Nakaupo kami ni Agatha sa upuan dito sa tinatawag nilang exclusive restaurant kung saan ay ang kumakain lang rito ay ang mga may kakayahang kumain. Mula sa entrance ay nakatalikod kami ni Agatha ng biglang umupo sa harapan namin ang napaka pamilyar na tao sa akin. Isa sa pinaka kinaiinisan kong tao. "Ooh?" gulat na tanong ko sa kanya. "Long time no see? Agatha?" nakangiting sambit ni Zach kay Agatha. "Zach!" masayang sambit nito sa pangalan niya. "Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya sa kanya. "Dito ako nakatira," nakangisi niyang tugon. "Ayy oo nga pala dito ka nga pala nakatira," tugon naman ni Agatha sa kanya. "Wala ka bang pasok ngayon?" sabay tanong muli sa kanya. "Wala di ako pumasok." Nakalimutan ata ni Agatha na nasa tabi niya lang ako kung makausap naman sa asungo

