sabay turo sa paa ko. "Aaahh... Ok sige. Anong mga remedies ang ginawa mo para mawala ang sakit ng paa mo?" tanong niya sa akin. "Ointment lang po Doc."  "Ahaah! Hmmm... Pag dating mo sa bahay tapalan mo ng yelo agad yung paa mo para mawala ang pamamaga tapos inumin mo yung gamot na para sa buto huh! Mag rest ka muna para mapahinga mo yung paa mo. Wag ka muna mag lakad-lakad para hindi mo magamit ang mga paa mo. 2-3 days rest para sa full recovery ng paa mo at imassage mo ng kunti yung paa mo kunting press lang huh! wag masyadong madiin para lang maayos yun sa circulation ng dugo mo," paliwanag niya sa akin. "Malabo ata sa hindi ako maglalakad-lakad Doc wala naman akong kasama sa bahay," "Edi kung wala kang kasama sa bahay lahat nalang ng mga kailangan mo itabi mo na agad sayo para hindi kana palakad-lakad pa or worst mag wheel chair ka?" "Nako sige po hindi na ako mag papalakad-lakad Doc!" "Mabuti naman at nakikinig ka na ngayon Ms. Agatha," "Maraming salamat po Doc. Kim! Maasahan ka talaga! Sige po una na po ako Doc," nakangiting sambit ko. "Sige! Mag ingat ka. Kapag may mga tanong ka tawagan mo lang ako," nakangiti nitong tugon sa akin. "Sige po." Ginawan na ako agad ng reseta ni Doc Kim at pagkatapos ay inabot niya ito sa akin kaya agad ko itong kinuha sa kanya ang reseta. Pagkatapos akong resetahan ni Doc. Kim ay pumunta na ako sa billing para mag bayad medyo mahaba ang pila sa billing kaya kumuha nalang ako ng number at umupo muna ako sa waiting area. Nasa tabi ako ng hagdan umupo para may pag sasadalan ako. Walang katao-tao sa waiting area ng mga oras na ito marahil masyado pa sigurong maaga kaya ganun. Nakaupo lang ako at nag se-cellphone ng may narinig ako hagikhikan ng mga bata sa taas. Tumingin lang ako ng saglit sa itaas ng hagdan at bumalik na muli ako sa pag se-cellphone. Ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa din tinatawag ang number ko kaya patuloy lang ako sa ginawa ko hanggang ngayon wala pa ring tao sa loob ng waiting area. Maya-maya pa'y napatingin akong muli sa itaas ng hagdan sapagkat rinig na rinig mo ang bawat hakbang dito lalo na kapag mag isa ka palang. Dahan-dahan ang yapak nito pababa ng hagdan nakatingin lang ako dito ngunit wala akong nakikitang tao na pababa. Bumilis ang pag t***k ng puso ko ng papalapit na sa pwesto ko yung yabag nito. Bumagal ang pag lakad nito sa pwesto ko at bigla itong tumigil sa tabi ko nakapikit na ang mga mata ko sa oras na ito kaya hindi ko alam kung ano ito hanggang sa bigla itong nag madaling tumakbo pababa. Napabalikwas ako sa inuupuan ko ng hindi ko namamalayan na nakaidlip pala ako sa mga oras na iyon. Napatingin ako sa paligid ko na gulat na gulat sapagkat yung lugar na walang katao-tao kanina ay punon- puno pala ng mga tao. Kinuha ko ang gamit ko at agad akong umalis sa kinauupuan ko habang papaalis ako ay pansin kong nakatingin sa akin yung mga tao sa tabi ko. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko na lumapit sa billing. "Hindi pa po ba tinatawag ang number 10?" tanong ko sa attendant. "Nako Ma'am! Kanina ka pa po namin tinatawag nasa number 16 na po tayo," sambit nito. "Huh? Eeh kanina pa ako nag hihintay ng tawag nyo sa akin." inis na sambit ko sa kanya. Tumungo ako agad sa window at nag madali akong nagbayad sa billing at pagkatapos ay umalis na ako agad. Pagkauwi na pagkauwi ko palang sa bahay ko ay nagluto na ako ng paborito kong ulam. Ang hotdog at itlog na katabi ko sa oras ng kagipitan tsaka 'yan lang din naman alam kong lutuin kaya ganun. Habang nag piprito ako ay kinuha ko ang cellphone ko upang tumingin ng iba pang pwedeng orderin na pagkain sa online. Lumipas ang ilang minuto pagkatapos kong umorder ng pagkain online ay kinuha ko ang laptop ko sa bag ko at binuksan ko ito at nag simula na akong magsulat ulit ng panibagong episode