Patulog-tulog lang ako sa loob ng truck ngayon dahil sa pagod na nararamdaman ko. Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa hotel at naiakyat na nila ang mga gamit sa itaas dahil sa sarap ng tulog ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napabalikwas ako sa pagkakatulog ko. "Ooh? Nasaan sila?" tanong ko na lang sa sarili ko. Binuksan ko ang pinto sa tabi ko at sinubukan kong bumababa ngunit hindi ko kaya sapagkat parang mapupunit ang mga tahi ko. Umupo na lang ako ng maayos sa drivers seat at hinintay kong bumalik si William para sunduin ako. Ilang minuto rin ang lumipas buhat ng nagising ako ngunit hanggang ngayon ay wala paring bumabalik sa kanila ni isa kaya minabuti kong kunin na ang cellphone ko at tawagan si William. "Love!" Sigaw ko agad sa kanya. "Oww your awake na! P