ng kwento ko. Nasa kalagitnaan ako ng sinusulat ko nito at sobrang focus na focus ako ng nag door bell yung rider kaya nawala ako bigla sa momentum. "Delivery po!" sigaw nito mula sa labas. "Wait lang kuya!" sigaw ko pabalik. Madali kong binuksan ang pinto at kinuha ang inorder kong pagkain. "Salamat kuya." pahabol kong sambit kay kuyang rider. Naglakad na ako papasok ng bahay ko at pasara na ang  pinto ko ng biglang sumilip si William. "Huy!" sigaw nito. "Ooh? Anong meron?" pag susungit ko sa kanya. "Wala naman," nakangisi niyang sambit sa akin sabay tingin sa paa ko. , "Anong nangyari sa paa mo?" tanong nito sa akin. "Sprain,"  "Bakit ka na sprain?" tanong muli nito sa akin. "Malamang natapilok ako!" "Ayan lang? Naka cast ka pa?" "Ayan lang? Nilalang mo lang yang sprain ko? Baka gusto mo hampasin ko yang paa mo para malaman mo kung gaano kasakit yung paa ko ngayon?" "Ang sungit mo na naman," sabay tabik sakin papasok sa loob ng bahay ko. "Aba! Trespassing ka! Labas! Dalian mo William! Lumabas ka na!" galit na sambit ko sa kanya. "Ito naman! Wag kana magalit sa akin," pang aamo nito sa akin. "Anong gusto mo ba?" tanong ko. "Gutom na kasi ako eeh naamoy ko yung dala ni kuya kaya sumilip ako. Pakain naman diyan!" sambit nito. "Letse! Nagkaroon pa ako nang palamunin dito! Sige! Kumuha kana diyan tapos lumayas kana!" sambit ko sa kanya. Kumuha ng plato si William at kumuha ng pagkain pagkatapos ay lumabas na ng bahay ko. Kumuha na din ako ng plato ko at nag sandok ng kain sabay upo sa upuan. Binuksan ko ang TV at nanuod ako ng isang palabas ngunit ilang minuto lang ang lumipas habang kumakain ako ay biglang may nag door bell. "Sino na naman 'yan!" galit na sigaw ko. "Delivery po!"  "Huh? Hindi naman ako umorder na sino kaya 'to?" tanong ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad ako papunta sa pinto para buksan ito at sa pagbukas ko ay nakita ko si William na nasa labas ng pintuan. "Ooh Chocolate! Cake at Ice Cream!" nakangiting sambit niya sa akin habang abot-abot ang mga ito. "Ooh? Anong meron?" sambit ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at patuloy lang siya sa pag pasok sa bahay ko. "Aba! Ang tigas talaga ng mukha mo! Hindi purkit may dala kang pag kain eeh pwede ka ng pumasok dito sa bahay ko," pag susungit ko. "Bayad yan sa pang aaway mo kaninang madaling araw sa akin sa coffee shop. Akalain mo dahil sa ginawa mo nilubayan ako nung babaeng kasama ko," "Ooh? Tapos?" "Syempre maraming salamat sayo kasi hindi ako nakapag dala ng chicks dito sa bahay ngayon," pang aasar niya sa akin. "Tsss..." Hindi ko na napigilan pa si William sa ginagawa niya at sa pagpasok niya sa bahay ko at hindi pa siya nasiyahan sa ginawa niyang pag trespassing sa bahay ko dahil pag pasok na pag pasok niya ay isinaksak niya agad ang dala-dala niyang flash disk sa TV at pliney ang gusto niyang palabas. Umupo ako sa tabi niya na nakasimangot at sumabay nalang sa pakikinood sa kanya. Habang nanunuod kami ay tumayo siya at kumuha ng platito at baso para sa ice cream at cake. "Piling bahay tayo aah?" asar na tanong ko sa kanya. "Oo naman! Magkapareho lang tayo ng set up ng bahay kaya alam ko ang bawat kasuluksulukan nito," "Aaah talaga lang huh!" "Gusto mo ba sabihin ko sayo kung saan naka sampay ang mga underwear mo?" pang aasar niya sa akin. "Yuck! Kadiri ka talaga William! Pervert!" Patawa-tawa lang sa tabi ko si William habang diring-diri akong nakatingin sa kanya. Pagkatapos kong maasar sa kanya ay tumahimik na ako at nag focus nalang ako sa palabas na pliney ni William sa TV. Pagkatapos ng asaran naming dalawa ay naging maganda ang takbo ng araw na 'to sa akin kahit na may mga creeping nangyayari sa akin ngayon. At  ease ako ngayon kasi may nagpapasaya sa akin kahit sobrang sungit ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD